Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,
Ito'y didiretsuhin ko na...
Bakit ang mga tao, palaging hindi patas?
Lagi nilang pinagsasawalang bahala ang batasHindi ba nila nakikita?
Hindi lang ang gobyerno ang problema,
Pati ang mga taong matigas ang ulo
Na hindi sumusunod at puro na lang reklamo.Hindi ba kayo naaawa sa ating presidente?
Sana huwag naman tayong magpakampante
Habang patagal ng patagal mas lalong lumalala
Nakakatakot na itong pandemyaHindi ito isang biro,
Dapat tayo'y magseryoso
Dahil maraming buhay na ang nawala
At madami na rin ang nagsakripisyo para sa iba.At sana huwag din nating kalimutang magdasal
Dahil sa panahong ito kailangan natin ng gabay sa Maykapal.
BINABASA MO ANG
thoughts into poems
Poetry꧁ poetry saves, poetry heals, words won't disappear. ꧂ (05/20/21) [ a collection of sad poems ] Language: Taglish