CHAPTER 10

42 13 0
                                    


TULALA lang akong nakatitig sa mga estudyanteng dumadaan sa kani kanilang classroom dahil kakatapos na ng lunch time pero wala akong balak pumasok ngayon dahil ipapapractice lang nila ako sa pagrampa na 'yan.

"Hays bakit ba ako ang pinili nila?!" Nagpapapadyak kong saad sa kawalan, nasa lobby ako ngayon at nakaupo bahala na si batman.

"Dahil sexy ako? Eh panget ako eh lakas nila mangtrip ah nakakatuwa talaga!" Pagkakausap ko sa sarili ko na akala mo'y nababaliw.

"Allyssa?" Tawag ng kung sino sa likuran ko kaya lumingon ako. "Oh it's you what are you doing here?" Tanong ni Stefan sa'kin.

"Nagmumuni muni" tipid kong tugon.

"Dito nagmumuni ka?" Tanong nya ulit na ikinakunot ng noo ko.

"Saan mo ba gusto magmunimuni ako sa bubong? ah ikaw singkit ka ang kulit mo talaga." Sarkastiko kong tugon sa kanya tumawa naman sya at napailing iling.

"Hindi talaga kita kinakaya Allyssa" saad nya pa natinitigan ako. Kaya napaiwas ako ng tingin.

Tumahimik na din sya saka tinignan din ang mga estudyanteng dumadaan, tumikhim ako para basagin ang nakakabinging katahimikan.

"Kakayanin ko ba?" Tanong ko na ikinalingon sa'kin ni Stefan pero nanatili parin ang atensyon ko sa mga estudyanteng nagmamadaling makarating sa mga classroom nila.

"What do you mean?" Tipid nya na tugon na ikinalingon ko sa kanya.

"Pinasali nila ako sa search for mr and ms intrams nextweek mukhang hindi ko kakayanin marunong naman akong rumampa dahil palagi akong nagbabasa at nanonood ng miss universe." Saad ko hindi ko alam kung kakayanin ko parang hindi ko maimagine ang sarili kong rumaramoa sa stage at pinapanood ng maraming tao.

"Oh what's the problem marunong ka naman diba i will support you kapag sumali ka i will be there" nakangiti nya na tugon.

"K-kase tignan mo nga ako" saad ko tapos tinignan naman nya ako "anong nakikita mo sa mukha ko?" Tanong ko

"Maganda" saad nya saka tinignan ako diretso sa mata kaya napaiwas naman ako ayaw na ayaw kong tinitignan o tinititigan nakakailang.

"Ano kaba nagbibiro ka na naman kaya ayaw ko sumali dahil nga panget ako feel ko talaga pinagtitripan nila akong lahat." Natatawa kong tugon sa kanya para maiwasan ang nakakailang na'to. Nagulat ako nang tanggalin nya ang suot kong eyeglass.

"I'm serious, ang ganda ng mga mata mo your eyes are always shining that's why i like staring at your eyes." saad nya habang nakatitig sa mga mata ko, ngumiti naman ako sa kanya.

Napahawak ako sa dibdib ko pero hindi ito kumakabog ng napakalas, pero bakit kay Ezekiel kinakabahan at tumitibok nang mabilis ang puso ko bakit ganito?

"Malabo din ba ang mata mo? Mukhang malabo nga pacheck up kana. " Napailing iling kong saad dahil nababaliw na ata sya dahil hindi naman ako maganda eh. Tumunog na ang bell senyales na magsisimula na ang Exam namin dahil nextweek na ang Intrams. Magsasalita pa sana sya.

Pero kinuha ko na ang salamin kong hawak hawak nya at tumayo na. "Mauna na ako magsisimula na ang exam nakalimutan ko pala" saad ko at tumakbo na papunta sa classroom namin naiwan naman si Stefan na natiling nakaupo dun habang tinatanaw ako papalayo.

"GET one and pass" saad ng adviser namin habang dinidistribute nya ang mga test paper.

"Bakla nakita mo ba si Sam kanina pa sya wala magsisimula na tayo oh" tanong sa'kin ni Zoey sa mahinang boses habang kinakalabit ako mula sa likod napailing naman ako bilang tugon. "Pakopya naman ako sa english ah alam ko magaling ka dyan at alam ko din na nagstudy ka" saad nya saka nginitian ako na parang makakajackpot na sya.

The Unnoticeable GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon