Ikalawa

8 4 1
                                    

"Anak, tumulong tayo sa bagong kapit-bahay natin!" utos ni Papa

Kumunot naman ang noo ko.

"Pa, kausap ko si Kana!"

"Nasagot ba?" natameme naman ako

Malapit na...

"Pa naman eh,"

"Halika na, ang tagal nang walang nakatira sa bahay nila Pareng Joshua(Daddy ni Kana), magt-tatlong araw na simula nong lumipat yong bagong kapit-bahay natin diyan, sigurado magulo pa rin don. Tulungan na natin." wala sa loob kong tumayo at sumunod kay Papa

Hindi natuloy ang swimming namin kahapon, sa sobrang lakas ng ulan, tapos ngayon maputik ang daan.

Pagdating sa bahay nila Kana,

Nag-usap muna sila Papa at yong bagong kapit-bahay namin, dumungaw ako saglit sa bahay nila.

Medyo maayos na pero madami pa ring karton na nakakalat at mga gamit na di pa nalalagay, namiss ko 'tong lugar na to.

Don sa hagdan na yon, madalas kaming maglaro ni Kana.

Tapos sa tabi ng kwartong yon, madalas kaming magtagu-taguan.

'Boom, Kana!'

Masaya ako kada beses na nahahanap kita kahit sa huli ako pa rin taya, wala akong kaya sayo eh.

"Ito nga pala yong panganay ko, si Kurt..." pakilala sa akin ni Papa, nag-mano naman ako kay Tito Raffael at ngumiti.

"Gwapong bata! May anak akong babae kaso nasa taas pa, naliligo ata." sabi niya at pinatuloy na kami sa loob.

Naggala-gala ako saglit sa bahay.

Napahawak ako sa pader sa gilid ng kusina...

Tae!

Nakakamiss~

Nakalagay pa rin yong sinulat namin ni Kana na:

"Kurt love Kana"

Tapos may drawing-drawing pa namin sa pader.

"Oh, Kurt! Nandiyan ka pala, pwedeng patulong?" ani Tito Raffael

"Opo, ano po ba yon?"

"Paki-pinturahan naman itong pader na to, ang daming sulat-sulat eh..."

Biglang gumuho ang mundo ko,

"Wag Tito, halos ito na nga lang alaala namin eh" gusto ko sanang sabihin pero...

Tinanggap ko yong inaabot niyang maliit na balde at paint brush saka bumuntong hininga ng umalis na siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang pader na yon.

"Nak," hinawakan ni Papa ang braso ko. "Gusto mo ako na ang gumawa diyan?" umiling-iling ako.

Alam niya kasi kung gaano kahalaga sa akin 'tong maliliit na bakas ng mga alaala namin ni Kana.

"Kaya ko na po ito, Pa."

Inangat ko ang paint brush at itinapat ito sa mga sinulat namin ni Kana, pumikit ako nang mariin saka marahang dinikit ito sa pader.

"Weird..." napalingon ako sa nagsalita, si Lian...

"Ako? Weird?" tumayo ako at hinarap siya. Napa-guilty smile naman siya

"Hehe, napalakas ata sabi ko!" kamot sa ulo niyang sabi. at nag-peace sign.

"Sorry, haha. Kasi ba naman parang takot na takot kang pinturahan yang pader," lumapit siya sa pwesto ko at kinuha ang balde at paint brush

Tae, ang bango~

Napailing-iling ako, ang manyak ko naman don! Nang bumalik ako sa realidad, nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan niyang burahin ang mga alaala namin ni Kana gamit ang pintura, Hayys~

"Oh ba't parang nanlulumo ka diyan?" nakangising tanong ni Lian.

"By the way, ako si---"

"Lian, alam ko." pagpapatuloy ko ng sasabihin niya.

"Pano mo nalaman?" Pag babae talaga, sikat agad sa subdivision na to.

"May pakpak ang mga balita dito, kilala ka na ng mga tropa ko." tumango-tango na lang siya.

"Ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya.

"Kurt." sagot ko.

"Kurt?!!" napatakip naman ako ng tenga.

"Shocks! Sorry... so ikaw 'to?" tinuro niya yong nasa pader.

Tumango ako.

"Hala sorry!" kumuha siya ng pentel pen sa tabi-tabi.

"Gagawin mo diyan?" tanong ko, imbes na sumagot siya, binakatan niya yong mga dati naming sulat ni Kana gamit ang pentel pen.

"Woyy! Ginagawa mo?" natatawa kong sabi.

"Wag kang magulo," nagpatuloy siyang magsulat don, pinanood ko lang siya.

"Ta-da~" proud niyang sabi.

"Mahalaga yan sayo di ba? Kaya pala nakapikit ka kanina, ayaw mong tanggalin..." patango-tango niyang sabi.

"Let it remain." sabi niya.

"Pero, baka magalit Daddy mo..." sabi ko

Umiling-iling siya.

"Ako, bahala don! Haha," tinitigan niya yong sulat sa pader.

"Alam ko kasi yong meaning  ng pagpapahalaga ng mga alaala" nang marinig ko yon, tinitigan ko siya nang maigi.

Mukhang may pinagdadaanan din to sa buhay.

"Crush mo 'to no? Kana pala ha?" napangiti ako sa pang-aasar niya.


"First love ko." matapang kong sabi.

"Sus, landi mo!" dapat ma-offend ako sa sinasabi niya pero nakaramdam ako ng saya.

Kana, sabi ko hihintayin kita at wala akong balak itigil yon, pero pwedeng mag-pause muna?

Medyo nakakapagod maghintay eh.

Pwedeng subukan ko munang buksan ang puso ko sa iba?

*************************************

Alright! One short chapter done! Di ako marunong pag-POV ng lalaki eh. Hahayys~ Marupok ang ating character today, so yown, thank you for reading this chapter! God bless!

I'll Wait (A Short Story)Where stories live. Discover now