CHAPTER 39

15 9 0
                                    

HINDI ko talaga alam kung naaawa lang sa'kin si Stefan o may gusto talaga sya sa'kin, hindi na 'yun importante dahil nandito si Stefan para sa'kin, ang mahalaga pinapasaya nya ako ngayon, alam kong mahirap pero alam kong matututunan ko din mahalin si Stefan kagaya ng ginawa kong pagmamahal kay Ezekiel.

Tulala at kasalukukuyan ako ngayon nagrerefill ng kape sa vending machine gamit ang tumbler na hawak hawak ko.

"Miss puno na po ang tumbler nyo." Bigla akong napatingin sa mga iilang estudyante ngayon na hinihintay akong matapos, napatingin ako sa tumbler ko na punong puno na pala at umaapaw na din ang kape, buti nalang hindi ako napaso.

"Ah sorry hindi ko namalayan, sige mag refill na kayo." Nakangiti kong tugon sa babae sa'ka umatras ng kaunti banda sa vending machine.

Naglakad ako, hindi pa rin ako makapaniwala na sa ganun na paraan na ginawa ni Stefan ay mapapasagot nya na ako, siguro dahil gusto ko na rin kalimutan si Ezekiel, pero nagmumukha akong masamang tao dahil magmumukhang rebound lang si Stefan, di bale na, hindi ko gagawin ang ginawa ni Ezekiel sa'kin. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa narinig ko na ang boses ni Stefan na tinatawag ako hanggang sa makalapit na sya sa'kin.

"Babe naman kanina pa kita hinahanap, hindi kita mahagilap eh." Hinihingal niyang saad dahil kakatakbo papunta sa'kin.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "B-babe? Ano'ng sinasabi mo?" Natatawa kong tugon sa sinabi nya.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mukha na kadalasan gawin ni Ezekiel, teka, bakit ko ba binabanggit ang lalaking 'yun eh si Stefan ang nasa harap ko ngayon eh.

"Babe, you're my girlfriend now and we were supposed to have a endearments, bakit hindi ba tayo?" Tanong nya saka napasingkit ang mata niyang sobrang singkit na parang sinusuri ako.

Ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko saka napangiti. "Ano kaba, kailangan pa ba ng ganun?" Nakangiti kong saad sa kanya, mabilis niya akong pinaharap muli sa kanya.

"Yeah, I'm so happy babe that you came into my life, i didn't expect myself to fall for a girl like you." Seryoso niyang saad at diretso na nakatingin sa mga mata ko.

"Ah ganun sinasabi mo bang hindi ako  nakakafall na babae ganun ba yun?" Saad ko saka pinanlakihan ko pa sya ng mata para takutin, pero ang singkit tinawanan lang ako.

"Of course not, you're a beautiful girl for me, kaya nga nafall ako sayo eh, ang lakas din ng trip mo." Saad nya pa dahilan pa para mapamewang ako.

"Ah sinasabi mong masyado akong kalog na babae, sinasabi ko na nga ba eh magpinsan nga talaga kayo ni Ezekiel!" Saad ko at tumalikod saka naglakad, pero mabilis naman siyang humarang sa harap ko.

"No, No, No babe listen, I love you okay, and don't compare me to Ezekiel, diba nga sabi ko sayo, I don't make girl cry." Hindi magkamayaw niyang saad, napangiti naman sa huli niyang sinabi.

Mga lalaki talaga bat ang dali dali silang magsabi ng I love you chuchu kemerut na 'yan, feel ko tuloy ang dami nilang echos sa buhay.

"Talaga lang ah." Tipid kong sagot, hindi ko alam pero hindi ko na rin mapigilan ang pagngiti ngayon.

Tumango tango pa sya na parang bata, kaya ginulo ko ang buhok nya kahit pa nahihirapan akong abutin 'yun dahil sa tangkad nya. "Ang cute talaga ng babe mo, hindi ba babe?" Tanong nya kaya napatango ako, kaya nagpabebe na sya.

"Magtatampo ako, hindi ba babe?" Saad nya saka diniinan pa ang salitang babe na parang bata. Napangiti ako sa ginawa niyang 'yun.

"Sige na nga babe!" Nakangiti kong tugon sa kanya, ngumiti naman sya ng sobrang lawak na akala mo'y aabot na sa langit sa sobrang saya nya.

The Unnoticeable GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon