Chapter 6-When the rain pours..

188 3 2
                                    

Tatlong araw na akong pabalik-balik sa rancho ng mga Mendrez sa kung ano na lang na kadahilanan pero ni anino ni Cheyenna ay hindi ko makita doon. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na ilang araw na siyang tumatakbo sa utak ko. She's a good kisser,maybe that's why?

O baka naman nag-back out na siya sa kasal nila ni Theodore? Mas maigi kung ganoon dahil ayoko talaga na mapangasawa siya ng kapatid ko. She's a gold digger. She's so casual,blatant and annoying.

Naglalakad ako sa patio ng Villa namin nang madinig ko na naman si Theodore na may kausap sa cellphone niya. Noong nakaraang araw kasi ay nadinig ko siya na kausap si Chey at pupunta ito sa bayan. Tamang inutusan ako ni grandpa na tawagan ang beterinaryo pero sa halip na tawagan ay pinuntahan ko na lang. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon na ang nasa isip ay pagkakataon na magkita kami ni Chey sa bayan pero tadhana naman na nasira ang pick up na dala niya. Masasabi ko na wala sa bokabolaryo niya ang salitang hiya.

Ngayon nga ay may kausap na naman si Thoedore. Gumilid ako sa may pader upang magkubli at manubok sa kanya at sa kausap niya.

"I miss you Chey. I'm glad at pauwi ka na."wika ni Theodore.

Umasim ang mukha ko sa nadinig.

Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy na maikasal si Chey sa kapatid ko.

-------

After three days in Manila ay nakauwi din ako. Ako at si Kat na kasalukuyang nasa Baguio ay napaluwas ng wala sa oras dahil kay Franz. Franz mission failed. Umabot sa akin ang balita na iyon sa pamamagitan ni Thor at ibinalita ko naman iyon kay Kat. Pinuntahan namin si Franz sa unit niya kasama si Uzzy pero inabutan namin na inaaresto siya ng mga pulis. Kat could have killed the three cops and that Cuyukot guy--like iww surname!--kung hindi lang nakiusap si Franz na ibalato na lang sa kanya ang mga iyon. Sinang-ayunan ko din si Franz kaya wala ng nagawa si Kat kung hindi ang mapahinuhod sa amin. We are the rule at alam kong walang masamang mangyayari kay Franchesca.

After that incident in Franz unit ay nagpunta kami sa bar ni Uzzy. May chinitong lalaki doon na assignment ni Uzzy. We caught Uzzy na nipapakain iyong lips niya doon sa chinito guy. I'm proud of her kasi dalaga na siya,hindi na baby si Uzzy!>_<

She is assigned as a bodyguard. The ever fucking boring mission ever. Nakasalubong pa namin si Liam sa labas na binantayan pala muna ang assignment ni Uzzy. Nag-inom kami sa bar ni Uzzy pagkatapos ay sa bahay ni Leon Sta Maria na kami nag-stay ni Kat. Tuwang-tuwa ang matanda na makita ang anak niyang si Kat. Pero agad ding napawi ang tuwa nito noong malaman ang nangyari kay Franz. He almost had his attack na ikinabahala naman ni Kat.

Na-miss ko sina keps. We had this strong band of friendship. Matapos lang itong problema ko dito sa rancho namin ay babalik na ako sa Texas.

Kailangang makausap ko na si Theodore tungkol sa kasal namin sa personal.

"Where the hell have you been?"

Bahagya akong nagulat nang madinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Nilingon ko ang may ari ng tinig at nakita ko si Matheo na nakasandal sa pader at nakahalukipkip na tila naiinip.

"Nothing that concerns you. Bakit ba? Hinahanap mo ba ako?"nakangisi kong tanong.

"Pch. Nadinig ko lang si Grandpa na hinahanap ka kay Theodore noong isang araw."

Excited ang matanda na ipakasal ang apo niya.

"Tamang-tama,isabay mo na ako pabalik sa rancho nyo."wika ko.

"Bakit?"

"Kailangang makausap ko na si Theodore tungkol sa kasal namin."

Matheo looked at me. Wala akong mabakas na emosyon sa mata niya. I just shrugged it off. Alam ko naman na ayaw niya akong makasal sa kapatid niya. Hindi ko naman ito gagawin kung hindi kailangan.

Marine Gals: Cheyenna AngelinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon