30

20 6 1
                                    


Ano? Kaya mo pa ba?
Hindi ba napapagod ka na?
Hindi ba sabi mo hindi mo na kaya?
Eh, bakit ngayon paulit-ulit mo pa ring ginagawa?

Kaya mo pa ba silang tiisin?
Kaya mo pa ba silang intindihin?
Hanggang kailan ka magtitiis?
Hanggang kailan ka mag-iintindi?

Hindi mo ba nakikita na hindi na sila magbabago?
Hindi mo ba napapansin na sobra-sobra na ang ginagawa nila sayo?
Hindi mo ba alam na habangbuhay na silang ganyan?
Ang pagtatrato nila sayo na isang utusan?

Tinatawag ka nilang prinsesa kahit wala namang kaharian,
Tinatawag ka nilang prinsesa kahit ikaw ang utusan,
Tinatawag ka nilang prinsesa dahil tamad ka, wala ka palaging ginagawa
Hindi ba mapapamura ka na lang sa mga sinasabi nila?

Tangina,
Oo, nagmumura na ako, ang dami ko nang pinagbago
Mula sa pagiging masayahin at mabait na dating ako, naging ganito.
Ano bang klaseng pamilya ito?

Minsan, napapaisip ako
Bakit ganito? Bakit ako?
Karapat-dapat ko bang maranasan ang mga ito?
Ano bang kasalanan ko? Ano bang mali ko?

Ano? Kaya mo pa ba?

thoughts into poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon