hoshi's pov

28 0 0
                                    

hoshi

after ko mag-text kay miguel, i immediately went to the unknown number and just looked at it. i know it's too risky to bring out my phone inside the jeep pero hindi ko mapigilang titigan ang mensahe.

shi,
it's me, uno.

paulit-ulit siyang bumabagabag sa isip ko, bigla akong kinabahan, baka mamaya sila jun lang nag-text nito gamit ang phone ng mga katrabaho.

hindi ko namalayan na sa may babaan na pala ako kung hindi sumigaw ang driver. umandar na ang jeep pero sumigaw ako ng, "sandali lang po!" at medyo huminto ulit ang jeep para makababa ako. nilagay ko ang phone ko sa bulsa ko habang hawak hawak ko ang bag ko sa harap.

naglakad na ako papunta sa apartment namin habang umuulit pa rin ang message sa akin hanggang sa makarating na ako sa apartment. pag tingin ko sa labas ng pinto ay naroon ang mga tsinelas ng mga kaibigan ko. kinuha ko yung phone ko sa bulsa, in-open yung messages at agad agad kong binuksan ang pinto kasi alam kong hindi nila ni-lock 'yun.

pagkapasok ko ay nakaupo sila sa couch na parang namomroblema, hindi rin ata nila napansin yung presence ko kaya umubo ako at pag tingin ni jun ay agad siyang tumayo.

"soons! nandito ka na!!!" sabi niya na may kaba sa boses pero agad kong pinakita ang phone ko,

"jun, ano 'to joke time? tangina naman eh." halatang may galit sa boses ko pero in the first place sino ba ako para magalit kay wonwoo? anong pake ko at umalis siya? best friend lang naman kasi ako.

"sorry..." he said lowly, binaba ko ang bag ko sa gilid at saka umupo sa tabi nila.

medyo tahimik ang paligid at nagkikibuan lang kami, hanggang sa ako na ang nagsalita habang nakatingin lang sa phone ko.

"hindi naman ako nag-bago ng number eh, hindi ko naman alam na memorize pa rin niya yung number ko." saad ko, magsasalita pa sana ako nang biglang magsalita si jihoon.

"binigay ni jun number mo sa kaibigan ni wonwoo." napatingin naman ako at huminga ng malalim.

tangina assumero ka talaga ng taon, shi. lagi na lang.

"ah... haha kala ko-"

"memorize pa ni wonwoo number mo? feeling ko memorize pa rin niya yun, soons." tinapos nanaman ni jihoon mga sinasabi ko eh.

"oh? ano balak mo, soons? sagutin mo na." sabi ni jun sa akin. kinabahan ako bigla ng buksan ko ulit ang messages ni wonwoo, kakamessage ko lang sa old number niya last week eh.

kung kailan naman i'm trying to move on, bumabalik ka.

"paano pag hindi siya 'to?" sabi ko at agad kong binaba yung phone ko sa coffee table. natawa naman nang malalim si jihoon at hinimasmasan ang mukha niya.

"tangina sino pa ba tumatawag sayo ng shi? kitang kita soons oh, si wonwoo 'yan puta wala ka pa rin ba bayag?" tanong ni jihoon sa akin.

"pangga chill lang, baka ma-trigger mo si soons." jun said calmly beside me as jihoon comfortably sits on my couch.

"sorry, sige take your time. dito lang kami ni jun." sabi ni jihoon as he gets the remote and turns on my tv.

tiningnan ko si jun sa gilid ko at agad niya akong inakbayan, "sige na, dito lang ako if ever iiyak ka." sabay ngiti sa akin.

"and if iniisip mo na wala ka karapatang magalit, meron soons, meron kang karapatan, wag ka masyadong mabait please." jun pleads

wala nga akong karapatan. hindi niyo kasi maintindihan, when in the first place baka si wonwoo pa kailangan magalit sa akin.

tangina ang hirap.

narrations for my au (2)Where stories live. Discover now