[Woii, umuulan!] - Jeric
[Tuloy pa ba?] - Aleya
[Guyss, sorry, di na ako pinayagan :( ] - Kinah
[Hala! Di na sasama si Kinah...] - Aleya
Tinigil ko muna ang pagbabasa sa GC namin at pinatay ang phone.
Ganitong-ganito yong panahon noon.
Kahit summer, umuulan nang malakas.
Nag-init ako ng tubig sabay lagay nito sa cup noodles.
"Tuloy pa ba swimming niyong magkakaklase?" tanong sakin ni Mama habang nagwawalis sa sala.
"Di ko pa po alam, Ma."
"Naku, kung ganyan ang panahon, wag na kayong tumuloy, sisipunin lang kayo, tyaka unang ulan yan oh? Di yan maganda sa katawan"
"Baka tumila pa po, mamayang alas-dies pa naman po usapan eh," binuksan ko ulit ang phone ko.
Ini-scroll ko ang messenger ko. Pinindot ko yong message box namin.
February 10, 2018
Kamusta na?Oyy, may napanood akong movie kanina, naalala kita...
Nakakamiss na...
February 14, 2018
Happy Valentines Day to all! especially to you <3
Matagal ka nang hindi nasilayan,
Ngunit nananatili sa aking isipan,
Ang mga ngiting nagbibigay kasiglahan,
Sana'y hindi ako nakalimutan.Tula ko nga pala para sayo, haha! Sana magustuhan mo. :)
Seen.
Halos kada araw siguro, mine-message ko siya.
Wala pa ring epekto.
Ini-scroll ko ito pabalik sa huling message na sinend ko sa kanya.
April 20, 2019
Uy kamusta na? Tag-init na ah?
San ka magbabakasyon?
Para akong tanga.
Kahapon lang 'tong huling message ko sa kanya.
Pero anong magagawa ko?
Kahit di siya sumagot, siya pa rin eh.
Walang araw ang lumipas na hindi ko siya inisip.
Siguro lumagpas na sa isang billion yong messages ko sa kanya, may love letter, may tula, minsan, nangangamusta lang, pag may okasyon, bigay todo. Pero sa huli, seen lang.
[Malibu Nights - LANY playing...]
Pumasok ako sa kwarto ko at umupo malapit sa may bintana at dinungaw ang dati nilang pinaninirahan na bahay.
Sa tapat ng bahay namin.
Kagayang-kagaya ng pangyayari noon, summer pero maulan.
Ang araw na pinagsisisihan ko.
Flashback: 10 years ago.
Medyo maulan pero lumabas ako ng bahay, yon siguro yong pinakaunang beses na sinuway ko ang Mama ko, simula nang magkaisip ako.
Pumunta ako sa katapat na bahay namin, sa bahay ni Kana.
Nagbubuhat ng mga gamit yong Daddy niya mula sa bahay nila palipat sa sasakyan nila.
Pumasok ako sa bahay nila gaya ng dati.
"Kana," naabutan pa kitang nagbubuhat ng karton na maliit, tinulungan pa kita, haha.
Pinagsisihan kong tinulungan pa kita, dapat ako yong unang pumigil sa pag-alis niyo eh.
Di ko kasi alam, huli na pala yon.
Nginitian mo ako, tae! Kinilig ako non. Tinamaan talaga ako sayo, kahit pa sabihin pa nilang bata pa ako para maintindihan ang pag-ibig.
"Thank you, Kurt!" tandang-tanda ko kung paano mo sinabi yan, umasta naman ako na para bang kayang-kaya kong buhatin yong karton, pero sa huli, kinuha siya ni Papa sa akin, para sunduin ako pero dahil ayaw ko pang umuwi, napilitan siyang tulungan ang kapit-bahay namin na paalis.
Binigyan mo ako ng laruan, yong paborito mong Barbie Doll, hindi ako mahilig sa Barbie pero tinanggap ko yon, galing sayo eh.
"San kayo pupunta?" tanong ko.
"Sa Cavite, don kami muna sabi ni Daddy..."
"Ahh, bakasyon din? Kami din aalis papuntang probinsya pero di pa ngayon..." akala mo naman, totoo yong mga sinasabi ko non.
"Matagal daw kami don eh!" sabi niya.
"Pero magkikita pa rin naman tayo, di ba?" tanong ko tapos tumango-tango ka pa non. Yon pala, it's a prank!
Asan ka na?
Sabi ko, Maghihintay ako.
Sinabi ko yong English words na alam ko lang non,
"I'll wait." tapos tinuruan mo pa ako ng japanese non.
Machimasu...
Machimasu...
Nong oras ng pag-alis niyo.
Kumaway-kaway ka pa sakin, nakangiti naman akong nakaway pabalik sayo.
Machimasu~
End of flashback.
Sabi nong iba, bakit ko pinanghahawakan masyado yong mga alaalang yon eh bata pa ako non?
Bakit patuloy akong naghihintay sa babaeng tila di ayaw na akong bigyan ng papel sa buhay niya?
Ang sagot ko lang, naghihintay kasi ako.
Promise ko sa kanya yon eh.
Habang nakadungaw sa bintana nila, nakita ko si Lian, yong bagong kapitbahay namin, nakatira na sila sa dating bahay nila Kana.
Ibinalik ko ang tingin ko sa message box namin ni Kana.
April 21, 2020
Nakatingin ako sa dating bahay niyo, may bagong nang nakatira don pero di pa rin ako nakakalimot.Okay lang kahit di ka pa sumagot sa mga message ko, maghihintay lang ako.
Ako si Kurt Isaac Ponticeano, 18, nakatira sa Sta. Rosa, Laguna. Isa akong incoming Grade 12 HUMSS student, kilala siguro ako bilang masigla, maloko, mabait, pala-kaibigan, maka-Diyos na tao, at syempre gwapo! Halos perpekto na di ba? Joke!
Siguro, bahala na silang mag-describe sa akin. Bukod sa pagiging piloto, pangarap kong maging kami ni Kana Kireina, kababata ko na hinding-hindi ko makalimutan, di ko mabitawan eh.
Iyon ang dahilan kung bakit siguro nagsimula ang istoryang ito kasi naghihintay ako.
*************************************
This'll be a short story, with less than 20 chapters I guess? And it's a story based on real life experience of a guy friend, nakaka-inspire pero di rin ako maka-relate, lah. So yon lang, salamats sa pagbasa!
YOU ARE READING
I'll Wait (A Short Story)
Storie d'amore"I told her, I'll wait. And I did." Kurt Isaac Potenceano, he's that guy any girl would fell in love with. but little did everyone know he's a hopeless romantic. Foolishly waiting for a girl, winning her over. But then one day, his first love shows...