~Sungyeol’s POV
Kakapasok ko palang sa loob ng practice room naming eh sigaw na agad ni Myungsoo ang narinig ko. “Sungyeol!” sigaw niya saakin.
"Baket?” tanong ko.
“Nagawa mo yung favor ko?” tanong niya. I smiled wickedly. Biglang may pumasok na masamang ideya sa isip ko.
Nagkunyaring malungkot ako. “Hindi eh. Sorry talaga, Myungsoo.”
Napanganga si Myungsoo. “H-huh?! Pano na 'to?! Aishhhhhhhhhhh!!! Mom would kill me!!"
Pff-ffft. Natawa ako ng sobrang lakas. “M-myungsoo.. your face… priceless!! Hahahaha!”
Tinignan ako ng masama ni Myungsoo. “Alam mo bang sobra magalit si mama?"
Tumawa ako. “That was just a joke, Myungsoo. Nagawa ko favor mo. And by the way, your fiancée is extremely good-looking.”
Tumaas bigla yung kanang kilay ni Myungsoo. “More good-looking than me?”
Tumawa ulit ako. “Yes, she’s more good-looking than you.”
“May mas hihigit pa pala sa itsura ko.” nakapout na sabi ni Myungsoo. Napatawa ulit ako. His cute reactions never fails to make me laugh. (A/N: MyungYeol alert <3)
“Trust me, mas madami pang nakakahigit diyan sa napaka-gwapo mong muka. Katulad ko. Mas gwapo kaya ako sayo.” pagjo-joke ko naman.
Lumapit saamin si Sunggyu. “Guys, practice na tayo. We’ve got a lot of work to do.”
Napatango nalang kaming dalawa ni Myungsoo at sinimulan nangang mag practice.
~Eleanor’s POV
“Si Myungsoo po ang fiancée ko?!” gulat na gulat kong tanong.
“Why do you look so shocked, honey? Bakit? Ayaw mo ba kay Myungsoo?” tanong saakin ni Aunt Hyun-Ae.
I shook my head. “Hindi naman po sa ganun, Aunt. Hindi ko lang po ine-expect na si Myungsoo ang fiancée ko. Ang akala ko po kasi talaga si Sungyeol….” disappointed kong pag-explain.
Nag half smile saakin si Aunt. “Oh, I get it. Si Sungyeol ang idol mo sa Infinite, am I right?”
I slowly bit my lower lip then nodded. “Opo, Aunt. Siya nga po.”
Dahan dahan na lumapit saakin si Aunt at hinawakan ang magkabilaan kong balikat. “Darling, trust me… once you get to know each other, you’ll be fond of him. He might even make you forget about Sungyeol.”
Gusto ko sanang sabihin kay Aunt na ayokong pasakalan si Myungsoo. And if ever na si Sungyeol man ang anak niya, ayaw ko rin siya pakasalan. Kasi naman, mamaya ako ang maging rason ng pagkawala ng MyungYeol moments. Sila kaya ang favorite OTP ko!!
“Darling? Okay ka lang ba? Gusto mo na bang magpahinga?” tanong saakin ni Aunt Hyun-Ae.
I sighed. “Okay lang po, siguro po pagod lang ako. Sige po, magpapahinga nalang po ako.”
Ngumiti saakin si Aunt Hyun-Ae at hinalikan niya yung forehead ko. “O’sige, magpahinga ka na. Sleep tight, darling.”
~Myungsoo’s POV
5:34 pm na. Tapos na rin ang practice namin. Uuwi pa kaya ako samin para makilala yung fiancée ko or sa diretso nalang ako sa dorm room at matulog?
Pero kung diretso ako sa dorm room, magagalit naman saakin si mama. Eh ayaw ko rin naman kasing makilala pa yung fiancée ko.
“Tara, Myungsoo, sabay na tayong umuwi.” yaya saakin ni Sungyeol.
Napabuntong hininga ako. “Ayoko. Natatakot ako."
Napatawa silang lahat. “Ay nako, face your fear Myungsoo!!” sigaw saakin ni Hoya.
Tinignan ko ng masama si Hoya. “Ewan ko sayo."
“Hindi pa talaga ako ready. Anong gagawin ko?” tanong ko kay Sungyeol.
Nanlaki yung mga mata ni Sungyeol. “Ah, alam ko na!! Guys, eh kung samahan nalang kaya natin siya? Dun na rin tayo sakanila matulog? Hindi naman siguro magagalit si Aunt Hyun-Ae.”
Napatango silang lahat. Nanlaki yung mga mata ko. “Hindi nga?”
Napatingin silang lahat saakin. “Kung ayaw mo eh di wag.” sabi ni Sunggyu.
Napatayo ako. “TARA NA!" sigaw ko sakanila.
After 123456789 minutes ng paglalakad, nakarating na kami sa bahay namin. Of course, naka disguise kami. I mean, it’s dangerous for idols to walk at night on the streets.
Mamaya eh bigla ka nalang sunggaban ng mga fans. Haha. Kaya kailangan ring magingat.
Nag doorbell ako. May lumabas na babae. Si mama siguro 'to.
“Mama? Ikaw ba yan?” tanong ko.
“Baka hinde. Magnanakaw ako. Magnanakaw na bubuksan yung gate kasi may nag doorbell.” pagjo-joke ni mama. Napatawa kaming lahat na member ng Infinite.
“Ma, dito daw sila matutulog ah.” sabi ko.
Napangiti si Mama. “Aba, ngayon nalang sila ulit matutulog dito ah? Anong meron? Wait, don’t tell me gusto niyo rin makita yung fiancée ng anak ko?”
“Opo, Aunt Hyun-Ae.” sagot ni Sungjong.
“Sige, sige, pasok na kayo. Tamang tama, kakaluto ko lang ng dinner.” sabi naman ni Mama.
Pumasok na nga kami at umupo sa living room namin. I looked around at our house, wala naman masyadong nagbago. Iniba lang yung pintura. Tapos nadagdagan ng mga picture frames.
“Make yourself comfortable, boys. Tatawagin ko lang sa taas yung fiancée ng anak ko ha, wait lang kayo diyan.” sabi ni Mama saamin at tuluyan na nga siyang umakyat.
“Anyway, ang pangalan ng fiancée mo is Eleanor.” sabi ni Sungyeol saakin.
“Eleanor, huh? Let me guess, a foreigner?” tanong ko.
Napatango si Sungyeol. “Wow, foreigner? Grabe, mukang nakajackpot ka ah.” singit naman ni Woohyun.
Tumawa nalang kaming lahat pero nagtigilan ang pagtawa naming ng bumaba na si Mama.
Nagtaka ako, akala ko ba papababain niya na fiancée ko? Bakit hindi niya kasama?
Itatanong ko na sana si Mama kung nasaan na yung fiancée ko nang may nakita akong isa pang babaeng bumaba ng hagdan namin.
Oh, wow....
BINABASA MO ANG
Betrothed to a stranger
FanfictionMasakit para sa isang fangirl ang maging soon-to-be-wife ng kaibigan ng kanyang sariling BIAS. Para ma gets mo, basahin mo. =))