Emotions

55 1 0
  • Dedicated kay Sa lalaking minamahal ko
                                    

Dear sa lalaking gusto ko,

        Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakikita kita feeling ko may Manila Zoo sa tiyan ko. Yung feeling ko na nakikipagkarera ko sa mga kabayo. Yung makita lang kita buo na yung simple kong araw. Kaso di mo naman ako mapapansin. Kahit na best of friends tayo di mo rin ako mapapansin. Kaya eto ako friendzone.

        Totoo nga yung sabi nila na "Love is like a heaven but can hurt like hell.". Ang saya saya ko kapag kasama at kausap kita. Pero kapag nakikita kitang may kasama para akong nabuhusan ng malamig na malamig na tubig. Yung inaangkin kita kahit wala naman akong karapatan. Sakit.

        Saklap? Saklap. Oo sobrang saklap kasi may girlfriend ka na. Masaya, matatag at sweet na relationship in short perfect. Kapag may away kayong dalawa masaya ko, sobra. Kaso kahit nasa puntong konti na lang magbrebreak na kayo naayos niyo pa rin. Bwisit diba? Wala kasing titbag sa inyo.

         Sige ako na selfish at desperado sayo! Ganito lang talaga kasi kita kamahal. Kahit may mahal ka ng iba at nagmumukha na akong tanga. Kahit na hindi ka perpekto. Kahit hindi ka kasing gwapo ng mga lalaking nakakasalamuha ko. Kahit na hindi ka kasing talino ng mga dalubhasang kilala ko. Mahal na mahal pa rin kita. 

 PS: Nandito lang ako para sayo. Kahit hindi mo ako mahal, mamahalin pa rin kita ng lubusan.

                                                                                                           Nagmamahal at nagpapakatanga sayo,

                                                                                                                                                                Grace

Emotions [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon