13: Paglisan

12 1 0
                                    



Paglisan


Ako'y nagagalak sapagkat nar'yan ka,
Ngunit libo-libong katanungan sa isipan ko'y hindi malingat—
Hanggang kailan ka mananatili? Hanggang kailan mo ako titiisin?
Alam kong hindi sa lahat ng oras pipilitin mo ang sarili mong manatili,
May hangganan lahat ng pasensya at bagay.

Isang katanungang hindi ko maisatinig—
Natatakot na baka mapaaga ang 'yong paglisan,
Paano ako aahon sa pagkakasadlak?
Tuluyan na akong nakadepende na siyang kinatatakutan ko—
Saan ako mag-uumpisa?
Saan ako magtatapos?

Saan?
Paano?
Kailan?

Tatlo lamang 'yan sa napakaraming umiikot sa aking isipan,
Iyak ng damdamin hindi na mapakinggan—
atensyon sa sarili tuluyan nang nakalimutan,
Lubos na ang naibibigay sa'yo—
ngunit tanging hiling lamang ay h'wag mo akong lisanin.

Sandali!

Takbo rito, Takbo roon,
Sandaling panahon lamang—
Handang magmakaawa ngunit hindi mo hinayaan,
Ako'y iyong pinatayo ng tuwid mula sa pagkakatukod,
Sinabi mong lahat ng bagay ay temporaryo—
May mga aalis at darating ngunit ito ang pagkatandaan mo,
Magtira ka para sa sarili mo upang sa huli hindi ka nagdurugo.

---

©OceanusZab


Crafting Letters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon