Chapter Five

84 3 0
                                    

Buong magdamag akong umiiyak na kahit anong tahan ko sa sarili ko hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng luha ko. Minsan naisip ko na rin e na sa sugat ba talaga ako umiiyak o sa nakita ko. Para kasing nahahalata ko na talaga ang katawan ko sa anong kagustuhan niya.

"Para naman akong timang dito." Sabi ko sa sarili ko habang pinapahid ang luha ko.

Napag-isipan ko na pumunta sa banyo para maghilamos para makatulog na ako. Gigising pa naman ako ng alas 6 ng umaga samantalang ngayon ay alas 3 na. Haays. Ang dami kasing drama.

Nakapaghilamos na ako at humiga na para matulog. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng makaramdam ako ng pagka-uhaw.

Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako hindi. Baka nandyan pa si Monica at iisipin naman ang gusto niyang isipin.

Kinalimutan ko na lang na nauuhaw na ako at pumikit ng makarinig na naman ako ng katok.

Sino kaya yun?

Wala itong tigil sa pagkatok kaya naiilang akong tumayo. Bako buksan ang pinto ay nagtanong muna ako.

"Sino yan?" Matamlay kong tanong.

"Its me." Nawala yung pagkatamlay ko at umayos ng tayo.

Binuksan ko ang pinto at siya nga. Nakapamulsang nakaharap saakin na halatang wala pang tulog. Wag niyang sabihin ng dahil sakin?

"You didn't eat." Seryoso ang mapupungay nitong mga mata. Ano naman ngayon?

"Sabi ko naman po sa inyo e na hindi po ako nagu-" di ako nakatapos magsalita ng hilahin niya ako palabas.

Mahigpit siyang nakahawak sa braso na para na yatang matatanggal sa sobrang higpit. Ano ba gusto niya. Nasasaktan na ako.

"S-sir nasasaktan ho ako." Mahina kong sabi at naramdaman kong unti-unti na siyang lumuluwag ang pagkahawak niya.

"Sir. Inaantok na ho ako kailagan ko na hong matulog. Maaga pa ako bukas diba." Matamlay kong sabi sakanya habang iniiwasan ang tingin niya.

"Look at me." Mas lalong kumabog ang puso ko sa sinabi niya. "I saod look at me."

Napalunok ako bago tumingin sakanya.

And here we go again. His butterscotch eyes. Thats why Im avoiding it.

"Your hand." Sabi nito habang hindi pinuputol ang pagkandado ng aming mga mata.

Wala naman sa sariling itinaas ko ang kanang kamay ko na may sugat dahil sa nangyari kanina.

Nahihiya man ako ay ginawa ko nalang iyon.

Hinawakan niya iyon at dun ako nakahinga ng malalim ng dun siya tumingin sa kamay ko.

"This is bad." Komento nito habang magaan niyang hinahawakan ang kamay ko.

Nakaramdam ako ng pagkairita at agad na binawi ang kamay niya.

"Inaantok na po ako. Matulog na rin ho kayo." Paglalakas loob kong sabi nito.

Iniwan ko siyang nakatulala habang nakatayo sa hamba ng pintuan.
"Are you jealous?" Ano raw?

Mabilis akong napalingon sa kanya.

"Po?" Sisigurahin ko lang.

"Your heard it." Malamig na sabi nito.

Bumuntong muna ako bago magsalita.

"Bakit ko naman gagawin yun? Sa totoo nga masaya ako para sayo dahil nagkabalikan na kayo ng ex mo." Binigyan ko siya ng ngiti.

"She's already my past. Just tell me. Naging ganyan kaba dahil nagseselos ka?" Hindi ko alam kong paano ko e di discribe and emosyon niya. Parang wala naman kasing nakaukit dun. It means he's serious.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pregnant by the CEOWhere stories live. Discover now