Chapter 5: Scary Zoey

181 9 2
                                    

Chapter 5: Scary Zoey


"Daan muna kaya tayo ng Supermarket? Mag Grocery tayo. Nakakasawa na ang Can Goods at Noodles" Red


"Sige" Ken


Tahimik lang si Russel iniisip nya siguro yung kanina.


"Tinititigan mo ba ko?" nakakunot ang noo nyang nakatingin sakin. Shemay!


"Hindi sa labas ako nakatingin"


Huminto kami sa Mall, ayaw na ayaw ko sa mga ganitong lugar


"Sasama ka ba, Zoey?" Blue. umiling ako


"Ge. dyan ka lang sa Kotse sandali lang kami"


"Okay"


Umalis na silang apat. Nag Go-Grocery pala ang mga yun sabagay wala naman kaming katulong sa Mansiyon


Mga 20 mins. lang ata sila sa Loob ambilis -__-
Nagulat ako sa dami ng pinamili nila may buhat si Blue na box at yung I think trabahador sa Supermarket tinulungan lang sila siguro, yung tatlo naman may bitbit na tig apat na malalaking plastic


PANIC BUYING ANG GANAP? Ang dami >___<


"Ang dami nyan" Me


"Haha for 1 month stock na natin yan" Ken smiled. sinilip ko yung mga Plastic


PURO CHICHIRYA, CANDIES AT CHOCOLATES =___=
MAY ICE CREAM PA >___< WAAAAH!

Pagdating sa bahay tinulungan ko sila imisin ang mga pinamili nila. Teka ang alam ko lumayas silang apat sa bahay nila san sila kumukuha ng pera? Wala pa naman silang work -__-


"Bakit ang dami Chichirya?"


"Mid night snacks pag nag Mo-Movie marathon kaming apat" Red


"Mamaya mag Mo-movie marathon kami sa AVR! sama ka?" Blue


MAY AVR DITO? O__o'


"Uhh. may gagawin pa kasi akong Assignments at Research"


"Ah! Nerd ka nga din pala" Russel. siniko naman sya ni Ken "Damn masakit. Pinsan ah!"


"Sige Zoey magpalit ka na, kami ng bahala dito" Ken


"Sige"


Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit, kinuha ko naman agad ang Notebooks ko mamaya pa naman ang dinner. mamaya na lang ako baba
Saka baka Hotdog lang iulam namin puro Frozen foods din ang binili nila. di daw kasi sila marunong magluto


Ako? Marunong naman tinuruan ako ni Daddy pero ayoko silang ipagluto -__-
Hayst miss ko na sila T___T Bakit kasi di na lang ako nasama sa pagkamatay nila? Bat nabuhay pa ko?!!


Nangangalahati na yata ako sa pag Re-research sa hiniram kong Books sa library ng kumalam ang sikmura ko.

Bumaba ako papunta sa kusina napahinto naman ako sa pagpasok dun ng makita ko yung apat. si Russel naka apron at may hinihiwa yung tatlo nakatunganga lang sa kanya. Teka magluluto ba sila?

"ARAY! ANG KAMAY KO" Russel


"Marunong ka bang magluto?" Ken


"Manahimik kayo kaya ko to"


"Kung mag hired na lang kaya tayo ng Cook?" Red


"Sira wala ka sa inyo" Ken


"Mag imbita na lang kaya tayo ng mga Babae dito at sila ang magluto?" Blue


"Wag na dagdag pakain pa yun" Red

"Eh kung tawagin kaya natin si Zoe?" Ken


"Pwede ba Ken? di din ata marunong magluto yun" Blue


"Wag nga kayong maingay" Russel


Tss. Pag hihiwa lang ng manok di pa marunong? Kumuha ako ng Kutsilyo at lumapit sa kanila


"AAAH! Z-Z-Zoey" Silang tatlo. Kinulbit ko si Russel kaya yamot ng humarap sya sakin


"Ano na---POTEK! BAKIT MAY KUTSILYO KA?" Umatras sya at parang takot na takot Ganun din yung tatlo -__-


Di ko sya pinansin at nagsimula ng mag hiwa with matching EVIL LAUGH pa >:D


"AAAAAAH!" Sigaw nung apat

"LAGOT NA! MAY HAWAK SYANG KUTSILYO" Blue


"SINO KAYANG UUNAHIN NYA SATING APAT?" Red


"PANIGURADO SI RUSSEL" Ken


"ANO? BAKIT AKO?" Russel


Napatawa lalo ako ng malakas dun sa narinig ko sa apat


"NABABALIW NA SYA" Red


"TUMAWAG NA TAYO NG PULIS AYOKO PANG MAMATAY! HUHU" Blue


"AAAH! PATAWARIN MO NA KAMI SA NAGAWA NAMING KASALANAN ZOEY. WAG MO LANG KAMING PATAYIN" Russel


"TAMA TAMA" Yung tatlo


Humarap ako sa kanila na hawak parin ang kutsilyo at tumawa


"MAGBABAYAD KAYO!"


"TAKBO NAAAA!" Tumakbo naman yung apat.


HAHA Mga siraulo -__- Magluluto na nga ako tas pagkakamalan pa nilang papatayin ko sila. Mga nag drugs ata yun eh! Pero Okay na din yun walang istorbo sa pagluluto ko saka gutom na ko.
Tapos na kong magluto, Adobo lang ang ginawa ko sa Manok at nagprito ako ng hotdog gutom na ko


Teka anyare na dun sa apat? Di na bumalik
Nag hain muna ako bago lumabas ng Kusina para tawagin yung apat
Nakita ko agad sila sa Sala na nagbubulungan pero rinig ko naman


"Pag hinawakan ko na si Zoey talian nyo agad ang kamay nya" Ken

"Teka may hawak nga syang knife" Blue


"Basta ako ng bahala" Ken


"Sinasapian na ata si Zoey" Red


"May sapi talaga yun" Russel


Mga abnormal talaga -_____-


"Psst" Me

"Wag ka ngang sumitsit, Red" Russel


"Di ako sumisitsit noh!" Red


"AAAAH AYAN NA SI ZOE" Turo sakin ni Blue kaya naglingunan sila sakin with a shocked face


"Yung PLAN A!" Red. tatakbo na sana sila sakin ng mag stop sign ako at tumingin sa Dining area


"Dinner is Ready" pagkasabi ko nun tinalikuran ko na sila. Bahala nga sila dun!


"WOW! ANG SARAP NAMAN NITO" Blue


"KASING SARAP MAG LUTO YUNG CHEF NAMIN" Red


"Adobo lang yan"


"Pero masarap talaga" Ken


"Oo nga, favorite ko kaya tong Adobo" Russel


Tapos na kaming kumain ng pumalakpak yung apat.


"Buti naman nawala na ang sapi mo" Blue

"tinakot mo kami , akala namin may gagawin kang masama eh" Red


"Masarap ka palang magluto" Ken


"Mabait ka pala" Red


"Mapagkakatiwalaan" Russel


Tumayo na lang ako gagawin ko pa ang Research ko


"SALAMAT ZOEY!" Silang apat at nagwave pa sakin tumango lang ako at umakyat na
Tss. Sila ata ang may sapi eh!

RED --------------------------------->

Meet The MONDRAGON BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon