SM ~ 2: Mr. Epal

42 2 0
                                    

Eve's POV


Sabado! yes! hindi ko makikita yung demonyita kong teacher sa Science. Hoho! nga pala. Nagyaya si kuya Hunter sa Private Resort namin. Ano nanaman kayang trip nun?

Nag aayos na ako ng gamit ko. 9:30 na, Maya maya nandito na si Angela sabay kaming pupunta dun at gamit ang kotse ko. Tapos ko mag ayos ng gamit, bumaba na ako para kumain naabutan ko dun si kuya Hunter na kumakain na rin.

"Di man lang ako tinawag." sabi ko sabay pout habang paupo sa tabi nya.

"Sus. Drama. Di bagay sayo mag pout. Mukha kang Crocodile" aba...

"Yah! Kung mukha akong Crocodile, pano ka na?." -_- aga aga nambabadtrip eh. Makakain na nga.

"haha Don't worry. Mukha pa rin akong tao. Kamukha ko nga si G Dragon ng Bigbang eh."

"Dream on kuya." taas ng pangarap.

"Inggit ka lang. haha!" sabi nya sabay tayo.

"Pakyu mga bente." pahabol ko. Narinig ko naman syang tumawa. Lakas trip amputa aga aga. -_-

Tapos ko kumain umakyat ulit ako sa kwarto, maya maya dumating na si Angela. Jusko ang laki ng maleta kala mo isang buwan kami don.

"Isang cabinet yata dala mo eh! Puta. Ikaw magdala nyan ah." sabi ko. nandito kami sa kwarto ko. Ewan ko dito kung pano nya naakyat 'tong maleta nya dito sa taas. Jusko. kabigat!

"Ih! Tangna naman! Tulungan mo ko!" angal nya. Aba.

"Sapak gusto mo? Dami dami mong dinala tapos ngayon papatulong ka sakin. Baka gusto mong pagulungin kita sa hagdan. Magbawas ka ng gamit! yung hindi mo naman kailangan tanggalin mo!"

"Eh, Lahat kelangan ko eh." ay. Jusko.

"Ok. Suko na ako. Sa butler na lang ni Papa tayo magpapatulong mag buhat nyan."

"Yey~" hay nako. Tinawag ko na yung butler ni Papa para buhatin papunta sa sasakyan ko yung maleta ni Angela. Yung maleta ko ako na nagbuhat.

---------

"Waaaaaaah! ang ganda dito! Parang mas maganda 'to kesa sa Private Resort namin. Ay, Shet. May mga bitch este may beach. Buti na lang dinala ko yung swimsuit ko, Hoho! I'm so magaling." ang ingay nya seriously.

"Tara na! ang ingay mo!"

"Teka! yung maleta ko! Sino magbubuhat nito?"

"Manghila ka nang magbubuhat nyan! una na ako sa kwarto natin! Text ko na lang sayo kung saan kwarto natin!" sigaw ko sa kanya. Bala sya parusa nya yan. Haha.

Pagdating ko sa kwarto namin. Tinext ko agad si Angela kung anong room number namin, after ko syang itext. Inayos ko na yung mga gamit ko. Maya maya dumating na yung bruha.

"Bye kuyang pogi. Hihi! Salamat!" hala. Ang landi.

"Anong kalandian yan?" bungad na tanong ko sa kanya.

"Tse! Hindi mo ko tinulungan. Hindi tayo bati." pag iinarte nya.

"Lul! para namang matitiis mo ko." hindi nya ako pinansin pero after 5minutes kinausap na ako. Kitams?

"Uy. Alam mo ang gwapo nung lalaking tumulong sakin. Parang si kuya, pero mas gwapo si kuya syempre."

"Kaya pala ganun ka na lang magpacute kanina?" tanong ko. Nagpout naman sya.

"Grabe naman. Slight lang naman eh. haha" napailing na lang ako.

"Tara. Palit na tayo damit. Gusto ko nang mag swimming." aya nya sakin.

"Una ka na magpalit. Hanapin ko lang swimsuit ko." sabi ko sa kanya. Kinuha na nya yung swimsuit nya sa kama at pumasok na sa CR. Asan na ba ung sakin?! Alam ko nailagay ko yun dito eh.

*Hanap* *Hanap* *Hanap*

"Gotcha!" sabi ko. sakto namang labas ni Angela sa CR.

"Wow. Sisiw. HAHA!" pag aasar ko

"Pakyu. Magpalit ka na dun!" haha kinuha ko na yung red two piece swimsuit ko at nagpunta na sa CR para magpalit.

Paglabas ko ng CR kakatapos nya lang maglagay ng sunblock. Nangmapansin nya ako, hinagis nya sakin yung sunblock nya.

"Witwiw~ miss penge number."

Nagsmirk ako "Number 3"

"Tangina mo." inis sya, I won. HAHA!

"Bleh! Tara na nga." sabi ko. Tapos naman na ako maglagay ng sunblock.

Pag baba namin pinagtitinginan kami. Si Angela feel na feel maging center of attention. Hinahanap ko si kuya pero hindi ko sya makita. Inaya ko na lang muna si Angela sa VIP Cottage namin.

"Naks. bumi-VIP Cottage sila oh. Haha!" ito nanaman sya.

"Dito ka lang. Papakuha ako ng pagkain para satin." sabi ko. Nakita ko namang kuminang yung mata nya.

"Wag mong kalimutan yung Cheese ah!" napailing na lang ako. Cheese Monster.

Papunta ako sa isang Restaurant para umorder ng kakainin namin at ipa-deliver sa cottage nang biglang may lumapit saking tatlong lalaki. Mga pagewang gewang halatang mga lasing na.

"Hi Mish. Can we get your nyamber?" Shokoy1

"No, You can't" mataray kong sagot at naglakad na ulit.

"Hey! Shandali! Wag ka namang snhob. Ganda ganda mo eh." Shokoy2. Sabay haplos ng pisngi ko. Disgusting. Marahas kong hinawi yung kamay nya at tinuhod sa tiyan. Yung dalawa nyang kasama bigla akong hinawakan sa magkabilang braso.

"Let me go! Punyeta kayong mga shokoy kayo! Pag ako nakawala dito hindi na kayo makakabalik sa Resort na to!" sabi ko habang nagpupumiglas.

"Asa ka namang makakawala ka." bulong sakin ni Shokoy3. Aba gago to ah. Sinamaan ko sya ng tingin at dinuraan.

"Bastos ka ah!" akmang sasampalin ako ni Shokoy1. Pero may pumigil sa kamay nya.

"Mas bastos ka gago!" rinig kong sigaw nung lalaki at sinuntok c Shokoy1. Naramdaman kong bumitaw c Shokoy3 sa isa kong braso. Pagkakataon ko na to.

Nag smirk ako bago ko tuhurin si Shokoy2. Napaatras naman sya, pagka-atras nya sinipa ko sya sa may dibdib dahilan para mapahiga sya. Patayo na si Shokoy2 susugod na sana ako kaso may umepal, sinuntok nya si Shokoy2. Tangna last na yun eh.

"Ay. Epal." bulong ko. Mukha naman narinig ni Mr. Epal yung sinabi ko kasi napatingin sya sakin.

"Ako pa epal?" masungit nyang tanong.

"Oo. Angal? -_-"

"Oo. Ikaw na nga tinulungan ako pa epal."

"Sayo na nga yung dalawang Shokoy eh. Inagaw mo pa yung isa. Sayang yun. Hindi man lang ako nakasapak. -,-" sabi ko. Kasi naman eh!

"Haha. Mahilig ka sa action huh." duh.

"Action pala yun? Kala ko drama. Tss." sabi ko at tinalikuran ko na sya.

"Wait! Anong pangngalan mo!?" rinig kong tanong nya pero hindi ko sya sinagot. Nagutom ako bigla, bala sya. Epal sya.

A/N:

Actually binago ko sya. Dapat POV to ni Sky kaso gusto ko mysterious yung side nya. haha kaya I decided na gawing POV to ni Eve.

yung pag uusap ni Angela at Eve. Katulad ng paguusap namin ng kaibigan. haha

Pls. Vote and Comment :)

Sudden MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon