Eve's POV
TGIF! weekend na bukas. yes! makakagala na ulit ako. Hirap kayang mag straight na one week na walang gala. BTW. I'm Eve Fuentabella. Anak ng mga magulang ko. 3rd year college. Taking up Business Ad. I have a Kuya, ang pangngalan nya ay Hunter Fuentabella. Ang iikli ng pangngalan namin noh? wala eh. tinamad mag isip mga magulang namin. Pero sabi nila pinag hirapan daw nilang isipin yun. Wew.
"Nak. kain na."
"Ay anak ng mayaman! Ma, naman! uso kumatok. -,-"
"Haha sorry. bumaba ka na dun at kumain baka malate ka na."
"Sige po. Baba na po. tapusin ko lang pagsasapatos ko." wala namang uniform sa BU kaya naka civilian ako malamang. tapos ko magsapatos bumaba na ako.
"Good Morning! Anong makakain natin ngayon?" Masigla kong salubong sa mga tao dito sa dining area
"Pagkain pa rin naman" sagot sakin ni Kuya habang seryosong kumakain.
"Psh." Inirapan ko sya. makakain na nga. sarap ng pagkain. sinangag tapos hotdog tapos itlog. peborit!
"Dahan dahan. alam naming paborito mo yan pero wag ka namang PG kumain. parang ngayon ka lang namin pinakain dito." tiningnan ko ng masama si Kuya
"Kuya kanina ka pa ah. Pang ilang araw mo na ba ngayon?" pang aasar ko. Huehue.
"Lul. Ma, Pa. Una na po ako." paalam ni Kuya. teka!
"Kuya! hatid mo ko! Plssssssss!" sigaw ko sa kanya. huminto sya at tumingin sakin
"Ayoko."
"Uwaaaaah! Pa oh! Si Kuya! Ayaw akong ihatid." isip bata ba? hehe ganyan ako mag lambing kay kuya.
"Kaya mo naman na magdrive diba? bakit ka pa magpapahatid sa Kuya mo?" ihhhh.
"Hehe inatake po ng katams eh. Cge Pa. Una na kami ni Kuya" paalam ko at hinila ko na si Kuya papuntang garahe.
"Kulit talaga." iling iling na sabi ni kuya.
"Sino ba kapatid ko?"
"Tss." ahahaha I won again.
"Sungit." pahabol ko at pumasok na sa loob ng kotse.
-------
"Bye Kuya! Thanks sa paghatid." paalam ko at humalik sa pisngi nya
"Bye. Ingat." paalam nya at umalis na.
"EVE!"
"Ay anak ng megaphone. Ano ba! para namang isang kilometro layo ko sayo kung makasigaw ka."
"Hahahaha! bakit ba ang magugulatin mo?"
"Malay. tanong mo yon baka alam nya" sabay turo ko dun sa babaeng ang ikli ng skirt.
"Ay ewan sayo. Tara na nga." sabi nya sabay hila sakin papuntang room.
Sya si Angela Jean Bentley. Yes. Tama pagkakabasa nyo isa syang Bentley. Isa sya sa anak ng may-ari nitong University na pinapasukan ko. Pero hindi Bentley ang ginagamit nyang surname. Ayaw nya daw kasi na pinagkakaguluhan sya. Gusto nya ung simple lang. Nung una din hindi ako makapaniwala na isang Bentley ang kaibigan ko. Dahil ang mga Bentley ay ang pinaka mayaman na pamilya sa buong Pilipinas. May kuya daw sya pero hindi ko pa nakikita.
Nandito na pala kami sa room. Pag pasok namin, as always ang sasama ng tingin nila samin. Umupo na kami mamaya andyan na ang teacher namin.
"Blah..Blah...Blah..." *yawn* bakit ba ang boring ng history? past is past na nga bakit pa pinag aaralan yan? aish. Keri na yan. Malapit naman na mag breaktime eh.
BINABASA MO ANG
Sudden Marriage
Novela Juvenil"I love you. no matter what happen." "I love you more. I love you forever" Akala ko dati hanggang do'n na lang kami. Pero hindi. Gumawa nang paraan si God para saming dalawa. At nagpapasalamat ako sa kanya. "Mooooooooom~" oh no. mukhang may si...