CHAPTER 32

11 10 0
                                    

"ALLYSSA? anak bat naman hindi mo kaagad sinabi sa'min na magkasintahan na pala kayo ni Ezekiel, bakit anak?" Tanong ni mama sa'kin habang maiigi niyang hinahalo ang niluluto niyang munggo. Nakaupo naman ako sa isa sa mga upuan dito sa kusina namin habang nilalagay ko ang dalawa kong kamay sa lamesa.

"Oo nga bata ka ginulat mo kami!" Saad ni manang Hilda saka tinulungan si mama dagdagan ng tubig ang niluluto nilang munggo.

"Kasi naman po." Saad ko saka napakamot pa sa ulo.

"Kasi ano?" Halos sabay na sabi ni mama at manang Hilda sabay din silang napatingin sa'kin.

"Kasi."

"Kasi ano nga?" Saad pa ni mama mukhang naiinis na sya sakin. Kaya nagsalita na ako.

"K-kasi baka magalit kayo sa'kin." Kinakabahan kong tugon, hindi na maganda ngayon ang tingin ni mama sa'kin. Magsasalita na sana sya nang tumunog ang pintuan at niluwa nito si papa at ang dalawa kong kuya na kakarating lang mag jogging.

"Manang tubig nga po." Hingal na hingal na saad ni papa kay manang Hilda dali dali naman na nagtungo si manang Hilda sa ref at kumuha na ng tubig, ang dalawa kong kuya naman halos malaglag ang panga dahil nakatopless na sila ngayon, yung mga abs nila jusko po!

"Huy mga bata kayo, huwag nga kayong humubad dyan, maligo na kayo bilisan nyo!" Bulyaw ni mama sa dalawa kong kuya na pawis na pawis na ngayon. Tinawanan ko naman sila dahil mukha silang mga mga batang takot kay mama, mabilis silang nagtungo sa banyo at naligo na samantala si papa umupo pa sa sofa.

"Narinig ko pinag-usapan nyo." Napatingin si mama kay papa nang magsalita na ito. "Allyssa bakit nga ba?" Tanong muli ni papa, alam kong hindi sapat na dahilan 'yung sinabi ko na magagalit sila sa'kin.

Tinaas pa ni papa ang dalawa niyang kilay na para bang hinihintay ang sasabihin ko na dahilan.

Tumikhim ako. "Kasi naman po baka kapag sinabi kong pinili ko si Ezekiel magugulat kayo at magagalit sa'kin, alam ko naman pong si Stefan talaga ang gusto nyo, natatakot akong madisappoint ko kayong lahat." Nakayuko kong saad, kaya hindi ko rin masabi na si Ezekiel ang pinili ko dahil nararamdaman ko na si Stefan talaga ang gusto nila para sa'kin.

"Pero diba mama sabi mo piliin ko 'yung tinitibok ng puso ko, kaya si Ezekiel ang pinili ko dahil sya ang tinitibok ng puso ko." Saad ko pa, nakatingin lang sa'kin si mama at papa na parang naaawa sa'kin.

"Anak...malaki kana ikaw na ang mamimili kung sino ang dapat mong piliin, tama naman na sinunod mo ang puso mo pero pinaalam mo naman sana samin." Saad pa ni mama sabay tingin kay papa, lumapit sya sa'kin at ibinigay kay manang Hilda ang sandok panghalo nya.

Lumapit din si papa sabay akbay sa'kin at ngayon ay nasa magkabilang gilid ko na silang dalawa.

"Princess, nasa tamang edad kana, naiintindihan kita dahil dumaan din kami ng mama sa ganyan, kaya okay lang sa'min na makipag relasyon ka, pero ang importante itong puso mo, wag kang magpadala sa sinasabi ng puso mo, minsan kailangan sundin din natin ang ating utak." Saad ni papa sabay turo sa puso ko at sintido ko, tinapik tapik nya ang balikat ko saka ginulo ang buhok ko. Nagpalipat lipat pa ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti ako. "Pero bakit sa tuwing sinusubukan kong sundin ang tinatakbo ng isip ko hindi ako masaya, pero kapag sinunod ko ang puso ko nagiging masaya ako." Saad ko pa saka napatingin sa kamay kong nakalapag na ngayon sa lamesa.

"Pero lahat ng saya may kapalit na kalungkutan Isay!" Saad ni kuya Alvin na kakalabas lang sa banyo at nakatapis ng tuwalya. Tama nga naman si kuya Alvin dahil sa tuwing nagiging masaya ako may kapalit itong kalungkutan sa'kin.

The Unnoticeable GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon