Andrea's POV'Because I... like your Bestfriend, Mhay.'
'Because I... like your Bestfriend, Mhay.'
Paulit-ulit iyon na nag-echo sa utak ko, gayundin ang sakit sa dibdib ko na parang paulit-ulit ring sinasaksak ng karayom.
Agad akong umalis dun at agad na umuwi. Ang sakit... Ang sakit-sakit lang.
Kung ganun, noon pa lang talaga ay napaka-imposible nang magkagusto rin siya sa'kin. Dahil may gusto pala siya sa kaibigan ko. Napakasakit at mahirap palang marinig mismo mula sa taong gusto mo na may gusto na siyang iba. Napakasakit at hindi ko lang matanggap lalo na't ang gusto niya ay ang kaibigan ko, ang pinakamatalik kong kaibigang si Mhay
Halo-halo na ang nararamdaman ko. Buong araw akong umiyak sa bahay.
Alam ko namang di niya 'ko gusto noon pa man at kasalanan kong umasa ako.Hindi naman ako ganun nag-expect noon na magugustuhan niya 'ko dahil para sa'kin, okay na'ng malaya akong nagkakagusto sa kanya. Pero habang tumatagal na nakakasama ko siya,
sungitan man niya 'ko o maging mabait siya sakin lalong lumalalim nang lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.At ngayong nakumpirma ko na ngang hindi ko lang siya gusto dahil mahal ko na nga siya ay saka ko pa nalaman na may gusto pala siya sa bestfriend ko.
Bakit ganun? Ako naman yung laging nasa tabi niya, pero bakit hindi ako ang nagustuhan niya? Hindi ba 'ko karapat dapat mahalin?? Bakit ba walang nagkakagusto at sumeseryoso sa'kin?
Tumawag sa akin si Mhay pero dahil sa halo-halong sakit ang nararamdaman ko ay pinatay ko ang tawag.
Bakit pa si Mhay ang gusto niya? Ganun na ba 'ko kapangit?? Ang sakit lang sa kaloob-looban ng dibdib ko. Parang tinutusok at pinupunit ang puso ko.
Bakit nga ba kasi nahulog ako sa taong di naman ako gusto?
Dalawang araw akong nagkulong sa bahay at umiyak. Pati si tito Jessy ay nakiiyak din sa'kin dahil naghiwalay raw sila ng boyfriend niya. Pinalabas kami ni lola sa bahay dahil baka raw mapuno ng kalungkutan ang bahay at baka malasin pa kami habang buhay.
Atsaka para rin daw magliwaliw at kahit papano ay mabawasan ang sakit ng nararamdaman namin.Nakaupo ako ngayon sa bench samantalang pumasok naman ng convenience store si tito Jessy para bumili ng beer at maglalasing kame!
May nagtext sakin.
Tinignan ko ito at si Mhay ang nagtext. Nag-aalala na siya sa'kin dahil di ko siya kinausap. Dahil na rin siguro sa sumama ang loob ko dahil siya ang gusto ni Fritz.
Nakonsensya naman ako dahil wala namang ginagawang masama sa'kin si Mhay at tinutulungan niya pa nga ako kay Fritz pero heto ako, sumasama ang loob sa kanya.
Nagreply naman ako sa kanya at nagulat ako nang marinig ko ang boses niya.
"Andrea!" Tawag niya sa'kin kaya agad ko siyang nilingon at nakita kong kasama niya si.... Fritz.
Nagsimula na namang kumirot ang dibdib ko.
"Andrea.." Lumapit si Fritz at tumingin ng diretso sa mata ko. Hindi ko naman mapigilang magbreak down nang makita ko silang magkasama kaya nag-unahan nang bumuhos ang mga luha ko.
"Andrea." Tawag nila sa'kin pero agad akong umatras at tumakbo paalis ngunit nasa gitna palang ako ng kalsada nang makita ko ang isang jeep na paparating.
*BEEEEEP!*
2 MONTHS LATER
Nagising ako sa isang puting kwarto at may mga taong nakadamit ng puting nakapaligid sakin...
. . . Mga doctor at nurse na inaayos ang dextrose ko.
Naramdaman ko ang sakit ng katawan ko lalong lalo na ang mata ko at medyo malabo pa ang paningin ko.
Bakit ganun? Parang may nararamdaman akong nag-iba? Ano bang nangyari sakin?
Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto kung nasaan ako at nakita ko naman sila lola, tito Jessy at Mhay na naka palibot sakin at umiiyak sa saya.
"Sa wakas gising ka na, Andrea!" Masaya nilang sabi.
Inalalayan nila akong bumangon at agad rin silang kumuha ng pagkain.Ramdam ko ang matinding gutom at parang mabubutas na ang tiyan ko dahil nagwawala na ang mga bulate sa tiyan ko. Ano bang nangyari?
Ikinuwento nila sa'kin kung anong nangyari at naalala ko na nga. Yung nakita ko sila Fritz at Mhay na magkasama at pagkatapos nun naaksidente ako..
Laking gulat ko nang malaman kong two months pala akong nacomatose.
Humingi na rin sila ng tawad sa'kin pati na rin si Mhay at sinabi niyang hindi totoong gusto siya ni Fritz dahil ako raw ang gusto ni Fritz.Tinignan ko silang tatlo.
"Nasaan si Fritz?" Tanong ko. Nagtinginan naman silang tatlo.
Kinuha ni Mhay yung salamin na nakapatong sa mesa at iniabot iyon sa'kin.
Nagtaka naman ako. Anong meron sa salamin?? Tinignan ko naman ang reflection ko sa salamin.
Parang may nag-iba sa mukha ko pero hindi ko matukoy kung ano.Tinignan ko naman silang tatlo na parang nag-aabang sa reaksyon ko.
Muli kong tinignan ang reflection ko sa salamin at napansin kong may scar sa bandang mata ko. Mukhang medyo namamaga rin ito at parang nalagas ang konting pilik-mata ko?? dahil siguro sa nakapikit ako sa loob ng dalawang buwan.
"Nadamage ang parehong mata mo noong naaksidente ka. Kaya ibinigay ni Fritz ang mata niya sa'yo." Napatigil ako sa narinig ko. A-ano?
"A-anong ibig niyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.
Ipinaliwanag naman nilang hindi pala talaga bulag si Fritz at nagpapanggap lang siyang bulag. Noong naaksidente ako ay alam nilang masasaktan ako kapag nagising ako at nalaman kong bulag na ako kaya idinonate ni Fritz ang mata niya at inilipat sa'kin.
T-teka nga?! Dinonate niya ang parehong mata niya?!! Ano--B-bakit?!
Ang alam ko mga patay na tao lang ang pwedeng magdonate ng mata?! At ang pagdodonate ng mata pag buhay ay delikado at maaring ikamatay!
"N-nasaan si Fritz?!" Bigla akong kinabahan nang sobra at sobrang lakas ng pintig ng dibdib ko habang hinihintay ang sagot nila.
"Wala na siya dito, he's with God now.." Parang nabingi ako sa sinabi ni Mhay.
Agad na'kong umiyak ng malakas kaya nilapitan nila ako at pinakalma...
"B-bakit ka umiiyak Andrea?" Natatarantang tanong ni Mhay.
"Ayusin mo nga kasi yung sagot mo." Turan ni tito Jessy.
"A-ah, Ay oo nga nuh.. Ahmm Andrea, hindi pa patay si Fritz kaya wag ka nang umiyak." Agad na sabi niya kaya napatigil ako sa pag-iyak.
Ang bigat na nararamdaman ko ay parang biglang gumaan dahil sa sinabi ni Mhay. Pero hindi pa rin mabawasan ang sobrang pag-aalala ko.
"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan na talagang tanong ko. Hindi na'ko kumurap at hinintay na sumagot si Mhay.
"Ang ibig kong sabihin ay wala si Fritz dito sa hospital kasi nandun siya sa Hospital nila God, yung classmate natin.
Si Aaron Godace, remember him? Yung specialist doctor ang father niya." Pagpapaliwanag ni Mhay at doon ko na naintindihan ang lahat.Biglang nabura ang lahat ng sakit sa dibdib ko.
"Gusto ko siyang makita.." Saad ko at nakikiusap silang tinignan.
to be continued~
BINABASA MO ANG
Blindly Fallen In Love [COMPLETED✓]
ContoThey never believed in the saying 'LOVE IS BLIND' but not until they met each other. "Walang magmamahal sa gaya ko. Masasaktan lang ako sa huli dahil hinding hindi nila matatanggap kung ano ako." -Bunerd TagLish SHORT STORY Enjoy reading!