Chapter 6: The Girl Who Leap Through Holes

16 3 0
                                    

"Do you know why you're here?" Tanong ng matandang lalaki sa harapan ng bata. Pareho silang nakaupo sa parisukat na lamesa, at tanging maliit na ilaw na nakasabit lamang ang nagsisilbing liwanag sa pagitan ni bata at ng matanda.

Nanatili siyang nakayuko, nanginginig sa takot habang patuloy na tumutulo ang mga luha. Mahigpit niyang hinawakan ang parehong kamay upang pigilan ang ingay na nais kumawala sa kanyang lalamunan.

"Do you know why you're here?...little one?" Muling tanong ng matanda, na siyang mas nagpanginig sa kaniyang katawan. Napakadiin ng boses nito na tila bang pinipigilan ang sarili na siya'y masaktan. Umayos ng pagkakaupo ang matanda at ipinatong ang dalawang siko sa mesa at ipinagdikit ang dalawang kamay habang matalim na nakatitig sa nanginginig at umiiyak na bata.

Lalong nanahimik ang bata at mas kita na ang pagtaas-baba ng dalawang balikat nito dahil sa pag-iyak.

Kumunot ang noo ng matanda nang wala pa ring marinig na sagot mula sa kanya. Dahan-dahan itong umatras dahilan para tumunog ang metal na silya, at tumayo papunta sa gawi ng bata.

Bumilis ang paghinga ng bata nang marinig ang ingay ng silya. Halos hindi niya na maramdaman ang sakit na dulot ng mga sugat sa kanyang likod dahil sa takot at kaba. Alintana na rin sa kanya ang masangsang niyang amoy dahil sa ilang araw niyang pagkakakulong sa masangsang at madilim na kulungan, na animoy hindi tao ang nasa loob nito at gayon na rin ang kanyang pagka gutom.

"Is my question so hard to answer? You're six years old, so I'm pretty sure you know how to speak, little one" dagdag pa ng matanda habang nag lalakad ito papalapit sa bata.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin, nais niyang sumagot ngunit mukha lang ng kanyang Ama ang paulit ulit na lumalabas sa kanyang munting isipan.

Napatigil siya pag-iyak at gayon din sa paghinga nang maramdaman ang presensiya ng matanda sa kanyang gilid. Bigla na lamang siya nakaramdam ng sakit sa ulo nang hawakan ng matanda ang kanyang mga buhok at ipinilit na itaas ang kanyang ulo.

Nagsisisigaw si Merliah dahil sa sakit na dulot ng pagka sabunot sa kanya ng matanda.

"Didn't your parents taught you some manners? When someone's older is talking to you, you should look into that someone's eyes and answer...Merliah" may halong gigil ang boses ng matanda at tila hindi na nakapag pigil dahil sa inasal ng bata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon