8.

165 9 2
                                    


Faye's POV

Today is sunday. The best day of the week! Our family day!!

Nakangiti akong nagmulat ng mata ng maalala kong sunday ngayon. Ito ang araw na sama sama kaming pamilya na magsimba at kumain sa labas. Ito ang araw na masasabi kong maipapahinga ko ang isip ko mula sa mga nangyari noong nakaraang araw.

Kapag family day namin walang busy dapat sa amin. Si Kuya Chris ay walang seminar o gagawin dapat, maging si Kuya Tope ay walang operation, si mama at papa ay sa hapon bumibisita sa resto samantalang si Kuya Robert at Aling Rosa ay kasama namin magsimba.

Ang mga kaibigan ko naman ay ganito rin ang ginagawa ng kanilang pamilya. Lumalabas din sila para itreat ang isa't isa.

Agad kong kinuha ang cellphone ko para makausap ang mga kaibigan ko.

Pero sadyang naagaw ng atensyon ko ang text or GM man yon ni Ryle kagabi. Ano kayang problema niya? Bakit parang malungkot siya eh ganun nalang ang tawa niya kagabi bago kami maghiwa-hiwalay.

To: Ryle (2)
So be truly glad,
There is wonderful joy ahead,
Even though you must endure many trials
For a little while.

1 Peter 1:6
Happy Sunday:)

Nagbaka-sakali akong baka makatulong ang Bible Verse na ito. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya.

Bumangon agad ako at inayos ang sarili. Pumunta ako sa CR para maghilamos at magtoothbrush. Matapos nito ay bumaba na agad ako at napangiti ako ng makita kong nandon lahat ang pamilya ko. Si Mama at papa ay nagluluto. Si Kuya Chris ay nagaayos ng pinggan na gagamitin samantalang si Kuya Tope naman ay pinupunasan ang gagamiting baso. Si Aling Rosa at Kuya Robert ay hindi namin pinagtatrabaho sa umaga dahil gusto ni mama at papa na sila ang naghahanda ng almusal namin tuwing sunday. Napangiti ako ng makita kong sobrang saya ng ganitong umaga kapag sila ang makikita mo.

Gooooodmorningggg. Masiglang bati ko.

Goodmorning baby Girl. Masiglang bati nina kuya na sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

Nang makita ako ni papa ay agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

Ang baby girl ko. Isang linggo kitang hindi nakausap o nakita man lang. Maiyak iyak na sabi ni papa.

Totoo. Halos isang linggo kaming di nagkakita or nagkausap ni papa. Dahil hindi ko siya maabutan kapag pahinga niya dito sa bahay.

I miss you papa. Sabi ko sabay yakap din.

I miss you too. Sige na mag almusal kana. Sabi ni papa habang inaalalayan ako papunta sa upuan ko.

Inihanda na din ni mama ang almusal namin. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit para halikan ako sa noo at agad na tumabi sa akin.

Anak Faye maaga nga pala kami aalis ngayon ha. Sabi ni mama.

Po? Family day po natin ngayon. Naguguluhang sabi ko.

Madami kasing naka reserve na parties ngayon sa
resto e. Kailangan na kailangan kami ngayon. Malungkot na sabi ni mama.

Malungkot akong tumingin kay papa.

Nak kailangan din ako e. Malungkot na sabi ni papa.

Malungkot naman akong tumingin kay Kuya Chris. Umaasa akong baka sakaling hindi siya busy.

Baby girl kaya ako umuwi ng maaga kagabi di'ba?  Kasi may seminar ako ngayon. Malungkot na sabi ni kuya.

Sa Iyong Pagbabalik.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon