-Two-
D.V's P.O.V
Hayyy. Salamat at tapos na ang klase namin.
Umuwi na rin kami ng D6 pagkatapos nun.
Mag-uusap na lang kami bukas para sa plano.
Nabadtrip na din kasi ako sa nangyare kanina.
Kaya eto, nakaupo ako sa sala namin.
Kakatapos lang namin kumain ng hapunan.
Biglang may dumating na kotse.
Gabi na rin ngayon. Pumasok na yung bagong dating.
Si Thana lang pala. Siguro galing na naman to dun sa panget na kaibigan niya.
Hinalikan niya sa pisngi sila mama at papa at nilagpasan lang ako.
Kita mo to, ako tong kuya, binabastos.
"Hay nako kuya, wag ka ng magtampo. Mamaya na yung iyo. Mag-uusap pa tayo." Sabi niya sakin ng nakangiti.
Kilalang kilala niya talaga ako.
"Dea, kumain ka na ng dinner?" tanong sa kanya ni mama.
Dea tawag sa kanya ni mama. Ayaw daw niya ng Death. Nakakatakot. Ayaw din niya ng Thana, masyadong common daw.
"Opo, mama. Kina Bright po ako kumain." sabi niya na nakangiti sakin. Nang-aasar na naman.
"Akyat na po ako ma." Sabi ko kay mama.
"Ako rin po, magbibihis na po ako." sabi rin ni Thana.
"O siya sige." sabi ni mama na may binabasa na papel.
Umakyat na ako at sumunod naman si Thana. Pumasok na ako sa kwarto sabay higa sa kama ko.
Pumikit naman ako. Sayang talaga kanina. Akala ko kasi talaga nandun siya.
Aishhhhh. Dapat hindi ko na siya iniisip e. Ginulo ko yung buhok ko na sakto namang pagpasok ni Thana sa kwarto ko.
"Kuya Dim? Ayos ka lang?" tanong sakin ni Thana sabay upo sa tabi ko.
Dim talaga tawag niya sakin. Short daw ng kadiliman. Kasi nga Dark di ba? Dalawa lang naman ang tawag sakin e. Dim na syang tawag sakin ni Thana. D.V na syang tawag sakin ng tropa at ng ibang tao.
At ang tawag na Dark ay matagal ko ng kinalimutan. Pero yun ulit ang tinatawag sakin nung panget na yun.
Kaya naging tatlo na ulit.
Aishhh. Basta.
"Oo naman. Prinsesa ko." sabi ko sa kanya sabay ngiti.
"E kuya Dim, hindi ka okey tuwing ginagawa mo yan a? Sabihin mo na sakin. Di ba pakners in crime tayo?" nilagay niya yung ulo niya sa balikat ko.
"Alam mo naman pala e. Tinatanong mo pa." pinatong ko yung ulo ko sa ulo niya.
"E kasi naman, mukha kang nagpupumilit na tanungin pa kita. Chura mo kaya! So ano na nga kuya?" sabi niya.
"Hayyy naku, kuya kong maechos, wag mo na siyang isipin. Learn to let go please. Sinaktan ka niya di ba? Then what's the point on holding on kahit na wala na talaga? " dagdag niya pa.
Kilalang-kilala niya talaga ako. Kaya mahal na mahal ko 'to e.
"E anong magagawa ko? Hindi naman natuturuan ang puso di ba? Siguro I still need time. Hindi naman kasi madaling kalimutan ang nangyare lalo na masaya at puno ng pagmamahal ang mga memories na yun." sagot ko sa kanya.
Humiga ako sa kama at humiga din siya sa tabi ko.
Nakatingin kami sa kisame ng kwarto ko na puno ng glow in the dark na stars. Mahilig ako dun. Bakla mang paringgan, pero yun ang katotohanan.
"Oo sige na Kuya Dim, pero wag mong ituon ang buong sarili mo sa mga taong walang pake sayo. Sa kakahabol mo dun sa isa, baka mapagod na yung nanghahabol sayo na siyang nagmamahal sayo ng totoo at tunay." sabi niyang nakapikit.
Ha? Ano daw?
"Hay... Good Night Kuya Dim. Alam mo namang nandito lang ako lagi sa tabi mo di ba? Mahal kita kahit anong mangyare. I love you kuya." Humalik siya sa pisngi ko at tumayo na.
Tumayo na rin ako at hinarap siya.
"Mahal din kita Dea kong bunso. Mahal ka ni Kuya. Kung may manliligaw sayo ha, harap mo muna sakin. Kung sinaktan ka ng iba, iharap mo sakin, rerebaskan ko. You'll always be my baby princess right? Remember that, just my one and only" humalik din ako sa pisngi niya.
Hinatid ko na siya hanggang sa pintuan ng kwarto niya.
"Salamat Dea. Good Night my Princess." dagdag ko at tumalikod na.
"Your welcome Kuya Dim. Malakas ka sakin e." pahabol na sabi niya bago niya isarado ang pinto ng kwarto niya.
Mabait ako sa taong mabait sakin.
Gagawin ko ang lahat maprotektahan ang mga mahal ko sa buhay.
Kahit buhay ko pa ang kapalit.
+-----+-----+-----+-----+-----+-----+-----+
Author's Note:
Sorry for late and lame update.
Walang wifi e. CP lang kasi gamit ko.
Sareeh Guyhs.
![](https://img.wattpad.com/cover/22162481-288-k746655.jpg)
BINABASA MO ANG
Hellnatic University
RandomSa School na ito, kakaibang mga pangalan, tao at mga ugali ang maiincounter mo. Ngunit sa school na ito makikila ni Bright si Dark. At si Dark magkakarooon ng Bright sa buhay niya. May happy ending nga ba na naghihintay sa kanila? May happy ending p...