Kabanata II

89 5 0
                                    

PANGALAWANG KABANATA

Gaya nga nang pinangako sa akin ng aking amo'y ipina-check up namin ang aking ama. Labis naman ang pagkatuwa ng aking ina't kapatid sa akin nang ibalita ko sa kanila nang gabing iyon. Walang kapaguran ang pasasalamat ng tatlo kay Sir Clifford. Mas lalo na ang aking ama na walang pagsidlan ang tuwa. Sa ngayon ay nakasuot na siya ng salamin na may itim na kuwadrohan.

Maayos na ang lahat. Maging ang pagpapatala para sa pasukan ay si Sir Clifford na ang nag-ayos para sa akin. Tuloy ay hindi ko mapigilan ang pananabik para sa pagpasok.

Wala na yatang makakapantay sa kabaitan ng taong iyon. Para sa isang mayaman, masyado siyang mapagbigay. Ginintuan, ika nga.

Heto na naman ako't 'di mapigilan ang pagiging estereotipo. Kailan ko ba maiintindihang hindi totoo sa lahat ang isang bagay. Halimbawa na lamang si Sir Clifford. Hindi lahat ng mayayaman ay mapagmataas. Ganoon rin sa aking kuya. Hindi lahat ng naghihirap ay nangangarap umani ng maraming salapi. Sadyang nakakamangha ang pagiging iba-iba ng lahat.

Hindi niya man intensyon, nagawa ni Sir Clifford kunin ang aking tiwala. At handa akong gawin ang lahat upang tumbasan ang mga ginawa niyang mabuti hindi lamang para sa akin kundi para sa pamilya ko't iba pang natulungan niya.

"Hoy bakla."

Nawala ako sa alapaap ng aking pag-iisip nang marinig ko ang napakatinis na boses ni Lorraine. Sumama ang mukha ko't nagbabanta na ang aking mga mata nang lingunin ko siya. "Ano na naman?"

Narito ako ngayon sa kusina ng bahay ng mga Honrado, nakaupo sa mataas na silya kaharap ng estante. Kakatapos ko lang maglinis. Ang ginamit na panlampaso sa sahig ay nakasandal sa 'kin.

"Pagod ka na niyan?" Nang-uuyam na aniya saka tumawa na para bang tuluyan nang naluwagan ng turnilyo.

Simula nang sabihin ni Sir Clifford ang natatanging kondisyon na iyon ay hindi ako pumayag na ganoon lang at sa halip ay nagpasya akong tumulong sa mga gawain dito sa bahay. Naglilinis ako sa bawat parte ng bahay sa t'wing natatapos magdilig. Tutulong ako sa paghahanda ng mga pagkain. Maging ang paglilinis ng mga kotse'y ginawa ko na. Nagrereklamo na nga ang ilan dahil daw parang inagawan ko na rin sila ng trabaho. At talagang nagsumbong pa kay Sir Clifford! Ngunit lagi niya silang tinatawanan at sabi niya'y hayaan na lamang daw ako't hindi naman ako nagpapapigil. Tama siya, ilang beses na rin niya akong pinagsabihan na hindi ko naman dapat ginagawa 'yon pero nagpupimilit talaga ako.

Kung kaya sa kusina na lamang ako tumutulong. Ayaw kong isipin ng mga tao ritong aagawan ko sila ng trabaho ano. Pabor na rin sa akin dahil doon nakatoka si Lorraine t'wing umaga't tanghali. Iba na kasi ang tagaluto para sa hapunan.

"Hindi ako pagod," sambit ko sa pagitan ng paghangos.

Ngumuwi sa akin si Lorraine bago ako inabutan ng isang baso ng tubig. "Oh, ayan. Baka sakaling mahimasmasan ka't itigil mo 'yan. Sabi na ni Sir eh 'wag mo nang gawin 'yan, 'di ba?" Itinuro niya pa ang medyo basa pa ring sahig. "Bakit ang tigas ng ulo mo? May pinapatunayan ka, may pinapatunayan?"

"Ano ba!" Asik ko. Ganito na lang palagi ang eksena nitong babaeng 'to, eh. "Oo't pinagsabihan nga ako pero ano namang magagawa ko? Hindi ko kayang wala akong gawing kapalit para sa mga ginawa niya."

Napaismid siya dahil sa sinabi ko. "Napakarangal mo naman, sis." Aniya pa't sarkastikong ngumiti.

Awtomatikong umikot ang mga mata ko sa kaniya. Natawa naman siya sa iniasta ko.

Ours is a Different Kind of Love [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon