Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo
Kaya sana matyagaing basahin mo ito
Dahil dito ko na sasabihin lahat ng hinanaing ko
Kaya sana intindihin mo
Sa dinami-rami ng tulang sinulat ko na patungkol sayo
Dalawa nalang ang natira't nasalba ko
Nakakapanghinyang dahil iginugol ko lahat ng oras ko sa pagsulat sa mga tulang yun
Ngunit sa isang iglap ay nawala't nabura sa hindi inaasahang panahon.
Gusto kong umiyak ng mga sandaling yun
Ngunit ano nga ba ang magagawa ng mga luha ko para bumalik ang mga tulang yun.
Wala, kaya inisip ko na siguro yun na ang sinyales na dapat na kitang kalimutan
Dahil kahit anong gawin kong paghabol sayo alam kong hindi na kita kailanma'y maaabutan.
Lahat ng sinulat kong tula ay isa lamang kabanata na nangyari at gusto kong mangyari sa buhay ko
Ngunit lahat ng yun ay nawala sa isa lamang sigundo
At ang dalawang yun, yun siguro ang palatandaan na naging parte ka rin ng buhay ko
At magsisilbing aral sa mga susunod pang tula na gagawin ko
Sa huling tulang gagawin ko para sayo
Gusto kong magpasalamat sa lahat ng ginawa mo
Sa lahat ng ibinigay mong saya at kilig
Pati na rin sa lungkot at sakit na hatid ng pag-ibig.
Nagdesisyon na ang tadhana
Ikaw at ako ay kailanma'y di itinadhana
Kaya dapat ko ng tanggapin ang katotohanan
Na ang minahal mo ay ang aking kaibigan
Marami mang tula ang nawala
Nakakapanghinayang ngunit wala na akong magagawa
Hindi lahat ng tulang gagawin ko ay patungkol lagi sayo
Kaya ito na ang magiging huling tula na isusulat ko para sayo
Mahirap man dahil nasanay akong ikaw ang laging paksa sa lahat ng naging tula ko
Mahirap man dahil ikaw lang ang kaya kong bigyan ng kahulugan at ritmo sa lahat ng tulang ginawa ko
Mahirap man dahil hindi ko kayang sumulat ng ibang paksa maliban sayo
Ngunit kakayanin ko dahil hindi palaging ikaw ang bubuo ng tulang gagawin ko.
Kaya bago ko tapusin ang lahat
Gusto ko lang ulit magpasalamat
Dahil sa saya at kilig na dulot ng aking pagmamahal
Na naging dahilan ng aking kasakitan ngunit sa huli ay nagsilbing aral.
At ngayon ito na ang huling saknong sa magiging huling tula na para sayo
Dito ko na tatapusin ang nasimulan at magsisimula muli ng tulang kwentong panibago
At sa pagtatapos ng tulang kwentong ito ay ito na rin ang pagtatapos ng nararamdaman ko para sayo
Kaya salamat at dahil sayo naging makata ako at ito na ang huling tula na gagawin ko para sayo.***
I wrote this way back 2017. I saw this on my draft and I also dreamed a couple of nights (I guess) ago the guy who's obviously the subject of this piece. Kaya naisip kong ishare ito dito since I didn't post it before in any social media acc that I have. And yes, this is my last poem for him because I have crushes again on a different guys, so yeah. Alams na. Hahaha.