6.

165 6 2
                                    

Faye's POV

Mr. Ramos, Ms. Ramirez hindi pa ba kayo maglalakad? Nagising lang ang diwa ko sa tanong ni Miss Ciara.

Ah. Opo. Maglalakad na po. Utal utal na sabi ko.

Tumingin ako kay Gab at sa kamay niyang niyayaya na akong maglakad.

Makakapag lakad tayo kahit hindi magka- holding hands. Mataray na sabi ko.

Ah. Okay. Napapahiyang sabi nito.

Naglakad na kami sa red carpet. Kitang kita ko ang buong venue na punong puno ng sari-saring palamuti. Nakikita ko din ng malapitan ang ganda ng ayos ng stage. Nakikita ko ang buong paligid na lumilitaw ang ganda dahil sa makukulay na ilaw. Maraming tables sa venue na ito may ilan pang animan ang kasya, meron namang pag sampuan, at meron namang tulad naming halos benteng tao ang kasya na pwede mag occupy. Nakahanda siguro ito para sa mga magkakaibigan na ayaw maghiwa-hiwalay

Bakit kasi naka white ito. Kung alam ko lang na naka white ito edi sana hindi na ako nagwhite. Pabulong na sabi ko.

May sinasabi ka? Sabi nito. Parang narinig niya ata sinabi ko.

Ah. Wala. Wala naman akong sinasabi ah. May narinig ka? Sabi ko.

Wala naman. Akala ko kasi bumubulong ka diyan.

Inirapan ko lang siya. Ewan ko ba, ayaw ko siyang sungitan dahil friends na kami pero simula noong lumabas siya sa panaginip ko nagiba ang presence niya sa akin.

Hala bes baka crush mo si Gab. Ayan na naman ang naalala kong sinabi ni zel.

Never. Mahina na sabi ko na nagtaray pa.

Dumiretso nalang ako sa paglalakad habang tumitingin sa paligid. Hindi ko makita mga kaibigan ko.

Nasan na sila? Lilinga linga ako sa paghahanap.

Mukhang magkakasama tayo sa table ah. Sabi ni Gab na nakatingin sa unahang table.

Tinignan ko ang table na kanyang tinitignan. Nandoon sina Alli at si Mark, si Sef at Nathan, Si Niña, Si kylie at si kuyang grade 12, si Cin at johann at si hazel kasama yung ABM student. Nakita ko ring katabi nila si Ryle at si Steph.

Napatitig ako kay Steph. Napakaganda niya. Walang kasing ganda ang simpleng itsura niya. Straight na straight ang buhok niya na may dalawang pin sa magkabilang gilid. Napaka simple ng make up niya na totoong nagpakita ng natural beauty niya. Napatingin ako sa suot niya.

Naka white gown din siya.

Kaya pala naka white coat din si Gab. Para magkatulad talaga sila.

Akala ko pa naman ako lang naka white hihihihi...

Ang feeling ko sa part na yon hihihihi.

Fayee!!!! Malakas na tawag ni sef.

Ow. Agad na ngiti ko sa kanya at dumiretso na sa upuan. Nakita ko pang pinauna ako ni Gab dahil napaka-bukad ng suot ko.

Gals bat ngayon ka lang? Tanong ni Alli. Na tumayo para salubungin ako.

Ah kasi natraffic kami e.

Eh bakit kayo magkasama ngayon? Ikaw ha. Nanunukso na sabi nito.

Ah nalate din siya. Agad ko siyang hinila paupo para hindi na siya magsalita ng kung ano ano.

Bes ang ganda mo. Sabi ni hazel habang papunta ako sa tabi niya dahil nakalaan ata iyong upuan na yun para sa akin dahil katabi si Ryle.

Ikaw din hindi ka maganda. Pangaasar ko.

Sa Iyong Pagbabalik.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon