Prologue

1.3K 4 2
                                    

Saglit na pinag masdan ng magulang ko ang condo na titirhan ko at ni Nicole bakas sa mukha nila na nagustuhan nila ito. Pinto pa lang nito ay masasabi mo na classy at maganda ang pag kagawa. Pagpasok namin dun bumungad ang sa amin ang tatlong pito para sa kwatro at isa naman para sa cr. Maluwag din ang kitchen,living room at dinning room. Pumasok kami sa unang pinto napapaligiran ito ng kulay gray ito na siguro ang kwarto ko. Binaba ni dad ang mga maleta ko nag tinginan kaming tatlo.

"Take care,baby." nalulungkot na saad ni dad ngayon lang ako mawawala sa puder nila kaya alam ko na hindi ito magiging madali.

"I will dad, you too." Saglit ko siyang niyakap. "Mi, Wag ka na umiiyak."

"Sorry ngayon ka lang kasi mawawalay samin." Paos niyang sabi.

"I know." Niyakap ko sila saka kami lumabas ng kwarto ko matagal pa siguro ang dating ni Nicole. Tatlong oras din kaming nag uusap nang namalayan na lang namin na alas tres may kailangan pa pala silang asikasuhin.

Kinawayan ko na sila at ngumiti sa kanila.

Pag sarado ko ng pinto huminga ako ng malalim.  This is it, the start of my college life.

teenage loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon