Chair
Lexine's Point of view
Pumunta na kami sa restaurant na gusto ko at saka kami binigyan ng table ng waiter pero nanatili lang na naka tayo si lynx
Maya maya lang ay tinanong na ako ng waitress
"Can i get your order ma'am?"
Sinabi ko lahat sakanya yung foods na gusto ko marami akong inorder ngayon dahil nagugutom na talaga ako
Umalis na yung waitress at hinihintay ko na lang yung order
Napatingin naman ako kay lynx na nakatayo lang at diretsong nakatingin sakin"Ano titignan mo lang ba ako?" Nag taka naman ako nung nag bow siya
"I'm sorry lexine" saad niya
"Tsk di ka ba nangangalay diyan?kahapon kapa nakatayo" tanong ko sakanya dahil kahapon pa talaga siya nakatayo at di ko pa siya nakitang umupo
Di niya ako sinagot
"Umupo kana dito" turo ko sa chair na nasa tabi ko dahil ayaw kong nakatayo siya sa tabi ko at titignan lang ako naiilang ako pag ganon arghhhh
"No thanks,I'm okay" saad niya
'Tsk feelingero ka naman kala mo may concern ako sayo'
"Kung iniisip mong nag aalala ako sayo nag kakamali ka dahil hindi ako makakain kung may nakatayo sa tabi ko at nakatitig lang sa akin sige na umupo kana dito dahil baka tanggalin kita sa trabaho"mayabang na sagot ko
Di na siya sumagot pa umupo na siya sa harap ko at saka tuwid na umupo
"Here's your order ma'am" napatingin naman ako sa waitress na nag salita at dala na nila yung inorder ko bigla naman tumayo si lynx at pinigilan yung waitress
"Wait let me see" saad niya at tinignan isa isa yung mga pagkain nag tatakas namang tumingin sakanya yung mga waitress
'Ano sa tingin mo may lason yan?tsk' napangiwi na lang ako sa naisip ko
Sinenyasan na ni lynx yung mga waitress na ilagay na sa lamesa at inilapag na nila ito lamesa
"Thankyou" saad ko at nag simula ng kumain
Hindi ako makakilos ng maayos dahil nakatingin sa akin si lynx
"Ano ba! Sinabi ko ng ayaw kong tinitignan ako pag kumakain eh"mahinang sigaw ko sakanya pero di siya natinag
Arghhhhhh nag isip na lang ako ng pwedeng gawin para di niya ako tignan
'Eh kung pakainin ko kaya siya para di na siya sakin tumingin? Hmm good idea' napangiti naman ako sa isip ko
"Kumain kana diyan marami rami naman tong inorder ko"
ilang segundo pa ang hinintay ko pero wala akong narinig na kahit anong gumalaw kaya inangat ko ang tingin ko sakanya at di man lang siya sumunod
"Kumain kana sabi diyan" mahinahon na sabi ko dahil ayaw kong mainis
"No thanks I'm not hungry"
Napa smirk naman ako
'Aba matigas ka ah'
"Kumain kana sabj diyan kung ayaw mong iwanan kita dito"sigaw ko na sakanya dahil di ko na natiis
Tumingin siya sa plato niya at isa isa tinignan yung fork and spoon humihinto pa siya kapag tinitignan niya ito
'Ang weird' napa iling na lang ako at saka tinignan siyang muli
Kinuha niya na yung kutsara at tinidor niya at sinimulan nang kumain tinignan ko ang bawat kilos niya at napapamangha ako dahil kung kumilos siya para siyang professional at nang galing sa mayaman na pamilya
Nakaupo ng tuwid at hindi naka patong ang mga siko sa lamesa at parang business woman ang kaharap niya sa pag kain
'Mahirap ka lang ba o may kaya talaga kayo' nag tatakang tanong ko sa sarili ko pero di ko na pinansin
Tumingin ako ulit sa pagkain ko at pinag patuloy ko ang pagkain hindi na ako naiilang dahil hindi na siya naka tingin sa akin maya maya lang ay natapos na kaming kumain
Napatingin ako sakanya nung tignan niya yung basong may tubig at saka niya ito ininom na pa tingin ako sa adams apple niya pero nag tataka ako bakit hindi man gumagalaw yon habang umiinom siya
"Here's your bill ma'am" napa baling naman ang atensyon ko sa waitress na nag salita
Binigay ko na yung bayad ko sakanya at tumayo na kami kinuha ni lynx yung paper bag at dirediretso na kaming lumabas ng mall at pumunta na sa parking lot
Pinuntahan namin kung san naka parking ang kotse ko at pinag buksan niya naman ako ng pinto nung makarating na kami don
Tahimik lang ang biyahe at walang nag salita sa amin hanggang sa makarating kami sa bahay
Sinalubong naman kami ng mga maids at kinuha yung paper bag na dala ko pumasok na ako sa loob at nakita ko si lolo na nasa sala nanonood
"Good afternoon xine"gulat naman akong napatingin kay lolo nung mag salita siya
'Huh afternoon na?eh sandali lang kami don eh'
"Good a-afternoon din lo"
"How's your shopping with your new body guard" tanong niya sakin
"Tsk it was a bad day lo" saad ko na medyo naka kunot ang noo
"Why what happened" nag aalalang tanong niya
"Nung una first time niya lang daw mag drive tas hindi manlang niya inalis yung tingin niya sa akin feeling niya tatakas ako" inis na sambit ko napatingin naman ako kay lolo nung tumawa siya ng medyo mahina
"That's great aba mahusay naman pala yung kinuha ko kung ganon bantay sarado ka niya at nauwi ka niya ng ligtas kahit first time niya pa lang" naka ngising saad ni lolo at mukhang pinupuri pa si lynx
"Tsk what ever" saad ko
Nakita ko naman si lynx na pumasok ng pinto at nanggaling siya sa garage dahil pinark niya yung kotse ko nung makita ko siya lumapit siya sa akin na dala yung key car ko
"Here's your key ma'am "pormal na pag kaka abot niya sakin padabog kong kinuha iyon at dumiretso na ako sa kwarto at nag pahinga
YOU ARE READING
Unlabeled Robot
Ficção CientíficaI'm a human robot and i have feelings too like humans have