Chapter 13

27 4 0
                                    

Dali daling tumakbo si Leo papasok muli ng kanilang bahay. Diretso syang umakyat ng hagdan patungong kwarto nila mag asawa.





"Ophelia--!!" Natigilan nyang bigkas nang pagpasok nya ng kanilang kwarto ay tanging si Ophelia lamang ang naabutan nya doon na abalang nag iimpake ng kanilang mga damit. "Sino yung taong kasama mo dito kanina!?" Nakakunot noo nitong tanong sa kanyang asawa habang walang tigil sa paglalakad sa loob ng silid na tila pilit gustong makita ang taong nakita nyang nakadungaw sa kanilang bintana kanina lang.






"Ano bang pinagsasabi mo dyan, Leo!" Rinig nyang tugon sa kanya ng asawa habang walang tigil sa pag aayos ng kanilang damit. Napabuntong hininga nalamang sya nang wala syang matagpuan. Tinignan nya ang asawang abala sa ginagawa. Nang maramdaman nitong tnititignan sya ni Leo ay dahan dahan din itong napatigil.






Nilapitan sya ni Ophelia bago hinawakan sa magkabila nyang mga kamay. "L-Leo, maaari mo bang sabihin sakin kung ano ang tunay na nangyayari? Bakit kailangan humantong sa ikukulong mo si Lilith? Si Lilith na anak nati---"



"Hindi ko sya anak. Kahit kelan wala akong anak na demony---"


"LEO!!!" Malakas na sambit ni Ophelia sa kanyang pangalan upang sya ay pigilan sa tinatangka nyang sabihin.



"Ophelia, ano pa bang matatawag mo sa nakita kong ginawa ni Lilith!? Anong gusto mong isipin ko? Nag eexperiment lang sya!?" Kunot noong sagot nito. "Ophelia, kitang kita ng dalawang mata ko na kinakain ni Lilith ang wala nang buhay na si Merly!!"




Dahil sa mga sinabi ni Leo ay animo'y parang naupos na kandila si Ophelia na dahan dahang pabagsak na napaupo sa kama.




"H-Hindi..." Umiiling iling at tila hindi makapaniwala nitong sabi. Namumuo ang mga luha sa matang tinignan nito si Leo. "H-Hindi totoo 'yan!"



"Totoo ang mga---" Hindi na naituloy pang muli ni Leo ang nais nanaman nyang sabihin nang biglang tumunog ang cellphone nitong nakatago sa bulsa ng suot nyang pantalon.



Tumatawag si Mang Karding.


Hindi na nya sana sasagutin ang tawag ngunit nakaramdam sya ng kaba. Bihirang tawagan sya ni Mang Karding. Madalas ay tumatawag lamang ito kapag may problema.



Ngunit ngayon, anong problema?





"Ophelia, sasagutin ko lang ito. Sumunod kana din sa akin sa baba." Utos nya sa asawa bago sya lumabas ng kwarto at sagutin ang tawag.




"Mang Karding---"



(Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Leo.)





Putol nito sa kanya. Base sa tono ng pananalita ng matanda ay parang may balita itong hindi kanais-nais. Huminga ng malalim si Leo bago hinanda ang sarili sa mga sasabihin ng matanda.



"Ano ho iyon?"


(Hindi ako mapakali kung kaya't bumalik ako sa center kung nasaan si Artur...)



Rinig nya ang paghinto ng pagsasalita ni Mang Karding upang humugot ng malalim na paghinga bago muling nagpatuloy.



(...at doon, sinabi nya sakin ang lahat. Leo..  maniwala ka man o sa hindi pero ang taong nasa likod ng walang awang pagpatay kay Anabelle ay ang...)







LILITH✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon