1st

30 10 0
                                    


Unang kabanata



"Antagal mo Delilah, 30 minutes ka nang late."



Iyan ang narinig ko kay Dianne nang makarating ako sa lugar ng practice namin. Sayaw kasi namin ngayon para sa isang partikular na subject kaya kailangan naming gawin ito.



"Pasensya na, inasikaso ko kasi yung science club kanina," i reasoned out to her, siya kasi ang leader dito kaya mahirap nang matanggal. "Hindi na mauulit."



"Bakit ba kasi ako naging leader eh dapat ikaw naman yon," naiinis na sabi nito. Napilitan siyang maging leader ng grupong ito dahil sabi ni Sir lagi na lang daw ako ang sumasalo ng gawaing leader. "Ikaw ang mas magaling, dapat ikaw ang nasa pwesto ko."




"Hayaan mo namang magpahinga si Delilah," singit ni Mercy, groupmate namin. "Wag na nating dagdagan pa yung responsibilities niya dito sa school."



"Okay lang naman sa akin kahit ano," I said, smiling. "Basta everyone has their own cooperation."



"Naks, dinugo ilong ko." Saad ni Dianne na ikinatawa naman namin. Nagsimula na kaming mag-practice ng at least 2 hours. At saktong 11:30, natapos kami sa practice kaya naman nagkanya-kanya na kami papunta sa school. Dumiretso ako sa room ng science club dahil may hindi pa ako natapos na gawin doon.



"Delilaaah!" halos mapabalikwas ako ng makalabas ako sa science room at doon ko nakita si Chescka, kaibigan ko.



"Ano ka ba! Ang lakas ng boses mo!" Suway ko rito na ikinanguso naman niya.



"Sorry," she pouted again. "Nakita ko kasi sa school newspaper ang pangalan mo, grabe nanalo ka na naman pala!" sabi nito sabay bigay sa akin ng school newspaper. Tinignan ko ito.



HEADLINE:

'Delilah strikes again as she won the first ever Science olympiad in NCR!'



Nagbasa pa ako ng kaunti at nakita ko doon ang ilang detalye sa aking pagsali. Tuwang tuwa naman si Chescka ng marinig ang balitang 'yon lalo na't paglabas namin, nagkalat na pala ang balita at mayroon pang tarpaulin na nakalagay ang pangalan ko.



'WE ARE SO PROUD OF YOU, DELILAH MARIE LAZARO!'



"Grabe, super sikat ka na talaga," Chescka said without looking at me. "Hays, baka makalimutan mo na ako kapag umasenso ka na ng bonggalarium."



"Senior high pa lang tayo," i chuckled. "Madami pang mangyayari kaya huwag kang masyadong mag-alala, okay?" She nodded.



Nakangiti kaming pumasok sa room dahil kaliwa't kanan ang bumabati sa amin, lalo na sa akin. Hindi ko lubos akalaing ganito kakalat ang balita lalo na't wala naman sila noong lumaban ako sa competition.



"Lazaro," tawag sa akin ni ma'am Dancel habang naglilinis kami ng kuwarto. Siya na kasi ang last subject namin at natapos na ito, kaya binabantayan na lang niya kami hanggang sa matapos kaming maglinis. "Can i talk to you for a while?"



"Opo naman ma'am," i said as i stopped mopping. "Saan po ba?"



"Kahit dito lang sa labas ng room." She said so i nodded.



"Uhm," panimula ni ma'am, kaya medyo kinakabahan ako. "Ikaw kasi ang napili ng isang reporter para sa new project nila, running for valedictorian ka saka nanalo sa sa science olympiad last week kaya gusto ka nilang mainterview."



Agad akong napangiti. "Talaga po ma'am?" I asked so she nodded. "Kailan po ba?"



"Actually nagdedemand sila na ngayon na sila mag interview, kaso sabi ng principal bukas nalang," She said. "Okay lang ba sayo bukas? Exempted ka naman sa lahat ng gawain bukas kung sakali."



"Opo ma'am! Pwedeng pwede po ako bukas!" I said, smiling. Sobrang saya ko sa natanggap kong balita, kaya kahit paguwi ko sa bahay, nakangiti ako.



"Oh, sobrang saya mo yata 'nak," bungad sa akin ni mama. "May nangyari ba?"


"Ma," lumapit ako rito saka hinawakan ang kamay niya. "Makikita niyo po ako sa tv bukas. Maiinterview po ako!"



"Talaga?!" Gulat sa saya nitong tugon. "Naku! Kailangan maganda ka bukas!" We chuckled. Tinawag naman niya si Papa para sabihin ang magandang balita at natuwa rin ito. Sabay sabay na kaming kumain at umakyat na ako sa kwarto ko para makatulog ng mahimbing.



"Good morning, Ms. Lazaro, we are the PCR STUDIOS and we are here to interview you as a succeeding student." Iyan ang una kong narinig habang kami ay nakaupo at hinihintay na magbukas ang camera para sa interview na gaganapin. Kitang kita ko sa labas ang mga nagaabang na mga estudyante na may ngiti sa kanilang mga mukha, halatang naeexcite sa gaganaping intwrview.



Pagkatapos ng sandling iyon, nagsimula na ang interview sa akin. Hindi naman mahirap ang mga tanong nila, dahil tungkol naman ito sa nangyaring kompetisyon. They also asked me about how to be a succeeding student at a very young age.



"Sa totoo lang po, wala naman po talagang formula sa pagiging mabuting estudyante," panimula ko. "As long as you do your job as a student and be responsible for it, success will chase you."



The reporter shook my hand before leaving. Nakangiti akong lumabas sa kuwarto kung saan pinanggalingan ng interviews at tumambad sa akin sa napakaraming estudyante.



"Grabe, ang galing mo talaga." Anang isang babaeng estudyante.



"Walang makakatalo sayo," Sabat naman ng lalambuting lalaki na may salamin.



"Sana all, katulad mo." Saad naman ng isa pang estudyante dahilan para magsigawan sila at magpalakpakan.



"SANA ALL!"



Sigaw nila dahilan para matawa ako. Kasunod nito ang sunod sunod na mga palakpak.



My Success,



"Sana all like Delilah!"



My fame,



"How to be you po?"



My family,



My happiness,



"I am so proud of you!" Sigaw ni Chescka.



My friend,


Is nothing but delusions.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Dreams of ObsessionWhere stories live. Discover now