CHAPTER 02

81 14 0
                                    


Nasa kahabaan kami ngayon ng pila para manood ng sine, pero tulala parin ako at iniisip parin ang lalaki kanina na nag ngangalang Ezekiel.

Ang cool ng pangalan nya nakakadagdag sa sobrang kagwapuhan nya idagdag mo pa ang tangkad nya.

"Hoy? Allyssa sunod na tayo sa pila." Kalabit sa akin ni Sam na may bitbit pa ng mga chichirya at softdrinks na nasa plastic bottle nagsimula naman pumasok sa loob ng sinehan ang naunang nakapila sa amin tumingin ako sa likod kay Zoey abala lang sya sa pagpindot ng cellphone nya, sigurado ko yung kafling na naman nya kachat nya ngayon.

Tumuloy na kami nang kami na ang papasok sa loob ng sinehan binuksan ko ang flashlight sa phone ko dahil madilim ang loob ng sinehan umupo na ako nakasunod naman sa akin si Sam at Zoey.

"Zoey naman alam mong madilim tapos sige ka cellphone dyan ayan tuloy nababangga mo na ako." Reklamo pa ni Sam at umupo.

"Teh inggit kalang kase wala kang kachat okay lang talaga mainggit teh pero wag ka magalit ano ba nakakawrinkles yan." Maktol ni Zoey kay Sam at tumawa pa ng malakas kaya ng mapatingin sa amin ang atensyon ng ibang tao sa loob ng sinehan ay hinila ni Sam si Zoey para makaupo na.

Mga kaibigan ko talaga na yan ang hilig magbanggayan kung minsan ako ang pinipikon nila mga walang hiya talaga.

"Tignan mo si Allyssa kahit hindi yan kapansin pansin may knight and shining armor sya kanina oh diba" saad pa ni Zoey habang nilagay na ang phone nya sa bag nya sa pagkakataon na'to ako naman ang pinagtitripan nila here we go again let's start the world war lll.

"Buti nga ako panget tapos may Knight ang shining armor eh ikaw dyan puro kalang MU na walang label." Tawa pa namin ni Sam habang nginunguya ang chichirya napairap naman sa akin si Zoey hah ako talaga kinalaban kapag talaga ako ang sumabat sa aming tatlo napapatahimik sila ng wala sa oras.

"Ah teka teka sumabit ang chichirya sa brace ko ay nakakabwiset naman" saad ko at kinuha ang tinga sa brace ko, nakatingin naman ang dalawang babaeita habang nakangiwi ang mga mukha nila.

Bakit ba? Nilagay ko nalang sa plastic na pinaglagyan ng chichirya ang tinga ko.

"Oh bakit masama ba kunin ang tinga sa ngipin ko makatingin kayo parang wala kayong tinga ah." Saad ko at inirapan pa sila.

"Teh ang dugyot mo talaga." Sabay sabi pa ng dalawa kong kaibigan at humarap na sila sa malaking screen ng sine.

Tumingin tingin naman ako sa paligid dumadami na ang mga tao sa loob kaya nagsimula nang lumitaw ang liwanag mula sa malaking screen at lumabas na ang mga character sa pinapanood namin.

Habang nasa kalagitnaan na kami ng panood tutok na tutok kaming tatlo dahil ang bidang babae ngayon sa pinapanood namin ay niloko lang pala sya ng lalaking minahal nya ng dalawang taon.

"Sorry i don't love you, ikakasal na ako sa taong mahal ko." Saad ng bidang lalaki sa pinapanood namin at tinalikuran na ang babae.

Patuloy lang ang pag iyak ng babae habang nakaluhod.

Feel ko ako yung bidang babae kaya hindi ko maiwasan humikbi bakit ba kase ang hilig hilig ko sa mga sad scene.

"Grabe naman yan ang sakit ng ginawa ng lalaki na yan" saad ko pa at umiyak na.

"Besss? Bakit ito pa yung pinapanood natin yan tuloy umiiyak na ako." Saad ko habang umiiyak kaya niyakap naman ako ni Sam at pinapatahan.

"Sus ang sabihin mo relate ka sa bidang babae kaya ka umiiyak dyan." Saad ni Zoey at nakatutok parin sya sa pinapanood.

Kainis naman nito walang kasupport support eh kapag broken sa'kin din naman lalapit tapos hihingi hingi ng advice ganyan talaga yan sila eh kapag broken papakinggan mga advice pagkalaunan nakakalimutan na nila advice mo, hays marupok!

The Unnoticeable GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon