4th

8 3 0
                                    


Ang ikaapat na kabanata

"Ano ka ba, dapat hindi mo na ako hinatid. Kaya ko namang maglakad."


Nakangiting sabi ko kay Solomon nang inihatid niya ako pauwi matapos naming kumain ng kwek-kwek. Alam kong gagawin niya 'yon, ngunit hindi ko alam na nakakakilig ang ganito.


"It's nothing," he chuckled. "So, una na ako?"


Ano ba 'yan, gusto ko pang mag-usap kami ng matagal pero hahayaan ko ang araw na ito tutal, biglaan lang naman ang pagkikita namin. Tumango ako sa kanya kaya pumasok na ito sa kanyang kotse saka tuluyang umalis. Masaya akong umuwi sa bahay at naging masarap at mahimbing ang aking pagtulog.


"Uy," tawag sa akin ni Chescka nang makapasok kami sa classroom. Isang araw na ang lumipas simula nang magkita kami ni Solomon at hinihintay ang sinasabi niyang paglibre sa akin pabalik. "Narinig mo na ba ang balita?" Tanong nito.


"Alin?" I asked innocently. Anong balita?


"May isang babae dito sa school na nagpapagaling dahil daw sa trauma na nangyari sa kanya dito," she explained. "Ang balita ko, sinaktan siya at nakitang may sugat ang singit. Sino kaya ang gumawa no'n, noh? Ang sama naman niya."


Hindi ako nagbigay nang anumang reaksyon para hindi mahalata ni Chescka ang totoo kahit na kumalabog ang sistema ko sa aking narinig. Hindi dapat malaman ito ng sinuman at kapag nabalitaan ko lang na ikinalat ito ng babaeng 'yon, papatayin ko siya. Hindi dapat masayang ang plano ko dahil lang sa chismosang hindot na iyon.


Hindi na rin umimik si Chescka dahil pumasok na ang una naming guro. Matama parin akong nakinig sa itinuturo sa kabila ng akong narinig.


"May practice ka ulit?" Tanong ko rito kay Chescka nang matapos ang klase namin. Tumango ito saka sinabing mauna na ako. Hindi naman na ako umangal pa at nagsimula nang maglakad papauwi.


Habang naglalakad ako, laki kong gulat nang biglang may humarang na kotse at iniluwal nito ang lalaking hinihintay ko.


Si Solomon.


"Sabi ko sayo ililibre kita diba?" Tanong nito nang nakangiti. "Hop in." Sabi nito kaya wala na akong pinalampas pa at sumakay sa kanya.


Nakarating kami sa isang mamahaling restaurant. Magtatanong ang aking mga mata nang ipukol ko ito kay Solomon ngunit nagkibit balikat lang ito. Saka ko lang nalaman na dito pala kami kakain.


"Anong gusto mo? Order ka lang." Galanteng sabi nito nang makaupo kami sa pinakamagandang pwesto. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon at inorder ko ang pinakamahal na pagkain dito. Tumango naman siya at sinabing iyon ang order ko.


"Grabe," namamanghang sabi ko kay Solomon. "Ang yaman mo pala."


Hindi nakasagot agad si Solomon dahil dumating na ang pagkaing inorder namin. Hindi naman ako humihingi ng sagot dahil mukhang sa kinakain ko palang na libre niya, sagot na iyon para sa akin.


"I owned this restaurant," he just shrugged. Nasamid ako bigla sa narinig niya.


Totoo nga palang sa mundong ito makokontrol mo ang lahat. At si Solomon ang kontrolado ko. Mayaman, guwapo't matipuno. Mga katangiang matagal ko nang pinapangarap at ngayon, malapit nang mapasaakin.


Ilang saglit pa at naubos na ang aming kinain, kasama na ang dessert na ka-package ng pagkain, ay umuwi na kami. Hindi ko alam na ganito pala kasaya ang maka-date ang matagal mo nang inaasam na lalaki.


"Nakabayad na ako, ah?" Ngisi nito. "Pero kung ililibre mo ako ulit, may bayad 'yon."


Oo naman, Solomon. Gagawin ko ang lahat, mabaliw ka lang sa akin katulad ko.


Kinabukasan, nagulat ako nang nandito si Solomon sa tapat ng gate. Nang makita niya ako, sinalubong niya ako ng may ngiti.


"Hello!" He greeted so i greeted him back. "Andyan ba yung kaibigan mong si Chescka?"


Kumunot ang noo ko. Bakit niya hinahanap ang lintang 'yon? Nakakainis!


"Naiwan niya kasi ang jacket niya noong isang araw, nakalimutan kong isau-- Ay andito na pala siya! Chescka!"


Nilagpasan niya ako dahil sa pagdating ni Chescka sa likod ko. Nakita ko ang gulat ni Chescka ngunit napawi iyon ng tawa nang magsimulang mag-usap ang dalawa. Ikinuyom ko ang palad ko sa nangyayari. Hindi ko alam na may lumalandi pala sa teritoryo ko.


AT ANG MISMONG KAIBIGAN KO PA!


Pero palalagpasin ko muna ang araw na ito tutal, mas lamang ako sa kanya. Maaring may katangahang ginawa ang lintang iyo kaya kinailangan niya ang tulong ni Solomon.


"Delilah!" Tawag sa akin ni Chescka. "Pwedeng absent muna tayo sa 1st hanggang 3rd class natin? Iniinvite kasi tayo ni Solomon!" She gigled. I hide my bursting anger from her and just smiled and nodded at her. Bumaba ng kaunti ang nararamdamang kong galit nang narinig ko na iniinvite kami ni Solomon. Ibig sabihin, hindi nakonsensiya ang sinuman sa kanilang dalawa na isama ako sa landian nila dahil mahal ako ni Solomon.,


MAHAL NIYA AKO KAYA PAPATAYIN KO ANG AHAS NA HAHADLANG SA AMIN!







At dumating na ang araw na pinakahinihintay ko. Kasalukuyan kaming nasa isang sulok ni Chescka dito sa eskwelahan na kung saan walang makakakita sa amin. Dinala ko siya rito dahil sinabi kong may regalo ako sa kanya. Kumagat naman ang sira ulo.


"Nasaan ang regalo mo sa akin?" Nakangiting tanong nito ngunit isang malamig na tingin ang aking binigay. Lumapit ako rito saka siya sinakal ng pagkahigpit higpit.


"Ito, ito ang regalo ko sayo, tangina ka," sinakal ko pa siya nang higit saka tinutok ang kutsilyo na kanina ko pa tinatago.


"A-anong ibig m--- AHHH!" Hindi na ito natuloy sa sinasabi niya dahil sinaksak ko ito malapit sa kanyang kaliwang dibdib, malapit sa kanyang puso.


"Inagaw mong linta ka ang teritoryo ko!" Nanggagalaiti kong sabi saka dinuraan. "GAGO KA!"


"H-hindi ko siya-- AHHH!" Napasigaw ulit nang saksakin ko ang kanyang leeg saka binunot ito.


"Sinungaling! At sino ang maniniwala sa'yong linta ka?! Ha?!"


"S-siya," naghihingalong sabi niya. "S-siya ang n-nawawala k-kong k-kapatid." Anito saka tuluyang nawalan ng hininga.

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Uwu__

Dreams of ObsessionWhere stories live. Discover now