" Getting to know you "
Ilang minuto pako umiyak sa kanyang mga bisig, hindi kona talaga napigilan, punong puno nako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.
" Uhm, I'll go now. " Ngiti at tugon ko sa kanya
Bumaba na'ko, papasok na sana ko sa loob ng aking sasakyan ng biglang may humawak sa kanan kong kamay.
" You can stay at my place, I'm really concerned about you. palipasin mo lang ang magdamag, wala naman akong gagawin sayo. just trust me. " Ang mukha niya ay may halong pagkahiya
" Okay, where's your place? " Wala nakong ganang makipag talo pa, gusto ko nalang ay matulog. sobrang pagod ang utak ko, pati na ang mismong ako.
Besides sabi ko kay mommy, I'm not going home tonight, wala rin akong mapupuntahan.
pumasok kami sa kotse at nag drive papunta sa kanyang condo, Hindi ko maiwasang tumitig sa kanyang mga mukha. ngiting ngiti ang gago, hindi ko na pinansin, bahala siya.
" We're here " usal niya
Agad nakong bumaba sa sasakyan para iparada sana
" I can park my car here right? " Tanong ko
" Yes " sagot niya habang binubuksan ang pinto ng kanyang condo
" Thankyou " maikli kong sagot at pumasok sa condo Niya
Maganda ang condo, Hindi maliit sakto lang, pwede sa iilang tao.
" I can sleep here " turo ko sa sofa.
" No, stay at my room. Dito nalang ako " ngiti niya
He's gentleman yes, hindi ko maitatangi.
" No, you should sleep at your room, biglaan lang naman 'to " asik ko sa kanya.
" I'm the man, you're a visitor. so sleep at my room, you can take a shower too and change clothes there's a cabinet, clothes of a woman. " Inaayos niya ang sofa para sa hihigaan niya
" Clothes of your chicks? No thanks " may halong irita sa boses ko
" No hahaha, that's the clothes of my sister, when she want to stay here, may mga gamit akong binili for her. Yung iba panga hindi pa gamit. So use it tyaka wala kong chicks. Ano yon manok HAHAHAA " Tawang tawa pang tugon niya
Hindi kona siya pinansin pa, pumasok nako sa kwartong tinuro niya kanina pa, Ang bango ng kwarto kasing amoy niya, there's so many paintings na nakasabit sa dingding also poster of bands, may gitara rin na nakasabit. napaka linis ng kwarto niya.
Kumuha nako ng damit sa cabinet, pajama and t-shirt lamang ang kinuha ko.
Agad agad nakong naligo para makapag palit ng damit, hindi nako nag lagay pa ng kung ano ano sa aking mukha, I'm so sleepy and dumb because of liquor.
After kong gawin lahat, agad nakong humiga sa kama, malambot. kasing amoy niya ulit, grabe ang amoy ng lalaking 'to. Kumakapit kung saan saan, patulog na sana ko ng biglang may bukas ng pinto, kaya agad agad ay nagtulog tulugan ako.
YOU ARE READING
RHYTHM OF LOVE
Teen FictionIt's all about loving someone with so many consequences, would you still take it or not? 𝑆𝐴𝑅𝑀𝐼𝐸𝑁𝑇𝑂