7

31 9 1
                                    


Isang babaeng mag-isa at malungkot
Tahimik at nababalot ng takot
Sa kanyang madilim na mundo,
Na siya lamang ang tao

Minsan lamang siya ngumiti o tumawa
Sa tuwing siya'y may naalala
Takot daw siyang maging masaya
Dahil baka may mangyaring masama

Wala siyang masabihan,
Wala siyang masandalan,
Tulong, 'yan ang kailngan niya
Nilalamon na siya ng sistema

Unti-unti na siyang pinapatay,
Ang kulang na lang ay ibaon siya sa hukay
Pagod na siya at gusto nang sumuko
Ano pa bang pag-asa ang meron, ako?

thoughts into poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon