GABY POV
Ngyong araw na ito gaganapin ang symposium sa bsoco university. Tulad ng napag-usapan namin nila Dr. Z, magkikita kita kmi sa may parking area ng FC ng 2 pm ng hapon pra sabay sabay na kmi ihahatid ng driver ni Dr. Z sa venue.
Kung tinatong nyo kung kabado ba kmi? Well, di naman sa pag mamayabang cool na cool lang namn kmi nila George. We know our topic by heart. Thesis paper namin kaya ang topic namin mamaya. Di na kmi kabado sa mga ipupukol na tanong . May hihirap pa ba sa thesis defense namin sa diliman. Unlike in other univerities na by group ang thesis. Sa department namin e solo solo. Para kang haharap sa firing squad sa araw ng defense mo. Lahat ng prof aatend. Pati dean mo. Eto pa may mga alumni pa na invited .. pwede din manood ang iba . Open for questions sa lahat pa.
Tulad ng sinabi ni dean casual event lang daw ito.Pero syempre since sa ibang school kmi maglelecture di naman pwede na naka cutoff jeans kmi or simpleng tshirt and jeans ang suot.. baka ma shock sila kung pupunta kmi ni George na parang bagong gising lang o kaya e parang magpupunta lang sa bonifacio market ang peg!
Nasabi ko ba sa inyo na madalas ako mapagalitan ng nanay ko nung freshman ako tuwing papasok ako sa school. Anu ba daw yung suot ko. Parang naka pang bahay lang. Hindi kasi sanay ang nanay ko na lumalabas ng bahay ng di nakaayos. Parang laging may party kahit mag grogrocery lang. Lagi nya sinasabi na you have to be presentable all the time. People will not speak to you or even look at you if you look like shit. Hindi naman daw alam ng mga tao na matalino ka, na may ibubuga ka until you open your mouth to speak .
Sabi ko sa mommy ko sosyal na nga ako e naka doll shoes ako pag pasok. May times din naman na naka sandals ako . depende syempre sa sitwasyon at okasyon, sa totoo lang ung iba kaya na classmate ko na nag dodorm sa campus e naka spartan o rambo na tsinelas lang pag papasok tapos naka short at sandong puti. take note may mga butas pa yun minsan hahaha, Ni hindi nga nag suklay ung iba. Mukhang may muta at tulo laway pa.
Madalas kc wala tubig sa dorm sa umaga kaya naman kung may 7 am ka na class e pasok kana muna tapos pag uwi mo ng tanghali ka na lang maligo... yun e kung may tubig pa heehehe.
Yuck!!!!!!!!! anung yuck ka dyan walang pakielamanan. May classmate pa nga kami na napasok ng lasing. Pero ok lang. Wala naman sa itsura un.
Minsan isang sabado na pumasok ako e naulinigan ko mga kumare ng nanay ko. Tinanong sya kung san ako pupunta .Sagot nya aba papasok na sya sa school. Nagulat cla whattttttt sabi nla kala ko mamamalengke si Gaby . sabay tawa!!!! Nak ng tokwa , palengke? mukha ba akong dugyot? Ganda ko kaya. 😂
Kaya naman sa araw na ito napag usapan namin ni George na mag suot ng simpleg bistida. Simpleng dress na hangang tuhod pra naman magmukha kaming presentable.
Hala hala anung flowery flowery kyo dyan pwede ba hindi ako si Heart Evangelista. Wala ako balak rumampa. Wala din ako balak na dapuan ng bubuyog. Kadiri kaya ung mga dress na may mga malalaking flower design. Feeling Atienza!!!
Di yan ang trip ko. Plain lang ang mga tipo ko na damit. Sa araw na ito isang simpleng black dress ang suot ko habang greyish blue naman ang kay George. Nakalugay lang ang aking mahabang itim na buhok habang nakaipit naman ang hanggang balikat na kulot na buhok ni george. Panay nga ang loko sa amin knina sa tambayan. Ganda daw namjn parang totoo. Dun na kc kmi nag ayos after ng class namin e . Syempre di nawawala ang kikay sa tambayan plus kapitbahay namin kaya ang tambayan ng babaylan kya naman inayusan na nla kmi at hinayaan na lang nmin. Konting suklay ng buhok .. liptint/ lipgloss .. pulbos... ayos!
Dumating ang tamang oras at lumakad na kmi nla Dr. Z. Mabuti na lang at maaga kami umalis kaya kahit medyo traffic e hindi kami mahuhuli.
Pagdating namin sa Bsoco university ay agad agad na pinapasok ng guardia ang aming sasakyan. Tinuro nla sa amin ang daan papunta sa venue. Huminto kmi sa tapat ng CA building at walang pag aatubiling bumaba upang magtungo sa conference hall. Pero bago pa kmi makapasok ng building napansin namin ang ilang mga guro ng pilosopiya na tila naghihintay sa aming pag dating. Malugod kming sinalubong ng Assistant dean ng CA at ng ilang guro at iginiya patungo sa receiving area ng kanilang opisina upang doon mag hintay ng tamang oras.
BINABASA MO ANG
FATED FOR YOU- A TWIN BROTHERS LOVE
ChickLitAiden and Ethan are identical twin. However despite the similarity in looks they are two complete different person. Aiden is the quiet and kind type pero confident while Ethan is outgoing, adventurous and loud pero saksakan ng torpe. Their once sta...