Chapter 15

1 0 0
                                    

Black watch

Lexine's Point of view

Humiga na ako sa kama at nag isip ng bago kong gagawin bukas kay alexies pero inabotan na lang ako ng 1 di pa din ako nakakaisip

'Grrrg'

Kinuha ko ang cp ko at nag search ng pwede kong gamitin sa pang bubully nag hanap ako sa yt ng mga palabas na may pang bubully at nagustohan ko ang video na pinanood ko at yon na lang ang naisip kong gawin tumayo na ako agad saka sumilip sa pinto ko

Pag tingin ko wala si lynx sa labas at napa isip ako

'Akala ko di natutulog ang isang yon tsk'

Nag dirediretso na lang ako sa pag labas dahil wala naman bantay dumiretso ako sa kusina at may kinuha masaya naman akong bumalik sa kwarto ko at natulog na ng mahimbing

•Wednesday•

" ma'am gising na po mamalate na kayo ma'am ma'am!"

Inis ko naman minulat ang mata ko dahil naiingayan ako kay manang

"Ano ba ang ingay ingay mo!" Sigaw ko sakanya

"Sorry po ma'am malalate na po kasi kayo..."

'Malalate?'

Agad ko naman ko naman kinuha yung alarm clock ko para tignan kung anong oras na

'What!30mins na lang malalate na ako'

Nag taka naman ako bakit parang di ko man narinig na nag alarm yon pero di ko na inisip yon pumunta na agad ako sa banyo at nag madaling maligo nag suot na ako ng uniform at di na masyadong nag effort na mag ayos lumabas na ako ng pinto at gaya ng inaasahan si lynx nanaman

"Goodmorning ma'am " saad niya pero dinaanan ko lang siya ulit

Ewan ko ba pag nakikita ko siya di na ako nakakaramdam ng inis sakanya parang na sanay na lang ako na lagi ko na siya nakikita

Pumunta na ako sa dining table at naupo

"Goodmorning what happened?bat late kana nagising?" Nag aalalang tanong ni lolo pag upo ko

"Di nag alarm yung alarm clock ko lo" mahinang usal ko

"Okay fine bilisan mo na sa pag kain para maka alis kana"

Minadali ko na ang pag kain at sinenyasan ko na si lynx na aalis na kami nag madali naman siyang kinuha ang sasakyan at di na ako sumama sakanya na pumunta sa garage sinundo niya na lang ako sa tapat ng pinto ng bahay pag ka rating niya sumakay na agad ako at minaneho niya ng mabilis ang kotse ko mabilis lang ang pag papa andar niya pero maingat pa din siya sa bawat liko na ginagawa niya kaya hanggang ngayon di ko pa din maiwasan na di mamangha sa lalaking to maya maya lang ay nandito na kami sa school saktong pag baba ko...

RING!!!

saktong nag ring pa lang ang bell at saktong nag sisi pasukan na ang mga estudyante hinanap ng paningin ko si katty pero di ko na siya nakita kung saan siya madalas naka tayo

'Siguro pumasok na siya'

Nag lakad na lang ako pa punta sa classroom at nag madali na ako nakahinga naman ako ng maluwag dahil pag dating ko sa classroom wala pa si sir

"Anong nangyare bat ngayon ka lang?" Tanong ni katty sakin saktong pag ka baba ko ng mga gamit ko sa upuan ko

"Di na alarm yung alarm clock ko" saad ko sakanya uupo na sana ako sa upuan ko pero napatingin ako sa upuan ni alexies at wala pa siya

Unlabeled RobotWhere stories live. Discover now