Pagpapanggap
Pagpapanggap sa harap ng maraming tao ika'y laging nakangiti at nakatawa,
Ang mundo ay nabalot na ng katangahan at hindi marunong umunawa,
Sa huli sila ang sira at kawawa.Sa pagsapit ng dilim,
Suot-suot ang maskarang itim; kinukubli ang itsurang hindi kayang matiim,
Pagpapanggap sa sarili kahit ika'y nag-iisa; Sinong niloloko mo? Ang ibang tao o ang sarili mo?Sa madilim na silid ika'y naka sandal sa malamig na dingding,
Nakayuko, umiimpit at humahalinghing,
Nakakapagod palang mag-isa sa dilim,
Nais kong masilayan ang magandang araw sa ilalim ng punong may lilim.Hanggang kailan magkukubli't magpapanggap?
Hanggang sa matapos ang oras at sapat na ang kasangkapan?
O, tuluyan na lamang magpapasakop sa sinimulang palabas?---
©OceanusZab
BINABASA MO ANG
Crafting Letters (COMPLETED)
PoetryThe following contents are compilations of proses and poetries. This is dedicated to you.