BLIND: Chapter 1

18.8K 243 36
                                    


Andrea Ninsavian's POV

Napayuko ako at idinikit ko pa ang noo ko sa table habang humihikbi.

"Ano ka ba naman Andrea! Tignan mo yung scores mo sa mga quizzes at exam, bumaba. Lalo na dito sa English, eh inulit lang naman ni sir yung pinaquiz niya sa'tin last year. Bakit five out of 50 lang ang nakuha mo samantalang last year eh halos maperfect mo?! Tapos mali mo pa 'tong pinakamadaling question, kelan pa naging mag-Ex si Cupid at Aphrodite? Mag-ina sila!" panenermon sa 'kin ng bestfriend kong si Mhay.

"Eh inapply ko naman lahat ng natutunan ko sa mythology, about sa love, pero bakit? Minahal ko naman siya pero bakit niya 'ko iniwan??"

Binuksan ko ulit yung isang roll ng tissue at ipinunas sa uhog kong tuloy-tuloy na tumutulo.

"Andrea naman, three months na kayong break ni Monard. Wuy, magmove-on ka na. Tignan mo yung epekto nito sa grades mo, baka matanggal pa ang scholarship mo dahil dito. Lagot ka talaga sa lola mo. Pareho kaming maha-highblood sa ginagawa mo." Ipinakita ni Mhay ang mga test papers kong puro mabababa ang score.

"Ang sakit-sakit pa rin talaga, huhu. Mahal na mahal ko pa rin si Monard, hindi ko siya kayang---"

"Ms. Ninsavian and Ms. San Antonio! Nagdadaldalan na naman kayo sa klase ko! GET OUT OF MY CLASS NOW!!" galit na sigaw sa'min ni Sir Carion, ang Mapeh teacher namin habang nakaturo ang hawak niyang stick sa pinto.

"Uy bilisan mo Andrea, galit na galit na si Sir baka mahambalos niya tayo ng arnis stick. Dalian mo, mamaya ka na mag-emote!" pabulong na sabi ni Mhay. Hinila na niya 'ko at agad na kaming lumabas ng room.

"Hay nako, first period palang ng umaga pinalabas na naman tayo. Noon lang eh ikaw ang parang favorite ng mga teachers. Tapos ngayon, tayo na lagi ang pinapagalitan. Tignan mo naman ang ginawa sa'yo ng lalaking yun. 'Di siya worth it sa mga luha mo!" aniya habang naglalakad kami dito sa may soccer field ng school.

Nakayuko lang ako habang umiiyak. Totoo nga naman ang mga sinasabi niya. Nadadamay na rin siya dahil sa'kin.

Kami noon ang top two ng klase pero ngayon lagi na lang kaming pinapagalitan at pinapalabas ng klase. Wala ring kaalam-alam si Lola sa nangyayari sa 'kin pero sadyang hindi ko talaga makalimutan si Monard, sobrang sakit----

*BLOGSH!*

"Andrea!" Agad akong tinulungan ni Mhay nang napasalampak ako sa lupa dahil sa lakas ng pwersa nung bagay na tumama sa ulo ko.

Hinipo-hipo ko naman yung ulo ko na natamaan ng bola. Aray ko, huhuhu!

"Ang lampa mo pa rin talaga. I can't believe na pinatulan kita." Agad kong tinignan ang lalaking nakatama sa 'kin ng bola, ang lalaking minahal ko---si Monard. Pinulot niya ang bola at ngumisi.

"Wow babe, ang galing mo ngang sumipa ng bola. Sapul na sapul sa basura!" May babaeng lumapit sa kanya, si Cristine ang beauty queen ng Campus. Maganda nga, pangit naman yung ugali.

Tumalikod na sila habang tumatawa pero agad tumayo si Mhay.

"Hoy, Monard! Aba't wala ka rin talagang modo eh, noh? Pagkatapos mong saktan ang kaibigan ko iiwan mo na lang bigla sa ere? Sinaktan mo na ng emotionally at physically pero ni isang sorry wala! Napakawalang modo!" sigaw ni Mhay kaya napatigil sila at humarap sa'min. Naglakad silang dalawa palapit sa amin.

"Hindi ko na kasalanan kung ganun katanga 'tong kaibigan mo at inakala niyang minahal ko siya? For you to know, it's just a dare. I don't even consider her as my Ex-girlfriend, she's way too different from my type," saad niya at tinignan ako.

Blindly Fallen In Love [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon