Wrist Watch
Lynx's Point of view
Padabog na tumayo si lexine at saka dirediretsong lumabas
'Tignan natin hanggang saan yung kaya ng tigas ng ulo mo' saad ko sa isip ko sabay smirk
Napabaling naman ako kay president nung bigla siyang mag salita
"Pasensya na sa inasal ng apo ko ganyan lang talaga siya" tumingin siya agad sakin nung masabi niya yon
"Makakaya mo ba yung ugali ng apo ko" tanong niya sa akin
"Yes President kakayanin ko po" saad ko habang naka yuko
"Ayaw ko yung word na 'kakayanin' ang gusto kong marinig sayo yung sigurado kana sa sagot mo at di nag aalanganin" pinatong niya naman yung siko niya sa table at ipinatong niya yung baba niya sa kamay niya napatingin naman ako sakanya nung sabihin niya yon
"Kaya ko po president wag kayong mag alala di ko kayo bibiguin" sumandal naman siya ulit sa swivel chair niya at tumitig ulit sakin
"Hmm mabuti kung ganon... I think dito na mag tatapos ang meeting natin at satingin ko wala na din naman magiging problema dito" tumayo na si president at nag sitayuan na din kami
Nag lakad na kami palabas ng meeting room na ito at saka kami hinatid palabas ni president
"Maraming salamat sa pag dalo niyo dito sa amin at pag hatid sakanya"turo sa akin ni president
"Walang anuman president basta may sweldo HAHAHAHHA"biro ni jack at mukhang di naman natuwa sila willy at si zia naman siniko si jack dahil nahihiya siya sa inasta nito
"Hmm no problem papadala ko agad sa mga bank accounts niyo yunh sweldo niyo" nakangiting sagot ni president kay dad
"Ayon nice thankyou president" sabi ni dad habang yumuyuko pa
"No problem"
"Hmm president may i borrow him?"turo naman sakin ni mom dahil parang may gusto siyang sabihin kanina pa sa akin
"Ow yeah sure"
Agad naman akong hinawakan ni mom at saka dinala sa garden ng bahay na ito huminto kami sa bench saka na upo dito
"Nakita mo ba gano kasama yung ugali non?" Tanong ni mom sakin habang nakanguso
"Yes mom and i hate her attitude" sabi ko at tumingin pa sa malayo
"Since ito na yung first day mo bilang body guard be nice okay?wag mong kakalimutan yung sinabi ko kanina ha?pero dapat wag masyadong masungit dahil babae pa rin siya at kailangan mo pa rin siyang respetuhin gaya ng pag respeto mo sa akin"
"Sure mom don't worry" sabi ko sabay kindat pa sakanya nakita ko naman pano gumihit yung mga ngiti sa labi niya
"When you need us just press the button and pupuntahan ka namin para sunduin at ayusin yung mali sayo"
"Don't worry mom i can handle my self"
"Okay fine...so tara na"tumango na lang ako
Tumayo na kami at bumalik kila president
"Here they are" saad ni dad nung makita niya kaming papalapit sakanila
"So pano ba yan mr.ferrer we have to go"saad ni wil nung tuloyan na kaming makalapit sakanya
"Go ahead ingat kayo sa biyahe"
Nag bow naman silang tatlo kay president sumakay na sila dad and wil pero naiwan si mom at saka niya ako niyakap
YOU ARE READING
Unlabeled Robot
Science FictionI'm a human robot and i have feelings too like humans have
