"Kuya, anong nangyayari dito?!" Halos maluha-luha na ako sa nakikita ko. Siyempre nakita kong naging abo na yung tahanan pero iba yung ibig sabihin ko.
"A- ate... si Mama nasa hospital....." nanlumo ako sa narinig ko galing sa kapatid ko.
Panong.......
"Anong nangyari sakanya?" Mahina kong tanong at halos humagulgol na ako sa sobrang iyak.
Matagal bago nakasagot ang kapatid ko dahil pati na rin siya ay umiiyak. Masakit.
"Na trap po siya sa kwarto...." dun na talaga bumuhos ang lahat ng luha ko at hindi ko na maisip kung anong gagawin ko.
"Bakit nandito ka? Nasan si Jelay?" Sinubukan kong tumayo para puntahan sila sa hospital.
"Hindi na po namin nahanap si ate..." gusto kong sabunutan ang sarili ko.
Panginoon. Ano bang naging kasalanan ko sa inyo at bakit naging ganito ang sitwasyon namin? Iisipin ko pa ba tu na nangyari to dahil may maganda kang plano para saakin? Isa na po itong sumpa. Isang sumpa na panghabang-buhay na tatatak sa puso at isip ko...
"Puntahan natin sila." Hinila ko siya pero mas lalo akong naiyak dahil kahit gumalaw man lang siya ay wala.
Pailing-iling ito habang umiiyak.
"A- ayoko Luna.... Hindi ko kaya." Hagulgol nito.
Pinahid ko ang luha sa mukha ko at pilit na inaayos ang hitsura ko.
"Sige, dito ka nalang. Wag kang mag-alala babalik ako." Pinurmal kong sabi. Para naman itong batang tumango-tango lang.
Tumakbo na ako at nag para agad ng taxi para makarating agad ako sa hospital.
Pagkarating at pagkarating ko dun ay patakbo akong napatungo sa Information desk at nagtanong.
"May pasyente po ba kayong Carol Ramirez?" Mabilis kong tanong.
"Nasa ward po siya maam. Dito po" turo nito sa may kaliwang kwarto.
Nagpasalamat na ako at mabilis pa sa alas cinco ang takbo ko.
Pagkarating ko sa ward ay agad akong napalapit sa mama ko.
Napatakip nalang ako sa aking bibig ng makita ang kalagayan nito.
"M-ma? Ikaw ba yan?" Umiiyak kong tanong?
"Anak? Ikaw ba yan Luna? Nasan ka? Hawakan mo ako." Di niya ako nakikita?
Hinawakan ko naman ang kamay niya at mas lalo akong naiyak ng ngumiti lang siya.
"Ma? Ano pong nangyayari sa inyo?" Halos nanginginig na yung boses ko.
"Nagkaroon ng malaking pagsabog sa kabilang kalye at tumakbo doon sa kuryente nina aling Lira. Kaya doon nagsimula ang sunog." Mas lalo kong diniinan ang kamay ko sa bibig ko.
"Ma? Kamusta po pakiramdam niyo ma? Magagamot ka pa po ba nila?" Tanong ko rito na ikinangit niya ulit.
"Di na ako aabit sa makalawa anak. Kung makakalabas man ako sa hospital siguro sa furenarya na agad ako didiretso." Binuhos ko na naman ang lahat ng luha ko. Hindi pwede....
"Maaaa. Bakit po kayo nagsasabi ng ganyan? Hindi naman po ako natutuwa." Singhal ko dito.
"Shhhh. Wag ka nang umiyak okay? Kahit na mawala ako sa mundong to babantayin pa rin kita. Wala rin namang saysay ang buhay ko kung panghabang buhay nalang akong maging bulag." Hindi ko mapigilan ang luha ko.