Please po vote and comment. :D
_____________________________
KATHERINE'S POV:
"I HATE YOU......I hate you! I hate you!! I hate you???!!!" Inis kong sabi habang gumawa na naman ng panibagong vandal sa kawawang diaryng nakita ko sa park.
Bakit kawawa??
Kasi ito yung napagdiskitahan ko tuwing stressed ako. It's my stress reliever. At lagi akong stressed dahil sa hinayupak, walang modo, isnabero, gwapo....Oo na! Hindi na maiiwasan. Crush ko parin sya kahit maging ganun man ang trato nya sakin.
I know it sounds weird pero tuwing nagvavandalize ako sa dairyng ito ay nawawala ang stress ko. Parang kanya na rin tong notebook kaya parang nagrerevenge ako sa kanya gamit ito.
Sana nga sa kanya. Pota sya kasi. Gwapong tanga. Hahahaha. Ang sama ko.
At alam nyo kung bakit ko sya hate?
Kasi nakakainis sya. Wala syang ginawa kundi tarayan ako.(oo matray. Bakla kasi sya. Hahaha. Jk.) Ang laking tao. Bakla naman. Pota gwapong bakla. Isnaberong gwapong bakla.
Oo sya. Sya yung tinutukoy ko. Si MARK LAWRENCE VILLANUEVA. Ang binansagan kong mr. Snob. Isnaberong gwapong bakla. Putek sya.
And let me tell you.. it has been a week simula nung kumanta ako sa rooftop na kinainis nya. At simula na din ng pagiging cold nya sakin. Oo. Sakin lang talaga. Parang laging pms kapag nasa paligid ako.
Masayahin naman syang tao pag HINDI AKO ANG KAHARAP. Oh di ba ang saya lang? Para akong stress reliever nya rin. Lahat ata ng galit nya dito na tinanim sakin.
Kaya nga dahil sa galit ko hindi na pencil ang ginamit ko sa pagvandal PEN na. Nilevel-up ko na. Kainis eh.
Paano yung may-ari neto?
Yae na. Sya na bahala dun. Isasauli ko nalang to pagipapasa na. Problema na nya yun. TANGA nya kasi.
And to tell you, kakauwi ko lang. At diretso sa kwarto dahil wala ako sa mood dahil sa potek na si Lawrence.
Kasi naman ginawa na naman nya, ang galitin ako.
Makakaya mo kayang ipahiya ako sa klase. Bwiset sya. Kaya nga naiinis na naman ako sa kanya. Konti nalang. Konti nalang talaga at magagahasa ko na sya. XD jk.
Natigil na ako sa pagsusulat sa diary ni POGING ML ng sumigaw ang nanay ko sa likod ng pintoan.
"ANAK! LABAS NA DYAN! KANINA PA KITANG KINAKATOK AT TINATAWAG DITO SA LABAS HINDI KA NAMAN NAKIKINIG! ANO BA KASING GINAGAWA MO? MAY GINAWA KA BANG KABABALAGHAN JAN? ANAK 'WAG NAMAN SANA BAKA MAPANO KA!"-malumanay nyang sabi.
Kaya ginawa ko, kinuha ko ang megaphone sa study table ko at nagsalita rin. Sinakyan ko lang ang kabaliwan nya.
"KAT PWEDE BA! WALA AKO SA MOOD! 'WAG NYO NA DAGDAGAN! KITA NYO? PAREHO NA TAYONG BALIW! HAHAHAHA!" Natatawang sabi ko. Itong nanay ko kasi...JUICE COLORED?! Nakakaloka sya. Gumamit ba naman ng mega phone? Pero yae na. Hobby nya yan eh.
"AHHEERRRMMM! SIGE ANAK! PASOK NA AKO HA! KINUHA KO NA YUNG SUSI INCASE NA HINDI MO PARIN AKO MARINIG!" Tek! Grabe. Ina ko pa ba to? Hindi daw marinig? Eh ano ako? Bingi? Parang ang lake naman ng tutuli ko sa tenga pagganun. Eh kakalinis ko lang neto last last week. Hindi pa naman makati kaya okay pa.(sorry sa mga kumakain. Hehehe.)
"Sira talagang pusa to." Sabi ko sa sarili ko.
"Oh. Ano? Ano kailangan mo?" Tanong ko sa nanay kong kakapasok palang.
"Wala. Wala lang." Nakangiting abot tenga.
"Owsss??" Sabi ko sabay taas ng isang kilay. Namula naman sya at ngumiti pa lalo.
BINABASA MO ANG
Diary Ni Pogi (Katangahan Chronicles)
FanficEpal, Ang panget ng araw ko ngayun. Lam mo kung baket??? Kasi dumating ka pa. Sarap nyong pag-untugin ni Ms. madrigal. May nalalaman pa syang ganito. PsssHHH!! Diary dairy pa , eh. Wala namang silbi. But looks like I have no choice. Project to eh...