2nd

22 9 0
                                    


Ikalawang kabanata


"Melissa, big letter ang dominant, small letter naman ang recessive. Nakalimutan mo na ba?"



I am now tutoring Melissa, my blockmate during break. May papalapit na kasi kaming exam sa biology 1 hour after nito kaya naman nagpapatulong na siya.



Napatingin naman ito sa notebook niya, "tsk, oo nga pala," she tsked saka tumingin sa akin. "Salamat ha, buti may tumutulong sa akin tuwing mayroong bio exams."



"Wala 'yon," i chuckled saka nagpaalam sa kanya na lalabas muna ako para pumunta ng cafeteria.



Pagkababa ko, hindi ko maiwasang mailang dahil sa mga taong ngumingiti. As usual, lagi akong binabati ng mga tao dito, schoolmates man o teachers.



Dumiretso na ako sa cafeteria. Usually kasama ko dito si Chescka pero dahil mag klase ito ng maaga at naurong ang schedule ng break niya, mag-isa kong tinungo 'yon.



"C-3 po ate," i ordered to the counter, smiling.



Akmang ibibigay na niya sa akin ang order nang matigilan ito. "Teka, diba ikaw si Delilah?" She asked so i nodded. "Grabe, kalat na kalat ang balitang ikaw ang nakatalo kay Ty, sobrang talino noon. Naku, sana pati yung anak ko katulad mo rin."



Si Desiree Ty ang isa sa mga tinitingalang estudyante dito sa eskuwelahan. Pero dahil lumipat siya ng ibang bansa, hindi na siya masyadong nakakalaban sa mga kompetisyon dito sa pilipinas. Not until the day when i won in NCR science competition, sumali talaga siya kahit isa siyang overseas. Naging kasunod ko siya n'on, 1st place.



"Salamat po ate," i smiled awkwardly sabay kuha ng inorder kong pagkain saka umalis na. Hindi kasi talaga ako sanay sa mga ganoon.



Umupo na ako sa isang bakanteng upuan saka nagsimulang kumain. Tahimik akong ngumunguya ng pagkain nang bigla akong makarinig ng sigawan at isang sampal.



"Ang kapal ng mukha mong sabihin akong retokada!" Sigaw ng isang babae habang sinasabunutan niya ang isang babae. Kita ko naman sa gilid niya ang dalawa pang babae at isang lalaki na mukhang lalambutin habang tinatawanan ang babaeng sinasabunutan.



"H-hindi talaga a-ako y-yun," nagmamakaawa ang boses ng babaeng sinasabunutan. Bakas rito ang takot at pangangaralgal. Agad akong tumayo para pigilan sila.



"Sinungaling! Hindi mo--" Akma na niya sanang sasamapalin ulit ito nang pumagitna na ako at iniharang ang mukha ko dahilan para ako ang masampal.



Nakita ko na nagulat ang baabe sa ginawa niya ngunit nabawi agad ito. "At sino ka naman para pumagitna dito ha?! How dare you!"



"At sino ka naman para mang-api, hmm?" I sound so cold. She gave me a blood shot but i just shrugged. "You and your bare hands do not have any evidence, which means you are not authorized to hurt somebody. I guess, napagaralan mo yan kahit papaano."



Napabuga ito sa inis. But i stayed calm, kahit na pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. "Wala kang karapatan na pagsabihan ako kung ano man ang gusto kong gawin, you are not my parent!"



"Tama ka, i am neither your parent or guardian. And if that's the case, wala ka ring karapatan para saktan ang babaeng ito. She's not your parent."



Agad na niya sana akong sasampalin nang pinigilan ko ito ng kaliwang kamay ko. "You hurt me once, but not this time lady. I have no time for second round, may klase pa kasi ako. Now go back and don't you dare to hurt this woman again dahil ang eskwelahang ito ang kakantiin mo." I slight whispered with a dangerous tone para matakot siya. Agad naman niyang binitawan ang kamay nito saka umalis kasama ng mga alipores niya.



Pagkatapos n'on ay binalingan ko naman ang babaeng sinampal. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Dadalhin kita sa clinic dali." Sabi ko habang inaalalayan siyang tumayo saka dumiretso ng clinic.



"Salamat. Tatanawin ko itong malaking utang na loob," nakapangalumbabang saad nito habang papalabas na kami ng clinic. Wala naman siyang mga galos o sugat, kaya pinabalik na kami.



"Wala 'yon," i gave her a assuring smile. "By the way, sino ba sila? Bakit ka nila sinasaktan?"



She frowned. "Akala kasi ni Samantha kinalat ko daw ang balitang retokada siya kahit hindi naman totoo. Nagulat na lang ako isang araw ako na ang may kasalanan."



"Tsk, bullies," i said angrily. Hindi talaga nauubos ang mga nambubulas, kahit ano pang gawin mong adbokasiya. "Simula ngayon, hangga't wala ako para tulungan ka, lumaban ka. Tulungan mo ang sarili mo. Hindi porket ikaw ang inaapi dapat mananahimik ka na lang. Okay?" Sabi mo rito na ikinatango naman niya.



"Teka," pahabol na sabi nito nang makalayo na ako ng kaunti sa kanya. "Alam kong ikaw si Delilah dahil sa balita. Ako si Kimberly. Salamat ulit ha." She is now waving her hand saka tuluyang umalis. Napangiti ako sa iiling iling na naglakad papunta sa room.



Pagkatapos n'on, maayos naman akong nakaakyat sa klase. Nagsimula na rin ang exam sa biology kaya nag-concentrate na muna ako dito. Napansin kong hindi naman pala mahirap ang exam, dahil napagaralan ko ito kagabi kaya malaki ang kumpiyansa kong makakapasa ako rito.



"HAAAAY! Sa wakas natapos rin!" Uunat unat na sabi ni Chescka nang matapos itong makapag-exam sa culinary. Kung ako, HUMSS ang kinuha ko, siya naman, Culinary arts.




Kasalukuyan na naming binabaybay ang lugar papalabas ng school dahil uwian na rin. Lagi kong kasabay si Chescka kapag umuuwi.



Ilang sandali pa at nakalabas na kami ng school. Napansin naming umuulan kaya binuksan naming dalawa ang mga payong namin. Huminto muna kami sa isang tindahan dahil may bibilhin itong si Chescka at para makasilong na rin. Dumistansya muna ako saglit dahil sa dami ng taong bumibili.



Ilang sandali pa at may humarurot na sasakyan, dahilan para mabasa at madumihan ako. Bigla naman napahinto ang sasakyan para tignan ako.



"Miss," tawag nito sa akin ngunit hindi pa rin ako tumitingin dahil pinapagpag ko ang aking basang damit dahil namantsahan ito ng putik at dumi. "Okay ka lang ba?" Pagkatankng niya ay lumapit ito sa akin at sinuong ang ulan.



"Okay lang......." Pahina ng pahina ang aking sasabihin nang matigilan ako sa aking nakitang lalaki na nasa harapan ko.



S-siya na b-ba 'yon?



"Sigurado ka, miss?" Tanong nito na mas nakapagpatigil sa akin.



S-siya nga...



"Uy, okay ka lang? Anong nangyari--" narinig ko ang tinig ni Chescka ngunit natigilan rin ito sa nakita. "S-sayo?"



Siya nga, Delilah, siya nga....



Nakita ko pang kumaway-kaway ang lalaking nasa harapan ko. "Miss? Miss?"



Siya ang dahilan kung bakit ako andito....



"O-okay lang ako."



Siya ang dahilan kung bakit ako...



Nababaliw.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Uwu__

Dreams of ObsessionWhere stories live. Discover now