Chapter 5

53 18 13
                                    

Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko na syang tahimik na nakaupo sa tabi ng lamesa. Halatang inaantay na nya ang hinihingi nya sa aking gatas.






Kung kaya't kumuha na ako ng baso at nagsimula nang magtimpla.







Habang nagtitimpla ay hindi ko mawari kung bakit kinakabahan ako. Marahil dahil sa kaba nang maalala ko nanaman kung anong itsura nya habang may mga kakaibang mga matang nakatingin sa akin kaninang umaga.




"Yaya Merly.." Halos mapaigtad pa ako nang bigla syang magsalita.





"B-Bakit?" Tila nauutal kong tanong. Sandali nga! Ba't ba ako nagkakaganito?





"Bakit ba ang kupad kupad mo?" Nagpanting ang tenga ko dahil sa narinig ko sa kanya. May anak din ako ngunit kahit kelan ay hindi ako pinagsalitaan ng ganito. Matapos kong haluin ang gatas ay humarap na ako sa kanya.




Kumukuya-kuyakoy pa sya ng kanyang mga paa habang nakaupo at nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa.





"Hija, matuto kang mag-antay." Sabi ko habang naglalakad sa kanya papalapit.





"Pero sawa na kong mag-antay, Yaya Merly." Ibinaba ko na ang hawak kong baso sa ibabaw ng lamesa. "Sawa na kong antayin na matatanggap ng iba ang itsura ko." Mahina nyang dugtong ngunit malinaw sa aking pandinig.




"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. Iniwas nya sa akin ang kanyang tingin at itinuon sa basong nasa harapan nya.




"Bakit kulay puti?" Kunot noong tanong nito sa akin. "Tanga ka ba?" Napasinghap ako bigla.






"L-Lilith, hindi ko gusto ang tabas ng dila mo."






"Hindi rin kita gusto. Dapat na ba kitang tabasin?" Mabilis nyang sagot bago dahan dahang inangat ang kanyang tingin at diretsong tinitigan ako sa mga mata.







Hindi ko alam pero napahakbang ako ng isang beses paatras mula sa kanya.






"Gusto kong magbahagi sayo ng isang magandang kwento." Gumuhit ang ngiti nito sa kanyang labi na imbes masiyahan ako ay nakaramdam ako ng takot.




"Isang taon palang ang nakakalipas nang makilala ko si Amanda... ang una kong Yaya." Sumandal sya sa kanyang upuan bago nagpatuloy. "Ngunit hindi rin sya nag tagal. Alam mo kung bakit, Yaya Merly?"





Tumayo sya nang hindi ako kaagad nakasagot.



"Yaya Merly, tinatanong kita. Ngunit mistulang tanga kana, bingi ka pa." Matalim nya akong tinignan bago saglit na umalis sa aking harapan. Napahawak ako sa aking dibdib nang mawala na sya. Anong klasing pagpapalaki ang ginawa nila kay Lilith? Kung ga'no katalim ang kanyang mga matang tumingin sa akin ay ganon din katalim ang kanyang dila!






Hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay agad kong napansin ang anino nyang naglalakad nanaman papalapit hanggang sa makapasok na sya dito sa kusina.





May hawak syang isang bote na nababalutan ng itim na tela. Tinanggal nya ang pagkakatakip nito bago muling tumingin sa akin.





"Hindi sya nag tagal dahil naiinis ako sa kanya... napaka perpekto ng mga mata nya. Tignan mo." Namilog ang mga mata ko.




A-Anong ibig nyang sabihin?






"Yaya Merly, tignan mo." Tila mas naging seryoso ang kanyang tinig sa pag uutos sa akin. Wala na akong nagawa kundi maglakad papalapit at silipin ang kung anomang laman ng bote na hawak hawak nya.






Halos patakbo akong pumunta sa lababo para doon ay sumuka. Nakakadiri!





Yung hawak hawak nyang bote ay merong dalawang mata sa loob!





Hindi lang basta mga mata!





Mga mata iyon ng isang tao!!!






Napakapit ako ng mahigpit sa gripo at halos isuka ko na lahat ng laman-loob ko. Kinilabutan ako at tila babangungutin sa tuwing maaalala ko ang itsura ng nakakahindik balahibong mga mata na iyon!





"At tulad ni Amanda.. Gusto ko din ang mga mata ni Merly."





Napatigil ako sa pagsusuka nang marinig ko ang sinabi nya. Dahan dahan akong napaharap muli sa kinaroroonan nya.





Ganon nalamang ang kaba ko nang makita ko syang may hawak na kutsilyo sa kanyang kanang kamay at may mga matang matalim kung makatingin!






"Yaya Merly... Taon na ang nakakalipas nung huling inom ko ng dugo. Uhaw na uhaw na ako, Yaya Merly.."






Nagsimula na akong balutin ng takot nang makita ko syang dahan dahang humakbang papalapit sa akin.






Kumilos ka Merly!!






Isa lang syang bata!!





Habang naglalakad sya papalapit ay sya namang paglakad ko patagilid papalayo sa kanya at nang makalapit na ako sa pinto ng kusina ay agad agad akong tumakbo upang makalayo at makahingi ng tulong!






"ARAY!"




Daing ko nang bigla akong tumama sa isang bagay na naging dahilan para pabagsak akong mapaupo sa sahig.






Madilim dito sa salas kung kaya't wala akong masyadong maaninag!





Ngunit ano iyon???





Amoy malansa at tila nabubulok!






Kinusot kusot ko ang aking mga mata bago unti unting nag angat ng tingin sa isang pigura ng tao sa aking harapan.






"O, D-Diyos ko..."





Halos maihi ako sa sarili kong salwal habang nakatitig sa nilalang na nasa aking harapan.






Mahaba ang buhok nito na may mga nandidilat at namumulang mga mata!





Ang mukha nya ay nababalot ng dugo habang tumutulo ang nakakadiri nyang laway!!





Takot na takot akong napaatras papalayo sa kanya nang magsimula syang humakbong papalapit sa akin habang rinig na rinig ko ang nagtutunugan nyang mga buto!





"Yaya Merly..."







Punyeta!!!





Muntik ko nang makalimutan ang demonyong si Lilith!






Naiyak nalamang ako dahil alam kong wala na akong iba pang matatakbuhan.





Nasa harapan ko ngayon ang isang hindi ko maipaliwanag na nilalang habang nasa likuran ko naman ang isang demonyong bata na may hawak hawak na kutsilyo!!





Mamamatay na ako!!





"H'wag kang matakot.." Tila namamaos ngunit nanatiling nakakapangilabot ang boses ng malaking nilalang na nasa aking harapan..




"Hindi mo naman mararamdaman habang kinukuha ko na ang mga mata mo." Napaawang ang aking bibig nang makita kong unti unti syang ngumanga.






Pagkalaki laki ng kanyang bunganga na tila sinakop na nito ang kanyang buong mukha!






"Parang awa nyo n----"





Hindi ko na natapos pa ang nais kong sabihin nang maramdaman kong biglang may tumarak na matulis na bagay sa aking ulo na naging dahilan para mag agusan ang malalapot kong dugo.







"Saktong sakto, Lilith."

LILITH✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon