Silver watch
Lexine's Point of view
"Woah! Grabe yung ginawa mo sakanya"hindi ko naman pinansin si katty at dumiretso na lang sa favorite place namin
"Mukhang di talaga siya natitinag" saad niya nung pag ka upo namin
"Kaya nga bagay lang sakanya yon" saad ko at mag kasalubong ang dalawang kilay
"Mukhang wala kana nga talagang balak tigilan siya eh ano?"
"Tsk wala na akong nakikitang rason para tigilan siya kilala mo ako kapag hindi ako sinunod ng binubully ko di ko na talaga siya titigilan" saad ko at nag smirk pa
"Nakalimutan ko ikaw nga pala yung tipo ng tao na gustong na susunod kung ano man iuutos tsk" sartistikong saad niya at pinakalapit pa ang mukha sa akin nung banggitin niya yung huling lintanya niya
"Tsk" usal ko at tumingin na lang sa mga estudyanteng nag lalakad
"Ano di nanaman ba tayo mag lalaunch?"saad niya at nilingon ko naman siya na salubong pa din ang kilay
"Sabi ko nga hindi nanaman" malungkot na saad niya nung marealize niya kung anong ibigsabihin ng titig ko na yon
"Hi xine"
na palingon kaming pareho ni katty sa likuran ko nung may mag salitang lalaki may itsura siya pero di pasok sa standard ko
Hindi ko na lang pinansin dahil bad mood din ako ngayon naramdaman ko naman siyang umupo sa tabi ko at nakakunot ang noo kong tinignan siya
"What do you think are you doing here!" Inis na sigaw ko sakanya pero nakangiti pa rin siya sa akin
"I'm just sitting beside you!" Nakangiting sagot niya
'Pilosopo pala ang isang to'
"I know but what brought you here?!" Inis na sigaw ko sakanya
"I just want to be friends with you I'm josh" saad niya at inabot pa ang kamay niya sa harapan ko upang makipag shake hands
"I'm not interested" walang ganang usal ko
"But I'm introducing my self to you don't be rude" saad niya pero di ako nakatingin sakanya
"You already know my name and I guess there's no reason to introduce my self to you" mataray na saad ko sakanya
"Okay fine" saad niya at itinaas pa ang dalawang kamay napatingin naman ako sa silver watch na nasa left wrist niya
"So i guess I'll see you tommorow?"
" I don't want to see you again" walang ganang saad ko at napatingin naman ako kay katty na mukhang nanunukso ang tingin sa akin
"Anong tingin yan?" Inis na tanong ko kay katty
"Nothing hahahah" sagot niya sa tanong ko
"Where in the same school and its impossible" sagot naman ni josh sa sinabi ko sakanya kanina
"Tsk"
"I gotta go see you tomorrow xine...bye" saad ni josh at tumayo na di ko na siya pinansin at pinanood na lang siyang umalis kumaway naman siya sa akin pero tumingin na lang ako kay katty
"He have looks" pag pupuri ni katty habang nakatingin kay josh na papalayo
"Edi sayo na" saad ko naman
"Pero mas bagay kayo" saad niya at tumingin naman sakin ng nakangiti
"What ever tsk"
RING!!!
Pumasok na kaming dalawa ni katty sa classroom at saktong nandon na din ang next subject namin
"Good afternoon class" saad ni maam
"Good afternoon maam" saad naming lahat at saka sabay sabay na upo
"So for to day our less--"di na natuloy ni maam ang sasabihin niya nung may mag salita
"Excuse me ma'am good afternoon sorry I'm late" sabay sabay kaming napalingon sa pinto nung biglang mag salita si alexies at nakapag palit na ng uniform
'San ka naman kaya kumukuha ng uniform mo tsk'
"Oww ms.parser you're late again" saad ni maam kay alexies
"I'm sorry ma'am i just change my clothes" saad ni alexies pero di siya nakatingin kay ma'am kung di sa sahig
"Same reason yesterday ano bang ginagawa mo sa pag kain mo at para napaka dumi mo naman kung kumain" sartistikong usal ni maam kay alexies
"HAHAHAHAHAHAHAH"
malakas na tawanan ng mga kaklase ko pero di ako tumawa dahil mukhang di manlang nakaramdam ng hiya si alexies
"Class quite!!!" Nag sitigilan naman ang mga kaklase ko sa pag tawa nung sumigaw na si ma'am at muli siyang tumingin kay alexies
"Ms.parser pang second mo na tong na late at di na pwede to once na nalate ka pa di na kita papapasukin" pag babanta ni maam kay alexies
"I'm sorry ma'am"
"Okay you may now go to your sit"
Nag lakad na si alexies papunta sa likuran kung saan siya nakaupo muli ko siyang sinulyapan pero nakatingin pa din siya sakin
'Tsk'
Tinuloy na ni maam yung sasabihin niya kanina at nag simula na siyang mag turo sa amin ganon na din sa ibang subject nag simula na din silang mag turo ngayong araw at dumating na nga ang oras ng uwian
•Dismissal•
Nag silabasan na ang mga kaklase namin at ka sabay naman nila si alexies inayos ko na ang gamit ko at ganon na din si katty nung matapos siya ay agad niya na akong nilapitan at lumabas na kami saka nag lakad
"Mukhang lagi kana talagang sinusundo ah?"tanong ni katty sa akin
"Ano pa bang magagawa ko eh alam mo naman kapag si lolo na yung nag salita" malungkot na saad ko
"Sabagay...oh ayan na pala yung sundo mo"
turo niya sa sasakyan ko at tumingin naman ako don at gaya ng inaasahan si lynx ang nakasakay don
"So pano ba yan kita na lang tayo bukas don ah?"
Turo niya sa pwesto kung saan ko siya laging nakikita pag papasok ako
"Sige" walang ganang saad ko
"Okay bye see you tomorrow" tumango na lang ako saka nag beso sakanya
Nag lakad na ako papalapit kay lynx hinayaan ko na lang siyang bumaba sa sasakyan at pag buksan ako ng pinto sumakay na lang ako agad nung pag buksan niya ako at nag simula na kaming umalis tahimik lang ang biyahe gaya kahapon at walang nag salita sa amin hanggang sa makarating na kami sa bahay
"Good afternoon ma'am" bati sa akin ng maids namin pag ka pasok ko ng bahay
"Good afternoon" saad ko at nag lakad ako
napatingin naman ako sa sala dahil inaasahan ko na nandon si lolo tumingin din ako sa backyard malapit sa pool para tignan kung nandon siya nag taka naman ako kaya muli kong nilingon yung maid kanina na bumati sa akin
"Where's lolo?" Tanong ko sakanya
"Nasa office room niya po siya" saad niya at tumango na lang ako
Saka na ako dumiretso sa kuwarto...

YOU ARE READING
Unlabeled Robot
Science FictionI'm a human robot and i have feelings too like humans have