Revenge 1.2-
Bright's P.O.V
Hinila ko na si Thana papasok ng classroom.
Pero......
Pag bukas ko ng pintuan, nahulog sakin ang isang timba ng dugo ng palaka.
Alam niyo yung salitang YUCK?!?
Yun ang gusto kong sabihin pero nagpigil ako. Hindi ko ipapakita sa kanila na naaasar ako kase yun ang gusto nilang makita.
Kalma Bright. This is not the right time.
Tama. Maglalakad na sana ako palabas ng may nagbato sakin ng sapatos.
Naiinis na talaga ako! Tandaan niyo yan!
Tinignan ko kung saan galing ang sapatos.
Dun ko nakita si Dark na nakangiti. Lam na. Siya na yun.
Ang sakit nun ah. Pero ngumiti ako sa kanya.
"Ang korni naman nito. Walang thrill. Pambata. Akala ko gagawa kayo ng mas higit dito. Nagkamali pala ako. Mga lampa pala kayo." Sabi ko with a devilish smile. Pinagpag ko pa yung uniform ko.
Nakita kong nagtagis yung bagang niya at nawala ang mga ngiti niya. Halatang galit na galit na siya. Namumula na rin kase yung mukha niya.
Hinila naman ako ni Thana palayo dun at dinala sa may lockers room.
"BRIGHT NAMAN?!?! DAPAT HINDI MO NA GINALIT ANG KUYA KO!! SIMULA PA LANG YAN, ALAM KO!!." Ang OA na talaga nitong babaeng 'to. Takot na takot lang? Sus. Kung kilala niya lang ako.
"Pwede bang wag kang maingay. Ang OA mo na kamo. Best Actress ka na. Pede na." Sabi sabay irap sa kanya.
"ANO BA BRIGHT?! WAG MONG MAMALIITIN SI DV!!!? HINDI MO MASYADONG KILALA YUN?! TAPOS ANONG ISUSUOT MO NGAYON?! " Hysterical na sabi niya.
Don't worry Thana. Hindi mo rin naman ako masyadong kilala. Soon, you'll know the real me.
"Wag kang OA. Prepared ako noh. May extra akong damit dito pero hindi nga lang uniform." Sabi ko. Na amaze naman siya ng onte. Alam ko naman na mangyayare 'to. Alam ko lahat ng pambubully. Kaya prepared na ako.
"Oh bilisan mo. Maligo ka sa may girl's C.R. Hihintayin kita." Sabi niya. Medyo kumalma na siya.
Wow. Ngayon ko lang nakita na may shower room dito. Hindi ko kase na pansin nung unang pasok ko rito.
Buti na lang may sabon at shampoo dito.
Mukhang prepared din yung C.R. wahahaha.
Naligo na ako at ng matapos ako sa paliligo, nagbihis na ako.
Naeexcite ako bumalik sa room.
Lumabas na ako after.
"Bright bili-" Hindi natapos ni Thana ang sasabihin niya. Napanga-nga talaga siya. Literally.
Napangiti ako. I'm satisfied. Sa kanya pa lang, ganyan na yung reaction niya, pano pa kaya yung iba.
"Wow." Yun na lang ang nasabi ni Thana.
"Tara na Thana. Dali!" Hinila ko na siya.
Bago kami pumasok, tinikom ko muna yung bibig niya. Nakanga-nga pa rin siya. Haha.
"Oh Thana, papasok na tayo. Ikaw na mauna para may grand entrance ako. Hihi." Sabi ko sabay ngiti. Excited na ako.
Kase naman ang suot ko ay shorts pero hindi yung pekpek short na tinatawag nila. Sapat na para makita ang puti kong legs at hita.
Naka-t-shirt rin ako na medyo hapit sa katawan ko pero hindi naman yung makikita na yung cleavage ko.
Naka rubber shoes ako na high cut. O di ba?
Tapos yung buhok ko naka-ipit pa into a messy bun. May ilang strands pa na natira.
Sabi nga ng iba, I look like goddess.
Syempre ako pa! *insert evil grin here*.
I have a perfect skin tone. I have a small face that have a perfect shape. I have a small pouty red lips. Long eyelashes and you can't see eenie tiny pimples in my face.
Oo. Ipagmamalaki ko nang maganda ako. Bakit ba? Bawal ba? Hindi di ba?
At alam ko, napapanganga talaga ang lahat na makakakita sakin.
They also say na I'm simple but elegant.
"Oo sige. Ako mauuna. Gusto ko rin yang plano mo. Ang ganda mo pala talaga. Kahit simple ka lang, nakakapag panga-nga ka pa rin. O siya. Game na ah." At dahil dun, nabalik ako sa reality.
I smirked. I'm more than ready 'no.
Binuksan ni Thana ang pinto at narinig kong tumigil sa pagtuturo yung prof. namin.
"Sorry sir. We're late. Hindi na po mangyayare ulit. Pwede po ba kaming pumasok." Sabi ni Thana na patingin-tingin sa akin sa labas.
"Sure. Promise that you'll never do it again at tama ba ang narinig ko? We?" Pagtatakang tanong ng prof. namin.
Siguro nagtataka siya kasi si Thana lang yung nag-excuse.
"Ah. Ano sir. Nag-aayos pa po kasi siya. May nangyare po kasi." At diniinan niya talaga yung word na "nangyare".
"Sige na. Pasok na." Sabi ni Prof.
"Oh tara na Bright." Nakangiting sabi niya.
"Grand entrance nga di ba? " sabi ko naman.
"Ay. Kalerki ka naman. Sige na atey. Papasok na ako. Jusmiyo de san juan ka!" Sabay niya sabay flip ng hair at pasok sa loob.
Pumasok na nga siya. Narinig kong magsasalita na sana si sir at alam kong nakatalikod yun.
Here I come!
*Knock.Knock*
Katok ko sa pintuan. Napatigil yung prof.
"Ano ba yan, is-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil ang reaction niya ay tulad ng kay Thana kanina.
"Sorry sir. May I come in." Pa-awa at pa-inosente kong sabi. I use my charm.
Natauhan naman yung prof. "O sige, pasok na."
Tumingin ako sa paligid. I'm really satisfied now just by looking their faces.
Hindi pa nga yun totally make-over eh.
Kase naman, yung mga lalaki halata mong nag-dro-drool sa kagandahan ko.
Yung ibang girls,humanga at yung iba naman naiinis kase naiinggit.
-------+-------+-------+-------+------+-------+-------+
Author's Note:
Guyhs. Vote and Comment. Hope'd that you enjoyed it. Nag-uupdate na ako. Pramis aketch. I'll continue na etech
Haha.
BINABASA MO ANG
Hellnatic University
RastgeleSa School na ito, kakaibang mga pangalan, tao at mga ugali ang maiincounter mo. Ngunit sa school na ito makikila ni Bright si Dark. At si Dark magkakarooon ng Bright sa buhay niya. May happy ending nga ba na naghihintay sa kanila? May happy ending p...
