Alas 8 na ako ng umaga nakauwi sa apartment ko dahil kakagising ko lang din matapos akong natulog sa opisina ng amo ko.
Paakyat na ako ng hagdan at napatakbo nalang ako ng mabilis sa nakita ko.
"Oh, eto na mga damit mo. Sawa na ako sa mga pagmamakaawa mo. Lumayas ka na sa lugar nato at bahala kana kung saan ka mapadpad." Singhal agad saakin ng landlady na sinasara ang pinto ng apartment.
"Diba po sabi ko sayo dodoblihin ko po yung bayad ko. Diba po sumang-ayon kayo? Wag naman ho kayong ganon. Alam niyo pong wala na akong mapupuntahan pa." Halos maiyak kung sabi sakanya.
Wala pa akong pero ngayon at wala din akong alam na pupuntahan. Sa kalsada talaga ang punta ko nito. Ano na gagawin ko.
"Wala tayong pinag-usapan. Umalis ka na hanggat nandito pa ako." Sigaw pa nito. Wala na akong magawa at inilagay sa maleta ko ang lahat ng damit ko.
Saan ako pupunta nito.
"Bigyan niyo naman po ako ng isang pagkakataon na bayaran kayo ulit. Sige na po." Tulad nga ng sabi niya sawa na siya sa pagmamakaawa ko pero wala na akong ibang gawin kundi ito nalang.
Kung gusto niya lumuhod ako sa harap niya ay gagawin ko talaga. Basta bigyan niya lang ako ng last chance.
"Stop it." Nahinto ako sa pag-iyak ng may narinig ako pamilyar na boses ng lalaki.
"You can't be no longer to stay here." Lumingon ako sa kanya at laking gulat ko ng makumpirma yun.
Tulog siya ng umalis ako.
"Oh, nandito naman pala yung lalake mong mala mayaman ang dating. Kahit nga magbayad ng renta ng apartment ng jowa niya hindi pa magawang bayaran." Singhal na naman ng burhang na nasa gilid ko.
Nagsalita ka pa talaga ha.
Pinanood lang namin siya lumalapit saamin habang nakapamulsa ang dalawang kamay.
Inabot niya ang kamay niya saakin para patayuin ako.
Di na ako nag alinlangang tanggapin yung dahil malamig ang sahig at nakapalda lang ako.
Nang makatayo na ako ay pinagpag ko ang palda ko. "Sir bakit po kayo nandito?" Iniwasan ko siyang tingnan dahil talagang nakakahiya na ang nangyayari ngayon.
Ang burhang naman ay nakatingin lang sakanya na parang sinusuri ang pagkatao nito.
"Sayang ka hijo. Pinatulan mo yang babaeng yan ni kahit sintimo wala yan." Grabe kung mangsira tung burhang nato pinapaiyak talaga ako.
"Say whaterver you want." Seryosong sabi nito na ikinabigla ko naman ng hawakan niya ang kamay ko. Nainitan namana ako sa kamay ko. Ganyan ba talaga sa kalamig kamay ko?
"How much is it?" Napalunok ako sa sinabi niya. Shiiittt.
"5000 pesos." Agad namang sagot nito.
Sir Ferrer chuckled.
Alam kong naliliitan siya sa sinabi nito.
May kinuha siyang black check sa bulsa ng coat niya at may sinulat doon. At iniabit niya sa burhang na babaeng to.
"Pack all your things or else I will demolish this building."
Kinuha na niya ang maleta ko at hinila ako palabas ng gusali. Naiwang nakatunganga ang burhang habang hawak-hawak ang cheque na binigay ni Sir Ferrer.
"S-sir sandali nga lang po." Sabi ko nito ng makalabas na kami.
"Kase ano..... Nagtataka ako kung bakit niyo po ginagawa to?" Naguguluhan na talaga ako.