3.

753 19 0
                                    

Faye's POV

Hindi ako pinatulog agad ng isipin kung sino yung nagtext na yun. Oo sanay ako na madaming natatanggap na messages galing sa mga di kilalang tao, pero iba eh iba ang kutob ko sa sender ng message na ito. Feeling ko hindi siya Group Message, feeling ko sinadya iyon para patamaan ako? Pero bakit? Bakit niya ako itetext ng ganun? At inaasar lang daw ako? Cute ko daw pag naaasar? Pero hindi e. Hindi siya ganun. Hindi siya magtetext ng ganun. Hindi siya ganun. Kasi isa siyang masungit. Tama Masungit siya. Pero paano kung siya nga iyon? Paano kung kay Gab talaga galing iyon? Paano kung inaasar lang naman niya ako at hindi niya intensyon na mang-inis? Ano gagawin ko?

Grrrrr. Bakit ba nagpapa-apekto ka sa Masungit na iyon Faye? Wala siyang pake sayo. Okay! Walang-pakialam-sayo-si-Gab. Sa inis ko ay nagulo ko nalang ang buhok ko at inis na inis na isinipa sa hangin ang mga paa ko.
Agad kong kinuha ang cellphone ko para sana ichat ang mga kaibigan ko pero di ko namalayan na nakatitig na naman ako sa dalawang message sakin nung unknown number kahapon.
Sa inis ko ay binalik ko nalang ulit ang cellphone ko sa side table at agad na tumayo.
Second day ngayon. Panibagong araw. Sana okay naman ngayon. Sana.. Sana hindi siya yung nagtext. Napailing nalang ako sa huling salita na lumabas sa aking bibig. Agad akong naligo at naghanda ng sarili para maaga akong makapasok. Pagkatapos ay agad akong bumaba para mag-breakfast.

Goodmorninggggg! Masaya na sabi ko. Pero wala man lang kahit isang tao akong nadatnan sa kusina.
Nako Faye anak. Mauna ka na kumain diyan at kung aantayin mo mga kuya mo ay malelate ka laang. Sabi ni Aling Rosa habang papasok sa kusina hawak ang pinggan ko.
Asan po sila? Tanong ko habang nagsasandok ng kanin.
Ang mama mo ay maagang umalis kasi siya ang naka schedule ngayon sa pagbubukas ng resto, ang papa mo naman ay kakarating lang kaninang alas kwatro, si Chris ay naliligo pa kasi tinanghali ng gising siguro sa sobrang pagod napasarap sa higaan at si Tope ayan. Turo ni Aling Rosa kay kuya na kakarating lang, mukhang pagod na pagod ito at napasabak sa maraming operation.
Goodmorning Aling Rosa. Goodmorning baby girl. Kitang kita pa sa mga mata ni kuya ang antok
Goodmorning kuys. Nakangiti na sabi ko. Nginitian lang ako nito at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.
Aling Rosa si kuya po? Tanong nito habang may kagat na tinapay.
Ayun naliligo pa lang. Napasarap siguro sa tulog dahil sa pagod. Sabi ni Aling Rosa.
Ah sige po. Sabi nitong si kuya kay Aling Rosa. Ayos ka na agad hatid ka namin ni kuya bilisan mo baka malate ka pa. Sabi ni kuya sa akin
Kuys okay lang ako. Papahatid nalang ako kay kuya Robert. Nakangiti na sabi ko.
Nako alam mo namang ayaw namin ng hindi ka naihahatid diba? Bilisan mo na diyan at baka malate ka pa. Sabi ni kuya.
Sabi mo yan kuya ha. Sige kuys. Kain ka na kuya. Pagaalok ko dito.
Hindi na mamaya nalang pag uwi ko. Bilisan mo na lang diyan baby girl. Sabi nito at umakyat na sa taas.

Sa Iyong Pagbabalik.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon