Chapter 3: The Academy

19 3 0
                                    

*Present (3025)*

(Merliah Snoww's POV)

Pagkalabas ko ng hospital ay agad kong pina-asikaso kay Butler Trever ang kaso ni Marga. Gusto ko malaman kung sino ang pumatay sa kaibigan ko. Pero ilang taon na ang lumipas ay wala pa rin'g lead kung sino ang pumatay sa kan'ya. Ang tanging impormasyon na nakuha lang namin ay isang Asyeth ang pumatay kay Marga.

And the funny thing is. After what happened to my friend. Everything went downhill for the Eleriah, our country. There have been crimes occurring everyday, to the point that it was so hard for the government to control what's happening.

At dahil doon, muli nilang binuksan ang Eleriah Academy. It's been ages since the academy was being closed. I don't know the deeper reason behind it, but what I know is that, Eleriah is beggining to change.

Sa academy pinapasok ang mga taong may dugong Ilice, Asyeth's at Protectors. Halos apat na taon ang iginugol ng gobyerno para mapa-ayos muli ang academy. Siguro nangamba ang gobyerno kaya ipinatupad nila ulit ang dating pamamalakad ng Eleriah. At kung tutuusin pabor sa 'kin 'yon. Mas mataas ang tyansa na mahanap ko ang pumatay sa kaibigan ko. Kaya ang una kong kailangan na gawin ay ang makapasok sa Eleriah Academy.

"Anak, hindi kita maihahatid mamaya sa eskwelahan mo, si Butler Trever na muna ang maghahatid sayo,"

I looked at my Dad and tried to smile. Tumayo ako mula sa upuan at lumapit sa kan'ya, agad ko naman siyang niyakap.

"I'm fine Dad, I can do it on my own. Trust me," Sinubukan kong ngumiti matapos kong yakapin si Daddy. "Huwag ka rin masyadong magpuyat Dad. Ang itim na ng eye bags mo."

Natawa naman siya sa biro ko.

"It's been 5 years Liah, still, your face hasn't change. I miss your old face" He smiled but his eyes were sad.

Nang magising ako pagtapos ng aksidente, I got diagnosed with Trauma. It affects my face unable to show emotions, even though I want to, I can't. That's why these past few years I have been trying my best to show my emotions through actions. Nakakabaliw isipin na gusto mong ipakita na masaya ka, o malungkot ka pero 'di mo magawa. I got depressed because of my condition, but my Dad helped me to go through it, and accept it wholeheartedly.

I hugged him tightly and whispered, "Me too Dad" when I felt him hugging me back, I stood up kissed him on his cheek. I took my backpack "I will see you later okay?" He smiled and nodded, and so I went outside and I saw butler Trever waiting for me beside the car. I showed him a 'peace sign' to know that I'm happy to see him, which made him chuckled.

Habang nasa byahe, hindi ko napigilan ang sarili na alalahanin ang nangyare noong araw bago ako umalis ng ospital.

It was the day when I took Marga's guitar and went outside my room. Habang nagpapatugtog ay 'di ko napigilan ang sarili ko na maalala ang nangyari sa kaibigan ko. Maya-maya ay nakaramdam ako na may nakatitig sakin, matic ko naman na tinignan kung sino 'yun.

Saktong pagtingin ko ay biglang tumulo ang mga luha ko. Ang nakakapag-taka lang ay bakit hindi ako nagulat o nagalit habang tinititigan n'ya 'ko. Para bang normal lang sa 'kin na tignan n'ya ako ng ganoon. 'Di ko rin napansin na nakalapit na pala siya sa 'kin no'n at sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Dahilan para ma-pagmasdan ko ang mukha n'ya. Maputi at makinis ang pisngi n'ya, matangos ang ilong at mapula ang labi. Napalunok ako, dahilan para mamula ang pisngi ko. 'Di man halata pero mahilig ako tumingin ng lalaki. Tingin lang naman, wala naman akong balak jowain. Hobby namin 'yon ni Marga. Tinanggal ko ang paningin ko sa labi niya, dahil baka mamaya kung anong magawa ko. Kaya sa mata n'ya ako muling tumitig. Kujlay asul at kumikinang ang mga ito. Mas lalong kumalabog ang kaba ko sa dib-dib.

Lost RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon