4.

262 9 6
                                    

Faye's POV

Lumipas ang mga araw at tila naging mabait sa akin ang kapalaran. Pumapasok ako ng masaya at umuuwi ng mas masaya. Naeenjoy ko ang bawat lesson na itinuturo sa amin. Nagiging mas interesado araw araw sa mga lesson na aming tinatalakay.

It's friday Morning.
Isang masayang araw na naman ng punong puno ng bagong aral at bagong ngiti sa bawat lesson na aking nalalaman. Sa mga araw na lumipas ay tila bumalik ako sa pagiging junior High school na focus sa bawat oras ng klase. Ganun nalang ang papuri sa akin ng mga kaibigan ko maging ang mga subject teacher sa galing ko sa klase. Sa tuwing may tanong ang mga guro ay ganun nalang ako ka-attentive sa pagsagot.

Pero ngayon, hindi lang kaming magkakaibigan ang madalas mapuri ng mga guro sa pagsagot sa klase. Pati rin si Steph. Magaling din si Steph sa klase. Madali siyang pumick-up ng mga lesson at mabilis din siyang umisip ng sagot sa mga tanong na meron ang teacher. Minsan napapaisip ako na ang swerte ng magulang niya na magkaroon ng anak na tulad niya. Mabait, maganda, madaling kausap, palangiti at matalinong klase ng anak si Steph. Talagang maipagmamalaki din siya ng lahat.

At sure ako na proud din si Gab sa kanya. Ikaw ba namang magkaroon ng girlfriend na Stephanie ay ewan ko nalang kung hindi ka maging proud.

Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko ay hindi na kami nagpapansinan ni Gab. Siguro ay dahil hindi ko na rin magawang  pansinin siya dahil focus ako sa pagaaral at mas gusto ko yung hindi inaabala at nang-aabala ng iba.

Ngayong araw ay half day lang ang klase. Dahil kailangan naming mag prepare para bukas sa Acquittance.

Nung nalaman nina mama na may Acquittance party sa school, agad silang nagpabili ng aking susuotin. Ganito talaga si mama gustong gusto niya na lumilitaw ang ganda ko kapag may ganitong event sa school. Palagi niya akong binibilhan ng dalawa o tatlong isusuot para magkaroon ako ng pagpipilian.

Si Alli ay may kapartner na. Niyaya siya kahapon nung kaklase namin na si Mark.

Si Niña ay mas piniling umattend mag-isa at tinanggihan ang mga kaklase kong nagtatanong sa kanya dahil nalaman niya na guest si kuya Tope sa ball namin at umaasa siya na si kuya Tope ang magsasayaw sa kanya.

Si Sef naman ay niyaya siya nung crush niya na si Ian na kaklase namin na maging partner sa ball.

Kay kylie naman ay may madaming nagtanong pero mas pinili niya yung nagtanong sa kanya na Grade 12 STEM student, dahil isa ito sa matagal na niyang manliligaw.

Kay Cin naman nagtanong si Johann.
Noong una ay ayaw nitong pumayag dahil mas gusto nitong umattend magisa pero sa huli ay napapayag na ito dahil sa kulit ni Johann.

Kay Hazel naman ay madaming nagtanong pero yung matalinong ABM student ang pinili niya dahil mas may sense daw ito kausap at alam niyang hindi siya maboboring.

Si Resse naman ay naging miyembro na ng CDR DE MANANAYAW. Siya pala ay matagal ng napapanood ng mga ito kaya nung nalaman na dito siya pumasok ay agad na kinuha ito. Naisipan niyang wag nalang siyang kumuha ng kapareha dahil nasisiguro niyang hindi niya ito maasikaso dahil madami silang performances.

At ako, wala akong partner. Hindi dahil sa walang yumayaya sa akin kundi dahil nandon mga kuya ko at  ayokong asarin na naman nila ako na may lalaki na namang aasa sa akin. Hindi ako paasa ha. Sadyang umaasa lang sila sa akin kahit na sabihin kong  study first ako. At sure naman ako na ang dalawang kong kuya na ito ang magiging partner ko sa buong magdamag.

Apat silang guest sa party, dalawang babae at ang dalawa kong kuya.
Sila ang mga dating naging Mr&Ms. Acquittance ng CDR ng magkasunod na taon. kaya sila ang guest bukas.

Sa Iyong Pagbabalik.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon