Chapter 5-Not affected?

146 2 0
                                    

Papunta ako sa bayan dala ang lumang pick up sa rancho. Bibili ako ng bitamina ng kabayo doon sa clinic ng beterinaryo. Nagbilin din si Nay Azon ng feeds para sa alaga niyang baboy. Si Tay Caloy dapat ang pupunta sa bayan kaya lang ay inaatake ng highblood kaya nagprisinta na ako tutal ay gusto ko namang mamasyal. Nahiya pa nga sa akin ang matandang mag-asawa.

Napakalubak ng daan kaya itong lumang pick up ay parang mangangalas na. Napailing na lang ako. Baka mamaya ay--

"Shit."

--at iyon na nga itinirik ako ng sasakyan. Nahampas ko tuloy ang manibela. Nakalabas na ako sa rancho. Naiinis na lumabas ako sa pick up.

"Damn! If I had known it na titirik ka hindi kita dinala!"inis na sinipa ko pa ang gulong nito.

Napahalukipkip ako. Hinayon ko ng tingin ang dinaanan ko. Ang layo ko na sa rancho.

Ano ang gagawin ko nito?

Nang may matanaw ako na paparating na sasakyan,pamilyar na sasakyan sa garahe ng mga Zaragosa. Napangiti ako. Baka ang mapapangasawa ko iyon.

Tumigil ang asul na Ford Ranger sa gilid ng sasakyan ko. Mula doon ay bumaba si Matheo. Napawi ang ngiti ko.

"Mukhang nasiraan ka,sumabay ka na pa-bayan."ang tono ng boses niya ay may pagkamasungit.

Tumaas ang sulok ng labi ko sa isang nakakalokong ngisi.

"Akala mo ba ay tatanggihan ko iyang alok mo?"pagkawika ko noon ay nauna pa akong pumasok sa Ranger niya.

Prente akong naupo sa passenger seat ng Ranger niya. Sumunod na din siyang pumasok sa driver's seat.

"Ang kapal din ng mukha mo ano?"nakakainsulto siyang tumingin sa akin pero syempre hindi ako tatablan noon.

Nginisihan ko siya.

"You offered me a ride. I am not pabebe para tumanggi pa. Hello? Nasira iyong wheels ko."

"Its a half hearted offer."

"Kahit pa one fourth offer pa iyan its still an offer. Now,drive."ipinikit ko ang mata ko.

"I can't believe this.."he tseked.

"Believe it then. Wake me up kapag nasa bayan na tayo."iminulat ko ang isa kong mata."Dahan-dahan lang ang drive para di maalog at di ako magising."

"The audacity!"

I smirked at tuluyan ng pumikit habang siya ay hinarap na ang manibela at pinaandar na ang sasakyan.

Naramdaman ko na may natapik sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mata ko ay nakita kong ang lapit ng mukha ni Matheo sa akin. Tinitigan ko siya ng lazy eyes ko.

"Social distancing."

Hindi naman maipinta ang mukha niya na lumayo habang naiiling. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nandito na pala kami sa bayan. Nag-unat pa ako ng mga kamay.

"Anong sadya mo dito sa bayan?"kaswal kong tanong kay Matheo.

"Pupunta ako sa beterinaryo dahil manganganak na iyong isang kabayo namin."

My beautiful forehead slightly frown.

"Bakit di mo na lang tinawagan?"

"Gusto ko bakit nangingialam ka?"

Hindi ko na pinansin iyong sinabi niyang iyon.

"Well,coincidence,pupunta din ako sa beterinaryo samahan mo na din akong bumili ng feeds."

Hindi makapaniwala niya akong tiningnan. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero sa huli ay isinara niya din.

Una naming pinuntahan ang beterinaryo. Nakabili na ako ng bitamina at nasabi na ni Matheo ang pakay niya dito. Umuna na ito pagpunta sa rancho nina Matheo habang kami ay nagpunta pa sa bilihan ng feeds.

Marine Gals: Cheyenna AngelinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon