"Manang kilala niyo po ba yung mga babaeng yun?" Tumingin sa likod si Manang Lucing kung saan tinuturo ko ang dalawang babae na bumibili ng gulay.
"A sila ba? Mga ampon 'yan ni Mang Fernando, yung matandang magsasaka na nagtatrabaho sa lupain ng tito mo. Bakit natitipuhan mo ba?"
Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Manang Lucing. Nanunudyo ang mata niyang nakatingin sa'kin bago siya humalakhak. "Nako binata ka na."
"It's not that. Ano kasi manang."
"Nako 'wag ka na magpaliwanag. Normal lang iyan. Ang dalawang ampon na yan ang pinaka maganda dito sa bayan namin. Halos lahat napapatingin sa kanila. Mababait at magagalang pa na mga bata. Matatalino din sila."
Kwento ni Manang Lucing habang namimili din ng prutas. She was talking as if she knew the two girls personally, hope she talks some more.
"Pero alam mo ba? May kung anong kakaiba jan sa dalawang batang yan. Dati nga ay kumakalat na mga diwata daw sila. Parang may kung anong mahika ang meron ang magkapatid. Wala ding alam ang kahit sino sa kung saan sila nanggaling bigla na lang silang sumulpot." Nakapalumbaba si Manang Lucing habang nagkekwento. It's true though mukha silang mga fairy habang naglalakad sa palengke.
"Ano pong mga pangalan nila manang?" Tanong ko kay manang pagkatapos niyang magbayad sa mga binili niyang prutas.
"Ida at Sen." Napangiti ako sa sarili ko, ang ganda din ng pangalan nila.
Kinulit ko pa rin si manang. "'Nang sino po ang Ida at Sen sa kanila?"
"Yung babaeng mahaba ang buhok ay si Ida, ang kwento ay magaling daw ito sa syensya kaya balak i-isponsor ng mayamang kamag-anak nila para mag-aral ng medisina sa kolehiyo. Alam mo ba ang hinhin din ng batang iyan. Yun namang maikli ang buhok ay si Sen, ang galing naman niya ay sa pagsasalita, alam mo ang pamilya ng abogado sa kabilang bayan? Balak nilang isponsor ang batang iyan, di kasi katulad ng kapatid na mahinhin maingay kasi at palakaibigan."
"Manang nasobrahan naman kayo sa pagkekwento."
Hinampas ako ni manang sa kamay, "Pero nagpapantig ang mga tenga mo. Hala tara na umuwi na tayo."
I helped manang with the things we bought and led her to my car. It's my first day here sa barrio, first time ko din dito. Simula kasi ng lumipat ang lolo at tumira sa Sydney hindi na kami nakakabalik dito, only my uncle-lolo and his children got left here. They mainly stayed on their house in Manila though. Tanging si tito na lang ang nagma-manage.
We're from a family of soldiers, my ancestors were soldiers in sydney who married someone in the Philippines. So nahati ang extended family namin here and there. My other uncle scheduled a training session sa barrio, he brough the other aspiring soldiers here with us.
They call it training session but it's more of a formality. Andito kami to be disciplined. We're spoiled brats as one would say, troublemakers and playboys. Nairita na masyado mga brusko na tatay namin kaya heto. In the barrio to do manual work.
I brushed my dyed red hair out of my face while I got out of my car. 6 boys my age came to greet us and help manang on the groceries. After all, siya lang ang marunong magluto sa'ming lahat. Marunong din magluto si tito Ares, being a soldier and all, but he wanted to make us cook. Training din daw. Buti na lang naawa sa'min si manang at siya na ang nag-offer magluto.
"Tangina Helios kamusta? May nahanap kang kahit anong panglaro man lang? Nagsasawa nako sa tv." My cousin draped his arm around me. His blue eyes searching my face. I shrugged him of and continued to walk ignoring him.
"Wala akong nahanap Loki." I wiggled my eyebrows at him and urged him to come near, "But I found some hot girls in the palengke."
"I don't believe you. Manang!" He shouted for manang and left me alone at the garage. "Si Helios nagsisinungaling! 'Wag mong pakainin ng puto."
Umiling na lang ako at ipinasok ang dala ko. Bahala siya. We could've had a double date with the sisters but he bailed. I did my best.
Lumapit ako kay manang at tumulong sa kanya. Iniwan na lang kasi nila ang mga plastic at umalis agad.
"Pre di ka sasama mag iilog kami?" Loki entered the kitchen wearing nothing on his torso.
Hinampas ni manang si Loki. "Jusmeyo kang bata ka magdamit ka nga! Pupunta kang ilog na naka-borles."
Loki immediately wore his jersey sando, "Manang ito na naka bihis na. Ang OA mo manang."
"Maglalakad kayo sa gitna ng mga bahayan na naka borles? Ayusin niyo."
"Nakadamit na po oh." Loki hates clothes. He got used to cold weather kaya sobrang sensitive niya sa init. The minute he felt heat he'll immediately lose a clothing.
"Sumama ka na din sa kanila sa ilog Helios." Aya sa'kin ni manang.
Mabilis akong umiling. "Ayaw ko po manang tutulungan kita sa gawaing bahay."
"Gago anong masama ang nakain mo?" Gulat na tanong ni Loki. I ignored him and continued to help putting the things away.
"Gusto mo lang naman magtanong tungkol sa mga anak ni Fernando eh. Mas maigi pang sumama ka. Doon sila namamalagi sa ilog kasama ang tatay nila kapag uuwi si Fernando."
Mabilis kong hinalikan sa pisngi si manang, "Thank you manang. Babalik din kami."
Hila hila ko si Loki palabas ng bahay at humabol sa mga kasamahan namin. Nagulat pa'ko nung nakita si tito Ares. Nakaupo sila sa maliit na tindahan habang nag sisigarilyo si tito pati yung pinaka matanda sa'min. He's 19 na eh kami ni Loki 17 pa lang. The youngest on our group was 15.
"Tara na." Tumayo si tito at naglakad, nagpahuli kami ni Loki dahil sa ikekwento ko sa kanya.
"So totoo nga na may chicks?" I nodded.
"Oo. Sobra nagulat nga ako. Akin yung si Ida, basta mahaba ang buhok tapos sayo si Sen. Game?"
"Wow. Naririnig mo ba sarili mo?" I chuckled at him.
"It's just a summer fling Loki, nothing serious." He looked at me and sighed. I frowned at his attitude, kung makaasta kala mo hindi nakikipag-hook up.
Noticing my frown he said, "Insan. They're province girls, I don't think they're up for hook ups. Baka nga uso pa sa kanila na mangharana and such."
"We'll just flirt. Masyado ka namang seryoso."
Loki and I have followed our uncle Ares ever since we were young. Siya kasi ang pinaka cool sa kanilang magkakapatid. My dad and Loki's dad are twins, they have an oldest brother sa Italy. Dahil na din spoiled si tito Ares, he had a holier than thou attitude and became a playboy.
He's a cassanova so to speak.
And being mine and Loki's role model. We got to flirting too. Tito Ares has been very supportive about that kaya laging masama ang tingin ni mommy sa kanya. She said na kapag hindi ako nakapag asawa ng maayos ipapatakwil daw nila si tito.
I'm not afraid of not getting married. Our family had that kind of curse. Playboy din kung tawagin sila lolo and daddy but it changed nung nakita nila si lola at mommy. Maybe that will happen to us too. Kaya di din kami nag-aalala.
Nakarating na kami sa ilog kasama ang ilang mga kabataan at kaidaran namin na nakita kaming dumaan sa mga bahay nila. They invited themselves on a swim with us kaya medyo maingay din. Naghubad agad kami ng damit at tumalon sa malalim na parte ng ilog. May falls din kaso hindi na namin inakyat.
Tito Ares was glaring. He got stuck babysitting the whole 20 and below population of the barrio kaya masama ang timpla niya. Nakaupo siya sa isang bench na nakalagay dun, habang ang ilang gamit naman namin ay nasa cottage na binayaran ni tito. The neighborhood aunties brought some kakanin and ulam for us.
Hinanap ng mga mata ko yung magkapatid pero wala talaga sila dito. Nabudol ata ako ni manang ah.
Inalis ko na lang muna sa utak ko ang tungkol sa kanila at nakipag laro na lang sa mga kasama namin, hanggang sa dumating sila. Nakasabit ang kamay nila sa braso ng isang matanda at naglalakad sa kinauupuan ni tito. Mabilis na hinanap ko si Loki.
Our girls are here.
BINABASA MO ANG
Diwata
Historia CortaHelios was born to be a soldier. He's strong and tough and fighting for their country was always in their blood. Kaya langing may training silang gagawin upang mas mapalakas pa ang katawan nila. A rite of passage ika nga. Inihanda na ni Helios ang s...