3rd

15 3 0
                                    

Ang ikatlong kabanata



"Are you sure you're alright?"



Dinig ko pang tanong ng lalaking sa harap ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, dahil nakita ko na ang hinahanap ko. Kapwa naghuhurumentado ang aking sistema ngunit kalakip nito ang sayang nadarama. Nakasagot naman ako kanina ngunit natulala na naman ako sa kanyang sunod na tanong.



He waved his hands again to my face, pansin niyang nakatulala lang ako sa gwapo niyang mukha. Hindi ko alintana ang hiya, dahil ito ang dahilan ng lahat. Siya ang dahilan ng lahat.



"Uy, tinatanong ka," bumalik ang ulirat ko nang kurutin ako ng bahagya ni Chescka. Kung kanina ay hindi ko alam ang salitang hiya, ngayon ay biglang namula ako sa aking ginawa.

"O-okay lang ako," i kept a smile, making his worried face flew away. "Basa lang naman ito, malalabhan ko ito."



"Tsk," biglang nainis ang lalaki sabay kamot sa batok. "Let me bring you to your home na lang."


Agad akong umiling. "N-naku wag na! hindi naman uhmp!--"



"Sige po!" tinakpan ako ni Chescka sa bibig. "Para naman mabayaran mo siya sa ginawa mo, hmp!" Sabi nito kaya agad kong tinanggal ang kanyang kamay na nakatakip sa akin.



"Chescka!" Suway ko rito saka binigyan ng sinserong ngiti ang lalaki. "Pasensya ka na, ganito lang talaga ang kaibigan ko."



Naiiling na tumatawa ang lalaki dahilan para mas lalong mag-init ang aking pisngi. "It's okay. Besides, it's my fault so it's my pleasure to drive you home," Nakangiting aniya saka binuksan ang pintuan sa back seat. Iginiya niya ako papasok rito kaya wala akong magawa kung hindi pumasok na lang.



Ang buong akala ko ay dito din sa backseat ipupwesto si Chescka ngunit laking gulat ko nang pagbuksan ito sa front seat. Kaunting selos ang namuo sa aking dibdib ngunit kailangan ko itong iwaksi kaagad, dahil kaibigan ko siya sa mundong ito.



Pasalamat ka, Chescka dahil kaibigan kita.



Hindi nagtagal, pumasok na rin ang lalaki sa loob ng sasakyan saka nagtanong kay Chescka sa daan papauwi. Magkapit bahay kami kaya siya ang tinatanong nito dahilan para nawalan ako ng chance makausap siya. Muling bumalik ang selos sa aking dibdib at nagsimulang ikuyom ang aking palad sa inis.



Don't you dare to steal my man, Chescka. I can do anything just to make yourself shut.



"I guess we're here na," sabi ng lalaki nang matigil siya sa harap ng subdivision namin. "I really am so sorry for what happened."



Ngumiti ako rito. "Okay lang talaga. Dapat hindi mo na kami hinatid." Mabuti at hinatid mo kami.



"Tara na Delilah," ani Chescka nang makalabas ito. "Hahanapin ka na ni tita niyan."


"So your name is Delilah huh?" Tanong nito kaya tumango ako. Inilahad nito ang kanyang kamay sabay sabing, "Nice name. I'm Solomon by the way. But you can call me Sol." Pagpapakilala niya kaya kinikilig kong tinanggap ang kanyang kamay pagkatapos no'n ay lumabas na rin ako at tumungo ng bahay.



Kasalakuyan akong nakahiga na sa aking kama ngunit hindi pa rin maalis ang lalaking nagngangalang Solomon. Lubos akong nagpapasalamat dahil nakilala ko siya agad, na akala ko ay tatagal pa ng ilang araw bago ko siya makita.



I am now declaring that i am the woman of that handsome guy named Solomon, and no one could steal him away from me because he is mine.



Dreams of ObsessionWhere stories live. Discover now