"Swimming!" tumalon si Jeric sa pool.
"Woii, kadiri ka! Di ka pa nagbabanlaw!" saway ni Aleya
"Bakit? Mamaya naman iihi ka din dito!" balik ni Jeric
"Ooh!"
"Burn!" panggagaspang ng mga boys.
"Kadiri tong mga to! Di na nga ako mags-swimming!" inis na sabi ni Aleya dala-dala ang mga snacks namin at pumunta sa cottage
"Luh? Tampo agad?" sabi ni Jeric at umahon saglit.
"Gaspang mo kasi pre!" sabi ko.
Nakita ko si Kinah na nagbubuhat ng kaldero, lumapit agad ako at kinuha ito sa kanya.
"Naks! Salamat!" sabi niya
"Dapat kasi lalaki nagbubuhat nito." sabi ko at sabay kaming naglakad papuntang cottage.
"Lanja naman mga lalaking kaklase natin eh, mga bakla ata." reklamo niya, pano nga naman kasi, panay babae ang nagbubuhat
Hay nakuu~
"Madami pa bang gamit sa trike?" tanong ko.
Umiling-iling siya.
"Uyy videoke!" sabi ni Mandy at kinuha yong songbook.
Nasa bilang na 34 ata kami ngayon. 7 ang hindi sumama sa swimming, pati adviser namin di nakasama, nasa public pool lang kami ngayon pero malaki at malawak.
Nauna nang mag-swimming agad yong mga lalaki tapos yong mga babae, may pag-sunblock pa, yong iba nagbihis pa, yong iba nag-pictorial pa, yong iba nakain ng snacks.
Ako naman nagc-cellphone lang muna, ayoko pang mag-swimming, pag medyo makulimlim na siguro.
"Ba't di ka pa nags-swimming?" tanong ni Gerissa at tumabi sakin saka inabutan ako ng chips, kumuha ako ng onti.
"Ahh, mainit pa kasi..."
"Sus, maputi ka naman ah? Babalik agad yang kulay mo kahit masunog ka ngayon" sabi niya
"Ene kese, sensitive ang skin ko kaya..." biro ko.
"Edi ikaw na may braces!" sabi niya, tumingin ako sa paligid nang makita ko si Lian na papasok din ng gate ng resort. Eh?
Nandito din siya? Kasama niya ang Daddy niya tyaka mga kamag-anak siguro?
"Lian?" sambit ko.
"Huh?" tanong ni Gerissa
"W-wala! May pupuntahan lang ako ah?" sabi ko at tumayo papunta kila Lian.
Nagmano muna ako kay Tito Raffael
"Good morning po!" bati ko at lumapit kay Lian, binuhat ko yong basket na dala niya, halata namang nagulat siya
"Oh? Nandito ka rin?!" sabi niya habang nakangiti.
"Hindi, wala, wala ako..." pang-asar ko, sinamaan niya ako ng tingin.
"Joke lang!" sabi ko.
"San cottage niyo?" tanong ko.
"Di ko pa alam eh, sundan ko na lang si Daddy ako na bahala diyan" aabutin niya na sana yong basket na hawak ko nang iniwas ko ito.
"Uyy~"
"Yan ba yon, Kurt?"
"Yiee~" pang-asar nila.
Ngayon ko lang napansin, pinapanood pala kami ng mga kaklase ko.
Siraulo talaga tong mga to.
"Ako na kasi~" sabi ni Lian, siguro nahiya sa mga kaklase ko.
"Nagseselos si Gerissa uyy!" sigaw ni Annie, kaklase ko rin.
YOU ARE READING
I'll Wait (A Short Story)
Romance"I told her, I'll wait. And I did." Kurt Isaac Potenceano, he's that guy any girl would fell in love with. but little did everyone know he's a hopeless romantic. Foolishly waiting for a girl, winning her over. But then one day, his first love shows...